☀️56

894 30 6
                                    

☀️Justin's POV☀️

Di ko na kailangang um-acting ngayong si meow na ang partner ko sa solo performance ko.

Yung mga titig at haplos ko, para naman talaga sa kanya yun.

Mas nailabas ko yung emotions ko na sya yung nakikita ko.

Mukha syang anghel ngayon tapos punong puno ng emosyon yung mga mata nya.

They say all good boys go to Heaven
But bad boys bring Heaven to you
It's automatic
It's just what they do
They say all good boys go to Heaven
But bad boys bring Heaven to you

Napatitig ako sa lips ni meow.

I miss her so much, the past months wala akong ginawa kundi pigilan sarili ko tuwing magkasama kami just so I can keep her close to me.

Sobrang gusto ko syang yakapin and halikan pag nakikita ko sya pero hindi pwede.

Di ko namalayan tumulo na pala luha ko.

Di ko kayang pigilan sarili ko ngayon, bahala na haha.

Ngumiti ako, humugot ng lakas ng loob.

"I'm sorry" sabi ko kay meow.

Nung namatay yung ilaw, hinalikan ko sya.

Ni-ready ko na din sarili ko sa sampal na matatanggap ko.

Kaya kayang takpan ng make up yun? Di naman siguro magpapasa no?

Nagulat ako, imbes na sampal matanggap ko, she kissed me back!

Then tinulak nya ko tapos tumakbo na sya palayo.

Naiwan ako sa stage, tulala, sinundo na ko ng staff.

"Jah bat nakatayo ka pa jan? Magpeperform na si Josh" sabi ng isang staff.

Hinanap ko si meow sa back stage, wala sya. Di daw nila alam kung san pumunta.

Di sya sumasagot sa mga text, chat, at tawag ko.

Kinakabahan ako, what if iwan nya na naman ako at magpakalayo layo?

Hindi nya naman siguro iiwan ang PHoenix di ba? Saka nakapirma sya ng kontrata.

Pinipilit kong kumbinsihin sarili ko pero natatakot pa din ako kasi ilang beses nang ginawa ni meow to.

Pinilit kong mag-concentrate hanggang matapos yung concert.

"Sige katkat, akala ko naman kung ano nang nagyare at bigla kang nawala..." narinig kong kausap ni Josh si meow.

"JOSH! PAKAUSAP!" nagpanic ako di ko namalayang sumisigaw na pala ko.

Nagulat ata si Josh bigla nya din inabot phone nya sakin.

"Meow asan ka? Wag kang aalis please, wag mo kong iwan ulit please" pakiusap ko habang umiiyak.

Hinila ako ni Josh papasok sa cr para walang makakita sakin.

Sumunod yung iba pang members. Nagtataka silang lahat.

"Huh? Aalis? San ako pupunta?" tanong ni meow.

"Galit ka ata eh tapos magtatago ka na naman, bakit bigla kang umalis dito?" tanong ko.

"Di ako aalis" sabi nya then ibinaba na yung tawag.

Sinubukan ko sya ulit tawagan gamit phone ni Josh pero di sya sumasagot.

"May ginawa ka ba Jah? Magkaaway kayo?" tanong ni Josh.

"Ako may nakita pero di ko sasabihin mwahahahahahahaha" sabi naman ni Ken.

"Nakita mo?" tanong ko.

"Anong nakita nya?" tanong ni Stell.

"Nakita ko" sagot ni Ken.

"Anong nakita mo?" tanong ni Sejun.

"Ang gulo nyo ano ba yun?" tanong ni Josh.

"Not my story to tell" sabi ni Ken sabay alis.

Tumingin silang lahat sa akin.

Napabuntong hininga ako.

"Hinalikan ko si meow nung pinatay yung ilaw" kwento ko.

"Waaaaaah!" nagbunyi sila.

Napangiti naman ako.

Bumalik si Ken, nang aasar yung ngiti.

"Tapos hinalikan nya din ako bago sya umalis" dagdag ko pa habang kinikilig.

Lalo silang nagwala.

"Huy anong nangyayare sa inyo jan?" tanong ng isang staff.

Hininaan nila yung pagbubunyi nila, ang kukulit.

"Baka di sinasagot tawag mo kasi nahihiya" sabi ni Josh.

"Hayaan mo na munang namnamin nya din yung kilig yiiieee" sabi naman ni Sejun.

"Naiiyak ako, my ship is sailing" sabi ni Stell.

***Kinagabihan***

Hindi ko alam kung bakit pero malakas kutob ko na nasa rooftop ng building namin si meow ngayon.

Umakyat ako. Andun nga sya. Nakatitig sya sa buwan.

Lumapit ako at tinabihan sya. Ang ganda ng buwan, fullmoon ata ngayon.

"I feel stupid" sabi ni meow na nakatitig pa din sa buwan.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Sinimulan ko tong idol journey ko na ang nasa isip ko is I need to get to your level para naman maging worthy akong maging girlfriend mo" sagot nya.

Nagulat ako, ginagawa nya to para sakin? Natuwa ako nung una pero nalungkot din ako. Ibig sabihin ba nun di sya masaya sa ginagawa nya? Dahil lang ba to sakin?

"Di mo namang kailangang gawin yun meow, anong level? Wala namang level na kailangang abutin. Ito lang ako meow nasa harap mo, pinipilit kang abutin" sabi ko naman sa kanya.

"Ayoko na kasing magtago Jah, ito lang naisip kong paraan noon. Pero nung andun na ko, dun ko lang narealize na hindi ko lang pala journey to, I have my members na kailangan kong ingatan. Lagi kong pinipigilan sarili ko tuwing nakikita kita. Feeling ko any moment tatakbo na ko papunta sayo para yakapin ka, pero hindi pwede. Ang hirap" kwento ni meow.

"Enough na sakin yung mga narinig ko, sorry kung impatient ako. Maghihintay ako hanggang sa free na tayong ipakita sa lahat na nagmamahalan tayo" sabi ko habang nakangiti at naktitig sa kanya.

Di pa rin sya tumitingin sakin.

"Gusto kong maging moonlight mo, di man ganun kaliwanag, enough na para di ka mangapa sa dilim" sabi nya habang nakangiti.

Kinikilig ako 😆

Biglang nagring yung phone ko.

"Jah! Viral na yung video ng performance nyo ni katkat. Pinagkakaguluhan na!" sabi ni Josh.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