☀️40

723 33 5
                                    

☀️Justin's POV☀️

"Jah umalis ka muna dito dali" sabi ni Ken na halos ipagtulakan na ko palabas ng studio.

"Ha bakit? San ako pupunta?"

"Dalian mo di ka pwedeng maabutan ni Josh dito"

Ako pinaka maagang dumadating sa studio. Si Ken laging huli.

Sobrang nakakapagtaka na andito na sya ng ganto kaaga. Mas maaga pa sa ibang members.

Tapos parang di pa sya nagsusuklay medyo basa pa buhok nya.

Di rin sya nakaporma. Naka white t-shirt at brown na shorts lang sya.

"Bakit ba Ken saka bat di ka man lang nagsuklay?"

"Di mo pa ba nakikita? Basta mamaya na yare talaga pag naabutan ka ni Josh"

Ilang hakbang pa lang kaming nakakalayo sa studio nang dumating si Josh.

"JUSTIN!!!" galit na galit sya di ko alam kung bakit.

Tumatakbo sina Stell at Sejun galing hagdanan.

Hinihila na ko ni Ken pero naabutan kami ni Josh.

Pinaharap nya ko sa kanya at sinuntok ng malakas.

Napaupo ako, hinawakan nya ko sa kwelyo at tinulak sa pader.

Nalalasahan ko na yung dugo sa labi ko.

Idiniin nya ko sa pader. Pinipigilan sya nila Ken pero iba talaga lakas ni Josh lalo na at galit na galit sya ngayon.

"Sabi ko na eh, malaking pagkakamali na hinayaan kong magstay ka sa buhay ni katkat! Mas malala ka pa sa iniisip ko! Pure boy?! Isang malaking JOKE!" nanggigigil na sabi ni Josh.

"Josh hayaan muna nating magpaliwanag si Jah" pakiusap ni Sejun.

Sinabi ba ni Stacey sa kanila yung nangyare? Patay...alam na kaya ni meow?

"Josh...si meow?..." sabi ko.

"Paliwanag? Ano pang ipapaliwanag nya na buntis si Stacey at kumakalat pa ngayon video nila?" sabi ni Josh at sinuntok ulit ako.

Buntis? Video?

Hindi pwedeng makita ni meow yun. Anong gagawin ko? Walang paliwanag ang makakaalis ng sakit na mararamdaman nya.

"Josh hindi ko alam, may pinainom sakin si Stacey nawalan ako ng malay di ko ginusto yun" paliwanag ko.

"Di ginusto? Kahit game na game ka?" sabi ni Josh.

"Wala talaga kong matandaan I swear kung nasa katinuan ako di ako gagawa ng bagay na alam kong masasaktan si Catarina"

"Guys mag usap tayo nang maayos sa loob ng studio. Hindi safe dito, kita tayo sa bintana, kung may tao sa kabilang building baka nakukuhanan na tayo ng video at picture" sabi ni Stell.

Nailayo na nila si Josh na pilit pa ring lumalapit sakin.

Hawak sya ni Stell at Sejun.

Si Ken nagsecellphone.

Pumasok na kami.

"Ken, cellphone ka pa din? May problema tayo oh baka gusto mong pigilan si Josh?" sabi ni Stell.

Nasa magkabilang dulo kami ng studio para di makalapit sakin si Josh. Makawala man sya saglit kina Sejun at least may time sila para mapigilan sya.

Si Ken nasa tabi ko.

"Di talaga ko naniniwalang kayang gawin ni Jah to eh, may kutob talaga ko, naghahanap ako ng clue sa video" sabi ni Ken.

"Wow pinapanood mo talaga?" tanong ni Stell.

"Promise hindi talaga ko naniniwala, dati kasi sinubukan kong i-prank si Jah na tulog sya, kunyare babae ako na inaakit sya. Sabi nya wag meow lagot ako kay Josh. So feeling ko akala ni Jah si Cat to or baka may something pa, basta" sagot ni Ken.

