☀️18

984 29 9
                                    

☀️Justin's POV☀️

Eto na naman kami ni meow, iwas na naman sya ng iwas.

Ganto sya tuwing nagkakatampuhan kami.

Gusto ko talaga sana syang makausap para makapagpaliwanag and makapagsorry.

Gusto ko rin bumawi.

Lagi ko na lang silang nakikita ni Kristof na magkasama.

Nagtatawanan, nagkukulitan. Ako dapat yun eh.

Bat ganun? Bat parang napapalitan na ko sa buhay ni meow?

Sabagay, lagi kasi akong wala. Baka may mga time na kailangan nya ko pero di nya ko mahagilap.

Pero gusto kong magstay sa buhay nya, sa mundo nya.

Lagi ko syang kinukulit pero sobrang cold nya sakin.

Namimiss ko na si meow...si meow ko.

Yung di mahirap bentahan ng joke ko, lahat tinatawanan.

Yung maraming quotable quotes.

Yung laging nakangiti.

Yung isang tingin ko lang ngingiti na.

Yung laging nakatingin sa mata ko tuwing may kinikwento ako.

Yun yung meow ko eh.

"Uy meow kumain ka na ba?"

"Oo kanina" sagot nya pero di nakatingin sakin.

"ang ganda naman ng decoration nyo para sa FB live namin, tulungan na kita jan"

"okay lang Justin magready ka na dun" di pa rin sya nakatingin sakin.

Justin? Hindi Jah? Bakit?

"meo..."

Biglang dumating si Josh.

"katkat? pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Josh.

"sige kuya, bakit po?" sagot naman ni meow.

Lumabas sila, pamunta sa hagdan. Sumunod ako.

Pero paglabas ko nandun si Kristof.

Hinarang nya ko para di makasunod kina meow.

Nakatingin lang sya sa mga mata ko.

Magkasing tangkad lang pala kami. May itsura sya, aaminin ko. Ganto kaya mga type ni meow?

"may kailangan ka?" tanong ko sa kanya.

"wala naman" sabi nya sabay talikod, lalakad na dapat sya pabalik ng training room pero humarap ulit sya.

"ah...meron pala...leave kitty alone" sabi nya.

"and bakit ko gagawin yun? sino ka para utusan ako?" nainis ako, medyo naiba tono ng pananalita ko.

Boyfriend ba sya ni meow? Saka nauna ko sa buhay ni meow di nya ko pwedeng paalisin.

"wow, is this the real Justin de Dios? Or is fame getting into your head?" sabi nya habang nakangisi.

"wow, is your brain in your talampakan? Bestfriend ko si meow bat ko sya lalayuan? Ngayon ka lang dumating sa buhay nya kaya sino ka para sabihan ako ng ganyan?"

"Gusto mo ba si Catarina?" nabigla ako sa tanong nya.

"Close ba tayo para magshare ako sayo?"

"Eh si Stacey gusto mo? Wait, di ba may something special daw kayo?"

Sobrang crush ko talaga si Stacey pero iba si meow eh. Iba yung epekto ng presence nya. And ang lala ng epekto ng absence nya.

"Di ka makasagot. Nangongolekta ka ba? Wag si Catarina"

Di ko na natiis. Kwinelyuhan ko sya.

"Anong sabi mo? Hindi ko gagawin kay meow yun kahit kailan!" nagngingitngit na ko sa galit.

"Jah!" sigaw ni Josh at pinilit kaming paghiwalayin nung Kristof na yun.

"Toffee okay ka lang?" tanong ni meow habang inaayos damit nung aaaaaarrgh naiinis ako.

"Tara na kitty"

"may gagawin pa ko sa loob Tof eh"

"halika na meow" hinawakan ko kamay ni meow at sinubukan syang akayin papasok na studio.

Hinawakan naman ni epal yung kabilang kamay ni meow para pigilan sya.

Nakatitig lang kami ni Kristof sa mata ng isa't isa.

"Kung gusto nyo mag tug of war, ito panyo gamitin nyo, wag kapatid ko" sabi ni Josh.

Sinampay nya sa balikat ko yung panyo at kinuha dalawang kamay ni meow.

"katkat pasok ka na sa loob, tuloy mo na ung pagdedesign mo dun, pagandahin mo ha, lalo na yung pwesto ni kuya" malambing na utos ni Josh habang inaakay papasok si meow.

"Stell! Tulungan mo nga si katkat kanta ka ng kanta jan" utos ni Josh kay Stell.

"Main vocal nga di ba heavenly voice" sagot ni Stell.

"Daldalin mo si katkat wag mong palalabasin" seryosong bulong ni Josh.

Humarap sya samin after isara ang pinto.

Nakakatakot yung itsura nya. Nag iba yung aura nya.

Sumunod kayo sakin. Sinama nya kami sa hagdanan.

"Magtapatan nga tayo. May gusto ba kayo kay Catarina?" Nakayuko lang kami pareho, di makasagot.

"SAGOT!" nagulat kami pareho.

"Oo!" "Wala!"

Sabay naming sagot habang natataranta.

"Jah? Parang kapatid na kita, mabait ka alam ko pero wag si Katkat please"

"Josh..." di nya ko pinatapos.

"Justin...please" mahinahon pero seryoso nyang pakiusap.

Iniwan nya na kami ni Kristof.

Napaupo na lang ako sa hagdan.

"Wala kang gusto kay meow?" tanong ko sa kanya habang nakatulala.

"Kaibigan ko lang si kitty...kami lang nagkakaintindihan kung anong meron samin"

"Pero...bakit..." di ko matuloy yung sinasabi ko, nasestress na ko.

"Sundin mo na lang si Josh...leave kitty alone"

Di ako umimik.

"Masyadong magulo yung mundong ginagalawan mo para hilahin si Catarina papunta dun...masasaktan mo lang sya"

Di pa rin ako sumasagot.

"Alam kong alam mo kung anong sinasabi ko" sabi nya sabay tapik sa balikat ko bago umalis.

Pinilit kong ikalma sarili ko bago bumalik sa studio.

Napatitig na lang ako kay meow habang busy sya sa pag aayos ng set.

Nahagip ng mata ko si Josh na nakatingin sakin at napahinga na lang sya ng malalim.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon