☀️42

762 30 2
                                    

☀️Justin's POV☀️

Nagpatawag ulit ng emergency meeting dahil sa kumakalat na video.

Naikwento na namin sa management kung anong nangyare.

Di pa kami sure kung akin nga yung ipinagbubuntis ni Stacey pero one thing's for sure, hindi ako yung nasa video.

Pinapa imbistigahan pa rin kung sinong nagkalat ng video and pano nakuha yung cctv footage sa bahay ni Stacey kahit hindi ako yung nasa video.

Kailangan din kasi ng solid na proof na hindi nga ako yun para ma-clear yung name ko.

Ilang beses naming sinubukang i-contact yung side ni Stacey pero di pa din sila sumasagot.

This time kailangan muna talaga nila kong pagpahingahin. Mas mabigat kasi yung issue ngayon kesa dun sa nauna na involved si meow.

Though postponed or cancelled muna yung mga sched namin as a group pwede pa rin ituloy ng ibang members individual scheds nila.

Pero ako, pinagtake muna ng break. Gagamitin ko na din tong opportunity na subukang hanapin si meow.

Kay Kristof ako magsisimula.

Pinuntahan ko sya sa training room nila. Nag usap kami sa may hagdanan.

"Kristof, please, baka naman alam mo kung nasaan si meow, kailangan ko lang masiguradong okay sya and I need to explain, tulungan mo naman ako please" pakiusap ko.

"Justin, gusto kitang ihulog sa hagdan ngayon, dumistansya ka ng kaunti nagpipigil lang ako, okay, so di ikaw yung nasa video pero, something happened between you and Stacey?" tanong ni Kristof.

"Honestly, di ko talaga alam, wala akong matandaan, kung meron mang nangyare di ako aware at di ko ginusto yun. I swear, I wouldn't do anything intentionally that will hurt meow. Please, Kristof, kung may alam ka, please" muling pakiusap ko.

"Gusto pa rin kitang itulak pababa, I can only imagine the pain kitty is going through right now. Pero, wala talaga, di ko alam, di ko pa nakakausap si kitty. Di sya sumasagot sa mga texts, chats at tawag ko. Si Josh? Kapatid nya si Josh mas magsasabi si kitty sa kanya kesa sakin" sagot ni Kristof.

"Alam ko...sobrang nasasaktan sya ngayon...nahihirapang huminga sa sobrang pag iyak...maybe even worse sa mga nakita ko noon...wala ring alam si Josh, piniga ko na sya for any info pero wala daw talaga syang alam"

"Wait...yung mom nya nasa Korea, may business sila dun. May business card sya sa wallet ko...wait" sabi ni Kristof then inabot sakin yung card.

"Salamat, maraming salamat Kristof!...ummm, di ko mabasa, marunong ka ba magbasa neto?" tanong ko.

In Korean kasi yung business card, di naman ako magaling magkorean, super basic lang.

"Hindi rin eh, hanggang ngayon di ko alam kung anong nakasulat jan" sagot ni Kristof.

"Sige, okay lang, salamat pa din. Papabasa ko na lang kay Sejun. Maraming maraming salamat. Aayusin ko lahat to, babawi kay meow promise" pangako ko.

***After a few days***

Pinabasa ko yung agad yung business card kay Sejun nung araw na binigay ni Kristof sakin yun.

Trinanslate at sinulat nya para sakin. Pupunta ko ng Korea para hanapin si meow.

Bukas na yung flight ko. Pero ngayon may i-mi-meet kami.

May alam daw sya tungkol sa kung sinong nagpakalat ng video and may mga evidence syang ibibigay samin.

Dun namin sya pinapunta sa condo ni Josh.

Nagulat kami nung tinanggal nya yung mask at cap nya.

Sya yung lalake sa video!

Kamukha ko talaga sya pag nakaside view. Pero pag nakaharap halata na yung difference. Mas pogi kasi ako, joke...pero totoo hehe.

Nakaupo na kaming lahat sa sofa.

"Hi, ako nga pala si Kyle, mukhang alam nyo na po kung sino ako. Opo, ako po talaga yung nasa video. Pasensya na po sa gulong dala nung video na yun sa inyo" sabi nya.

"Salamat at ikaw na yung nagkusang lumabas para tulungan kami Kyle. Sa totoo lang di namin alam kung bat mo to ginagawa, kung di ka lalabas tahimik lang buhay mo and patuloy na iisipin ng tao na si Jah talaga yun" sabi ni Sejun.

"Di po ako matahimik na alam ko yung katotohanan. And A'TIN di po kasi ako kaya di ko kayang makita kayo na nagsasuffer dahil dito. We must protect you at all cost yan yung pledge namin remember?" sagot ni Kyle sabay tipid na ngumiti.

"Salamat Kyle" sabi ko naman.

"Nandito po sa USB yung original footage. Nandyan din po yung mga screenshot ng exchange ng messages namin ni Stacey pati recordings ng calls namin. And, ako din po ang tatay ng ipinagbubuntis nya." sabi ni Kyle.

"Yun naman pala eh, hindi naman pala talaga ikaw Jah. Dun pa lang makakahinga na ko nang maluwag." sabi ni Stell.

Okay, hindi sakin. Kahit papano makakabawi na sa sakit na nararamdaman ni meow to.

"Nakuha ko din po yung footage nung gabing pumunta si Justin kay Stacey. Jan maliliwanagan kayo sa kung ano talagang nangyare. And si Stacey din po may kagagawan ng lahat. Nasa conversations namin yung magpapatunay dun." dagdag pa ni Kyle.

Pinanood namin yung video.

May nilagay nga si Stacey sa inumin ko. Tapos acting lang pala lahat ng ginawa nya. Wala naman syang ininom kinalat nya lang yung mga gamot sa sahig.

Pinipilit nya kong halikan pero di sya nagsucceed. Then hinubaran nya na ko and pinilit akitin.

Di talaga nagsucceed si Stacey sa pang aakit kahit anong attempt nya, nagtago lang ako sa kumot at dumapa sa kama.

May audio yung CCTV nya kaya naririnig yung conversation namin.

Bago ko nakatulog nang tuluyan may mga sinabi ako na napangiti ako at nakahinga nang maluwag

"Wag meow magagalit si Josh lagot ako... Saka na yan pag honeymoon na natin... Di ko alam na ganto ka pala ka-wild meow rawrrr pero di pwede baka balatan ako ni Josh... Meow tama na parang awa mo naaaa..." medyo paiyak na ko sa dulo haha.

"Sabi ko naman sa inyo di ba! Di kayang gawin ni Jah yan. Akala nya talaga si meow yung kasama nya" tuwang tuwa si Ken.

Napatingin ako kay Josh. Nakangiti sya na parang natatawa.

"Ayos Jah ah nadepensahan mo yung tore sa ganyang sitwasyon" sabi ni Josh.

"Di nya pa alam ginagawa nya jan partida. May auto-pilot pala pagiging pure boy mo Jah. Ay...Josh baka naman pwede na natin ibalik kay Jah yung title nya na pure boy?" sabi ni Stell.

Nag thumbs up lang si Josh na umiiling iling habang nakangiti.

Yes! Approved na ba ko?!

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now