🌜23

944 34 5
                                    

🌜Cat's POV🌜

Nasa byahe na kami ni Jah papuntang paradise.

Kinakabahan ako na di ko maintindihan.

Baka kasi maudlot na naman.

Di namin pinag usapan yung kiss namin kanina.

Gustong gusto kong itanong sa kanya kung anong ibig sabihin nun kaso nahihiya ako.

What if wala lang talaga yun?

***after an hour***

"Grabe namiss ko to!" sabi ni Jah habang nilalanghap yung simoy ng hangin sa rooftop.

Medyo cloudy ngayon, pero maaliwalas yung langit wala namang signs na uulan.

"Namiss kita" malambing na sabi nya habang seryosong nakatingin sakin.

Napatingin na lang ako sa sahig, nahihiya ako, ewan ko ba.

Lumapit sya sakin at hinila ako papunta sa gitna ng rooftop.

Naglatag kami ng sapin at dun naupo.

May mga dala syang snacks at drinks.

Parang feeling ko nagtime travel kami.

Ngayon na lang ulit kasi kami nakapagkwentuhan at tawanan ng ganito.

After a while, biglang naging seryoso si Jah.

"Meow...yung kiss natin kanina..."

Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Okay lang yun Jah nabigla ka lang siguro"

"Hindi! Gusto ko yun"

Muntik ko nang maibuga yung iniinom ko.

Ano daw?

"I mean...hindi yun aksidente or what, I meant every second of it" sabi nya habang inaayos yung buhok na humaharang sa mukha ko.

Di ako makapagsalita. Feeling ko namumula na ko.

Ibig sabihin ba nun gusto nya ko?

Eh pano sila ni Stacey?

"Si Stacey yung gusto mo di ba?"

"Celebrity crush ko si Stacey pero hanggang dun lang yun meow"

"Kilig na kilig ka nga lagi sa kanya, lagi ka pang namumula"

"Nahihiya kasi ako pag inaasar nila ko"

"tss..." tatayo na sana ko kaso hinila nya ko palapit sa kanya.

"Mahal kita Catarina" sabi ni Jah habang nakatitig sa mga mata ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Totoo ba to?

Baka naman nananaginip lang ako?

SB19 Justin - Mr SunshineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora