☀️14

1K 33 15
                                    

☀️Justin's POV☀️

Galit ata talaga sakin si meow. Dapat pala di ko na lang sya biniro ng ganun.

Yayayain ko pa naman sana syang pumunta sa original naming rooftop today.

Di sya nagrereply sa texts ko, di rin sumasagot sa mga tawag ko, hayy.

Restday ko pero parang drained na drained ako pero di rin ako mapakali.

Nasa bahay lang ako, ang boring. Di rin ako makatulog.

Tinext ko lahat ng members pero walang nagrereply. Kahit sa group chat wala.

Ako lang din tao sa bahay ngayon.

Si meow junior lang kausap ko, pero di naman makakasagot to, hayy.

Naisipan kong gumawa ng dummy account and sumali sa mga group chat ng fans.

Walang naniniwala na si Justin de Dios talaga ko 😭

Nireremove ako lagi sa mga sinasalihan ko.

Blinock pa ko sa groups.

May nag announce pa na wag akong pasasalihin sa kahit saan.

Ako to! Kala ko ba love nyo ko huhuhu.

Wag na nga lang.

***Kinabukasan***

Di pa rin pinapansin ni meow mga text at tawag ko.

Gusto ko sana syang puntahan sa office kaso sobrang busy kami today.

Ang daming interviews.

May mallshow pa mamayang 4 pm.

"sayang naman kala ko makakanood ka mamaya, sige katkat ba-bye na muna, wag ka magpapalipas ng gutom ha...sige sige" si Josh kausap si meow!

"Josh pakausap!" sigaw ko kay Josh kaso wala na-end nya na yung call.

"Ha? Baket? Naka-line ka naman bat di mo tawagan?"

"Di sinasagot eh"

"Baket? Teka, nag away ba kayo? Pinopormahan mo ba kapatid ko? Umayos ka ha"

"Hindi ah, magkaibigan lang kami ni meow"

"Mabuti ng malinaw, bat ba kayo nag away?"

Patay, anong sasabihin ko, baka gulpihin ako neto pag nalaman yung dahilan.

"Ah...wala...napikon lang sa asaran namin"

"Iyakin pa naman yun dati si katkat, feeling ko iyakin pa din sya hanggang ngayon haha...oy wag mong paiiyakin yun or else sisiguraduhin kong mapapalitan ka ni Ken as visual...alam mo na yun"

Napalunok ako. Parang tumigil tibok ng puso ko for a second. Wag sanang magsusumbong si meow, lagot talaga ko neto.

"Ako naman talaga dapat visual, mga wala lang kayong taste" sabi ni Ken sabay pose habang nakalabas nanaman yung dila.

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now