☀️49

740 29 1
                                    

☀️Justin's POV☀️

Ang tagal bumalik nina meow. Ano kayang pinag usapan nila? Sana pagbalik nila okay na sya. Sana makausap ko ulit sya. Sana pumayag syang ayusin ko lahat para bumalik na kami sa dati. Ang dami kong sana...pero pleeeeeease sana maging maayos na lahat.

Nasa sala na kami. Bumalik na si Josh, napatayo ako.

Di nya kasama si meow.

"Josh...si meow?" tanong ko.

"Ah...umalis na Jah, may kailangan syang asikasuhin and..." sagot ni Josh.

"and?" tanong ko ulit.

"and...mukhang matagal na naman ulit bago natin sya makasama...sorry Jah pero hayaan muna natin sya" dagdag ni Josh.

Napaupo ako.

Lamapit si Josh then may inabot na papel sakin.

"Galing kay katkat" sabi ni Josh.

Justin,

I'm sorry, hindi mo naman talaga kasalanan lahat. Sorry kung nagalit ako sayo ng sobra pero sobrang nasaktan din kasi ako. Alam kong di mo naman intensyong saktan ako pero andito na tayo eh. Pag bumalik ako sayo ngayon mahihirapan lang ulit tayo. Dati kuntento na kong makasama ka lang kahit kailangan nating itago yung tungkol satin kaso habang tumatagal nasasaktan na ko at naaapektuhan lalo na nung nagsimula na kong i-bash ng fans nyo. Feeling ko hindi ako worthy maging girlfriend mo. I felt so small and insignificant. Oo, alam kong hindi dapat ako nagpaapekto, sorry kung naging mahina ako. Sorry kasi di ako nagtiwala sayo. I'm really sorry but I need to go and subukang ayusin muna yung sarili ko. Gusto ko kung babalik ako sayo, babalik ako ng buo, sigurado at confident sa sarili ko. Ayoko nang bumalik tayo sa dati, I want something better and hindi yun mangyayare ngayon. Honestly hindi ko alam kung kailan ako makakabalik or kung makakabalik pa ko. If you find love while I'm gone, go for it, you don't have to wait, ayokong maging unfair sayo. Mahal kita but I have to do this. Please take care of my kuyas and of yourself.

Until we meet again,
Meow

Sobrang nanlumo ako, iniwan na naman nya ko.

Saan ko na naman sya hahanapin?

Meow pa ginamit nyang signature.

Tuloy tuloy lang ang pagbuhos ng luha ko.

Kailan kita makikita ulit meow? Kailan kita makakasama ulit?

Kinuha ni Ken yung letter, binasa nilang lahat.

"Wag kang mawalan ng pag asa Jah, just give her time to heal" sabi ni Josh.

"Miss na miss ko na sya Josh, okay na sana sakin makita lang sya, yung alam ko kung nasaan sya, gusto ko lang marinig lagi yung boses nya"

"Let's just respect her decision, tama si Josh give her time, yes you can help mend her broken heart pero I think more than that was broken, her soul was broken and sya lang makakabuo ulit nun, the least we can do to help her is to let her go and pray for her and love her from a distance" sabi ni Sejun.

"Nalulungkot talaga ko pero hindi naman kasi magandang bumalik si Cat sayo pero sobrang lungkot nya di ba? Magtiwala tayo kay Cat" sabi naman ni Stell.

"I know she'll find her way back kasi pusa sya di ba? Di yun maliligaw makakabalik din yun sayo Jah" sabi ni Ken.

Alam kong ginagawa nila lahat para i-cheer up ako pero di ko talaga alam kung kaya ko to.

Wala akong choice kundi maghintay. Walang ibang dadating na love, alam ko sa sarili kong si meow lang talaga.

Itinupi ko yung letter and itinago sa wallet ko.

***After a few months***

Wala pa rin kaming balita kay meow.

Naging malungkutin ako. Di ko maiwasang isipin sya palagi.

Bumalik ako sa dati. Yung bigla bigla na lang iiyak.

Ginagawa nila Sejun lahat para libangin ako pero madalas talaga matamlay ako.

Nagiging energetic lang ako pag nasa stage, nasa set or basta alam kong nakikita ako ng A'tins.

Ayokong makita nilang malungkot ako kasi alam kong marami sa kanila kami ang pinaghuhugutan ng saya at pag asa.

And baka nakikita ako ni meow, alam kong gustong gusto nya yung gummy smile ko kaya lagi akong nakangiti on Cam.

Kahit di ko sya nakikita, gusto ko pa ring maging sunshine nya.

Though sobrang tagtuyot yung love life ko ngayon sobrang thankful naman ako na maraming blessings na dumadating samin.

Mas maraming malalaking offers at projects ang dumadating.

Tapos mas madami na din yung trainees kasi madaming nainspire sumubok abutin yung mga pangarap nila.

Nagpaplano na ang CEO and ang management na magtayo ng malaking building para sa mas maayos na training at practice para sa mga existing groups at sa mga mabubuo pa.

Pero habang wala pa yung building bumili muna ng maliit na studio para sa ibang trainees.

Di na kasi kami kasya dun sa main. Nagthrow ng maliit na party para sa annex ng ShowBT.

Kailangan ko na namang mag panggap na ok kasi madaming matang nakatingin sakin.

Sana bumalik na si meow...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now