🌜13

1K 33 3
                                    

🌜Cat's POV🌜

Bat parang ang sakit ng ulo ko?

Umaga na pala, napasarap tulog ko, di man lang ako nagising kagabi.

Pagbaling ko sa kanan may nakita akong anghel ♩♪waaaaaaaaah♪♩

Nakalimutan kong nandito nga pala si Jah.

Sobrang peaceful ng itsura nya.

Napatitig na lang ako at napangiti.

Ang cute ng ilong nya.

Nakakatuwa yung pitong nunal nya sa mukha pwedeng magconnect the dots haha.

Ang ganda din pala ng kilay nya.

Tapos yung lips nya...

Yung lips nya...

Yung li...

Nagulat ako bigla syang dumilat!

Nataranta ko, bigla akong bumangon pero di ko alam kung san pupuntaaaa!

Ano ba kasing pinag gagagawa ko, may pagtitig pa kong nalalaman.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Habang tumatagal nararamdaman kong di na normal yung pagtingin ko kay Jah.

Hindi pwede tooo.

Masasaktan lang ako for sure.

Alagang pusa lang naman tingin sakin ni Jah 😑

Kaya self kalma tayo ha, please.

Naligo at nag ayos na ko...hmmm...wala naman akong lakad today, kung may magyayaya lang gumala atleast prepared lol.

Pagpunta ko sala, naka ayos na din si Jah, nanonood ng tv.

"sabi ko na nga ba eh gagawa gawa pa ng bakod aalisin din naman para makayakap saken 🙄"

Luh pinagsasasabi neto?

"Hoy hindi kita niyakap!"

"Luh kaya pala, sarap ng yakap nya sakin kagabi, lahat ng unan nasa sahig"

Hala ang likot ko kasi matulog nakakahiya pero wala akong maalala na niyakap ko sya, imbento to!

"N-na-ssipa ko lang!"

"Tapos pagkagising ko nasa sahig na tayong dalawa nakahiga ka pa nga sa dibdib ko" sabi nya sabay yakap sa sarili na kala mo luging luge.

Grabe sobra na imagination neto! Di pa ko nawawala sa katinuan para i-take advantage sya noh.

"Hoy! W-walang ganong nangyare!"

Feeling ko namumula na ko, ang init na ng pakiramdam ko maygaaaad 😫

"Di ba masakit ulo mo sa pagkakauntog mo kanina? Ngumiti ka pa nga sakin"

Wait...totoo ba sinasabi nya? Kaya ba masakit ulo ko kanina?

Nagflash bigla sa isip ko yung mukha nya na parang nag aalala. Akala ko panaginip lang yun.

Teka yung panaginip ko kagabi yakap ko si mommy pero si Jah naaamoy ko. Ibig sabihin ba nun...?

Nagpapanic na ko, sobrang nakakahiya.

Wala na kong masabi.

Anong idadahilan ko?

Baka isipin nya gusto ko sya, nakakahiyaaaa.

Naiiyak na ko sa sobrang hiya parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

"Tara panoorin natin cctv para makita mo pinag-gagagawa mo hahaha"

Hala wala na di ko na kaya yung kahihiyan, ayoko umiyak kaso di ko mapigilan.

Lumapit sya sakin napansin nya atang paiyak na ko.

Umiyak na ko ng tuluyan.

Pahiyang pahiya na ko.

Niyakap nya ko and paulit ulit na nagsorry.

Di ko naman alam na ginawa ko yun eh.

Tapos parang wala lang kay Jah.

Pinagtatawanan nya lang ako.

Baka kung anong isipin nya tungkol sakin.

Siguro nga gusto ko sya kasi ang saket na parang wala lang sa kanya to tapos parang sya pa luge.

Hindi pwede to, kailangan kong kontrolin sarili ko.

Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya.

Mawawalan lang ako ng kaibigan.

Pinainom nya ko ng tubig nung kumalma na ko.

Naiinis talaga ko sa kanya kaya hinampas ko ng unan yung mukha nya.

Bat kasi mukhang anghel, napapatitig tuloy ako.

Naiinis din ako sa boses nya kasi parang gusto kong marinig lage.

Kaya ayun di ko sya hinahayaang magsalita. Hinahampas ko sya every attempt nya.

Di ko alam kung saan ako mas naiinis, sa kanya ba o sa sarili ko?

Hinawakan nya na mga kamay ko at nagsalita.

"Pag hinampas mo pa ko hahalikan kita!"

Hahampasin ko dapat sya kaso narealize ko kung ano yung sinabi nya.

Nagkatitigan lang kami. Feeling ko nagbablush nanaman ako.

May part ko na gusto kong subukang hampasin sya.

Gusto kong malaman kong tototohanin nya yung banta nya.

Saka gusto ko rin melemen keng mesherep.

Omaygad Catarina Santos katalatalandi mo stop!!!

Hinampas ko na lang sarili ko kasi parang nawawala na ko sa katinuan.

Wag ka naman kasing ganyan Justin de Dios. Di ko na nga makontrol ng maayos feelings ko.

Isunubsob ko na lang mukha ko sa unan sa sobrang frustration.

"JUSTIN DE DIOOOOOS!" di ko napigilan, naisigaw ko na pangalan nya sa sobrang inis.

Tinangal nya yung unan sa mukha ko at hinawakan ako sa magkabilang pisnge.

Bumilis lalo tibok ng puso ko.

Nakatitig lang sya sa mata ko. Sobrang seryoso.

Kinakabahan ako. Di ko alam kung anong nasa isip nya.

"meow...bakit? bat ganto?"

OMG nahahalata nya na ba na may gusto ako sa kanya?

Hindi pwede, natatakot ako na baka mailang lang sya sakin.

Masakit lalo yun pag nagkataon.

Inalis ko yung kamay nya.

"Wala nainis lang ako sayo kasi inaasar mo ko, di ko alam kung anong ginawa ko pero sorry if I invaded your personal space"

"hin..."di ko na sya pinatapos magsalita para kasing maiiyak nanaman ako.

"Magkikita kami ni Ava ngayon, may importante kaming lakad sorry, mauuna na ko sayo, paki lock na lang ng lahat pag alis mo, sorry urgent lang"

Derederetso na kong lumabas, sakto may dumaang taxi.

Narinig kong tinawag ako ni Jah pero di ako lumingon.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now