🌜59

1K 32 9
                                    

🌜Cat's POV🌜

Note: Malapit na po talagang matapos yung story. Sobrang mamimiss ko to. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sumuporta. Di ko ineexpect na aabot ng ganto reads ng unang story ko dito 😭 I think by the time na i-publish ko tong chapter na to 15k reads na OMG Alabyu all.

Sana po suportahan at basahin nyo din po yung mga next na ipa-publish ko 🥰

Nakagawa na po pala ko ng cover ng next na ipa-publish ko. Abangan nyo po sana, One Shots po sya. Ito po yung cover.

 Ito po yung cover

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Back to the Story

Di ako makapaniwala sa mga nangyayare. Paulit-ulit kong sinasabi yan. Nakaka-overwhelm.

I now have that sort of freedom to be with Justin. Di ko na kailangan mag alala na baka ma-issue.

Actually, dagdag pa sa interest ng tao samin pag may nabubuong "issue".

Yung simpleng pagtanggal lang ni Jah ng confetti sa ulo ko ang dami ng teoryang nabuo hahaha.

"Tara babe practice na tayo" yaya ni Justin.

Nasa training room kami ng SB19, nagpapractice para sa performance naming dalawa sa ASAP.

"Wait lang bae..." muntik na kong madulas.

Kaso mukhang huli na din lahat.

Napalingon silang lahat sakin. Nakakaloko yung mga tingin.

Si Jah malapit na naman mapunit pisnge sa sobrang pagngiti.

"Hey Kitty" bati ni Tof.

Ang tagal ko nang di nakakasama tong taong to. Umalis na sya sa grupo nya matagal na.

Napilitan sya dahil sa galit ni tito Arthur. Nagbanta din kasi na ipapaalam sa lahat ang tunay nyang pagkatao kapag hindi sya tumigil sa pagiging idol.

Pero hindi sya umalis sa Shining para sumunod sa gusto ni tito. Umalis sya para palayain sarili nya ng di makakasama sa mga dati nyang kasama.

Inamin nya sa lahat kung sino at ano talaga sya. Naging solo artist sya sa ibang label pero welcome pa din syang maglabas pasok dito. Mahirap yung napili nyang decision but I've never seen him this happy.

"Tof!" tumakbo ko papunta sa kanya at niyakap sya.

Ang sama ng tingin ni Jah.

"Jah mas type kita kesa kay Kitty kaya wag kang magselos jan" sabi ni Tof sabay tawa.

"Yan yung dahilan kung bakit mas may tiwala ako kay Tof pagdating kay katkat dati kesa sayo Jah. Ramdam ko talaga eh. Sabi ko na barbie eh" sabi ni kuya Josh.

"Buti napadalaw ka dito grabe na miss kita, miss ko na din road trips natin" sabi ko sabay pout.

"Ako din, i-sched natin yan soon. Pero nandito talaga ko kasi may nakiusap sakin. Gusto kang makausap" sagot ni Tof.

"Sino?" tanong ko naman.

Binuksan nya yung pinto. Nagulat kaming lahat.

Si Stacey...

"Ano to Tof?" tanong ni Jah.

Unti unting lumapit sakin si Stacey.

Dali dali namang humarang si Jah.

"I'm sorry Catarina, sa lahat ng nagawa ko sayo, sa inyo ni Justin. Sobrang insecure at inggit lang talaga ko sayo. Sanay ako noon na lahat ng gusto ko nakukuha ko. Then biglang si Justin hindi 'cos he's so in love with you. Ginawa ko lahat para makuha sya pero wala talaga while ikaw humihinga lang ng normal pero sayong sayo na puso nya. I hope someday makahanap din ako ng lalaking magmamahal sakin gaya ng pagmamahal ni Justin sayo. Pero sa ngayon magfofocus muna ko sa anak ko. Pumunta lang talaga ko dito para humingi ng tawad sa inyo...kahit alam kong di enough yun. And I want to thank you for slapping the sense out of me. I hope maging successful pa kayong dalawa, I wish you all the best and I'm really sorry" sabi ni Stacey habang umiiyak.

"Well thank you for being an asshole and a total bitch Stacey..." sabi ko.

Nagulat silang lahat. Hinawakan ako sa braso ni Jah.

"Dahil sayo I was pushed to my limit...and actually went beyond. Sorry I just had to call you that kahit isang beses lang. But sincerely...thank you. I don't think mapapadpad ako sa industry na to kung hindi nangyare lahat yun in the past. Pero aaminin ko masakit pa din but I'm stronger now so I can just brush it off. I'm slowly trying to forgive and forget. Sorry kung di ko pa mabibigay yung forgiveness na yun ngayon. I hope you find peace and happiness." dagdag ko.

Nakita kong huminga silang lahat ng malalim. Akala siguro sasabungin ko si Stacey. Si Ken lang naman panabong dito.

"It's okay, di ko rin naman inaasahang mapapatawad mo ko agad Cat but thank you for hearing me out. Sige baka nakaka-istorbo na din ako. Salamat po." sabi ni Stacey bago sya ihatid ni Tof.

"Kitty, chat na lang, sched natin road trip. Dumaan lang talaga ko for this. Gusto ko lang ding maisara mo na nang maayos yung chapter na yun ng buhay mo" paalam ni Tof.

"Thank you so much Tof iba ka talaga. Kung di ka lang barbie kasal na sana tayo ngayon" pang aasar ko habang yakap sya.

"HOY!" saway ni Jah.

"Pasalamat ka Jah barbie ako, matindi sana kong karibal" pang aasar naman ni Tof.

"Kahit si Adonis ka pa, destined sakin si meow wala kang magagawa" sabi ni Jah sabay make face.

Ang cute magselos sarap kurutin.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now