"Kahit akala nya pang si kat yan wala pa rin syang lusot sakin! Bat nya gagawin kay katkat yan!" nakawala si Josh kina Sejun.

Humarang sa harap ko si Ken habang pinipilit pigilan nina Stell si Josh.

"Guys! Wait! May mga cut yung video, parang may iniiwasang ipakita. Saka, ano to? May...nunal ba to? Sa tagiliran, walang ganyan kalaking nunal si Jah sa tagiliran!" sabi ni Ken.

"Wow nakita mo pati nunal? Naka HD ka?" tanong ni Stell.

"Di nga tingnan nyo, saka lagi lang nakaside view pag paharap na biglang nakacut yung video, halatang may nawawala, anog klaseng cctv at scandal yung may cut di ba?" dagdag ni Ken.

Tiningnan ko na din yung video kahit ayoko.

May napansin ako.

"Teka, bakit ganun, nung nandyan ako may pitsel saka baso sa bedside table, pag gising ko andun pa yun eh, bakit wala jan? Saka wala nga akong nunal sa tagiliran. Parang ako nga yan pag tiningnan pero... Wala ring nunal sa tenga! Bakit ganun? Hindi rin yan yung sapin sa higaan, pati kurtina!" sabi ko.

Si Stacey ba may gawa neto? Ikakasira to ng career nya, bat nya to ginawa? Ganun sya kadesperate sakin? Pero di nya ipagpapalit ang fame para sakin.

Napaisip na din si Josh. Di na sya nagpupumiglas.

"Jah, sabi mo wala kang matandaan, pano mo naisip na may nangyare sa inyo? Saka kung meron nga, bakit hindi yung video nyo ang ikinalat? Sino to, sigurado akong hindi ikaw to, pero sobrang kamukha mo. Asan yung video nyo?" sunod sunod na tanong ni Josh.

"Pag gising ko, wala kaming suot, pero wala talaga kong maalala, parang tulog lang ako, nanaginip pa nga ako eh" sagot ko.

"Kinausap ni Stacey si Cat kagabi. Sabi nya buntis daw sya. May pinakita pa syang picture kay Cat na magkatabi kayo. Yun sure akong ikaw yun pero tulog ka. Nabanggit nya din yung about sa video. I think sya talaga may kagagawan kung bakit kumalat to. Di ko pa rin maisip kung ano talagang balak nya maliban sa paghiwalayin kayo pero something is really not adding up. May mali talaga" sabi ni Sejun.

So may nakitang picture si meow at siguradong alam na nya. Naiyak na ko.

Sigurado kasing sobrang nasasaktan sya ngayon. Gusto ko syang puntahan para magpaliwanag.

"Sorry guys, nagdala na naman ako ng gulo, sorry Josh di ko sinasadyang masaktan si meow...sorry babe...sorry"

"Di ko na alam Jah, gusto na kitang sakalin pero nararamdaman ko ding may mali" sabi ni Josh na medyo kalmado na pero nakakatakot pa din.

Umupo na si Josh sa sahig. Umupo na din si Stell at Sejun na pagod na pagod kakapigil kay Josh. Pulang pula braso nilang tatlo.

Si Stell may sugat sa mukha natamaan siguro ni Josh habang nagpupumiglas kanina.

"Asan si meow? Gusto kong magpaliwanag sa kanya" tanong ko kay Josh.

"Wala na sya pag gising ko, nag iwan lang sya ng note, di nya sinabi kung san sya pupunta para daw in case magtanong ka di ko na kailangang magsinungaling" sabi ni Josh.

Wala nanaman si meow. Di ko nanaman alam kung san sya hahanapin.

Napasalampak na din ako sa sahig...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Wala pala kaming pasok buti na lang mabait boss namin di na ko mababasa ng ulan haha. Nag update na ko ng maaga wala kasing kuryente baka ma-low bat ako.

SB19 Justin - Mr SunshineKde žijí příběhy. Začni objevovat