☀️38

750 25 5
                                    

☀️Justin's POV☀️

Buti na lang pumayag si Josh na i-surprise ko si meow.

Di naman ako magaling magluto, bacon and egg lang kinaya ko.

Pero mukhang natuwa naman si meow.

May individual sched si Ken ngayon. After nyang masiguradong okay lang si meow and after makikain 🙄 umalis na sya.

May sched din ako pero mamayang hapon pa naman kaya naglaro muna kami ng video games and nanood ng movie.

Di na sumisingit sa gitna namin si Josh. Hinahayaan nya na kami ni meow.

Ibig sabihin ba nun approved na ko? Hehehe.

***After a few a hours***

After ng photoshoot namin ni Stacey para sa cover ng magazine umuwi na ko.

Naligo na ko, skin care and ready na matulog. Pero di pa ko matutulog syempre cha-chat ko pa baby ko eh.

Tagal magreply, baka tulog na. Gusto ko pa naman sana marinig boses nya para makatulog ako ng mahimbing.

Nagbukas na lang muna ko ng gifts ng fans. Ang cute may nag gawa ng maliit na diorama ng maisan tapos andun ako sa gitna naghaharvest hahaha.

Nagring yung phone ko. Dinampot ko agad at sinagot.

"Hi babe! Magkasama lang tayo kanina pero miss na miss na kita gusto kitang i-kiss at i-hug ngayon pwede ba kong pumunta jan?" masiglang bati ko kay meow.

"Sige punta ka, tulungan mo ko pumpkin" si Stacey pala. Umiiyak sya tapos parang nanghihina yung boses.

"Stacey bakit? Anong nangyayare sayo? Asan ka?" sunod na sunod na tanong ko.

"Bahay, help Justin...752407...help" sabi ni Stacey then parang nahulog yung phone nag end na yung call.

Sinubukan kong tawagan manager nya kaso di sumasagot.

Nagbihis ako tapos pinuntahan ko sya baka kung ano nang nangyare dun.

Kumatok ako sa pintuan pero walang nagbubukas or sumasagot man lang.

Tatadyakan ko na ba yung pinto?

Teka...may sinabing number si Stacey kanina. Sana narecord yung call namin.

Ayun...752407. Bumukas yung pinto.

Hinanap ko si Stacey sa buong bahay. Nandun sya sa cr ng kwarto nya walang malay.

Sinubukan ko syang gisingin.

"Stacey! Stacey!"

May mga nakakalat na capsule at tablet sa sahig.

Sinubukan nya bang mag...

Nagising na sya.

"Justin..."

"Anong ginawa mo Stacey? Dadalhin kita sa ospital"

"Wag...please...ok lang ako, ayokong ma-issue...konti lang nainom ko"

Tinulungan ko syang tumayo then pinaupo ko sya sa kama nya.

May pitsel saka baso sa bedside table nya.

Inabutan ko sya ng tubig. Tapos nilinis ko yung kalat sa cr nya.

Pagbalik ko inabutan nya ko ng tubig.

"Salamat Justin, tinawagan ko si Arnie kanina pero di sya sumasagot, ikaw naisip kong tawagan kasi alam kong mapagkakatiwalaan kita" sabi ni Stacey.

Bakit naman kasi di sumasagot yung manager nya. Wala syang kaalam alam na mapapahamak na alaga nya.

After ilang minutes parang nakaramdam ako ng hilo.

Nanlalabo na rin paningin ko.

"Justin? Are you okay?" tanong ni Stacey. Medyo di ko sya marinig.

Biglang dumilim lahat...

***Kinabukasan***

Umaga na pala...teka...asan ako?

Paglingon ko sa kaliwa nakita ko si Stacey, tulog.

Napabangon ako bigla. Tapos napansin ko wala akong suot na damit.

Nakakalat mga damit namin sa sahig.

Pano nangyari to?

Wala akong maalala.

Nagpapanic na ko pero pinilit kong kumalma.

Dinampot ko lahat ng damit ko at nagbihis.

Nagising na si Stacey.

"Ano to Stacey?!"

"Thanks for last night, I've never been this happy all my life"

"Stacey...may girlfriend ak...may nilagay ka ba sa ininom ko kagabe? Bakit? Pano mo nagawa to?"

"I'm just helping you realize na tayo talaga ang para sa isa't isa, and I'm way better than that Cat in every way"

"Nababaliw ka na and walang kahit sinong makakahigit kay meow"

"Oo nababaliw na siguro ako but I love you Justin nagawa ko lang to coz I'm so desperate for your love. All my life never kong naisip that there's someone better and prettier than me. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, but then biglang dumating ka then that stupid Cat, hindi ko talaga maintindihan kung bakit sya yung gusto mo"

"Hindi to love Stacey, obsessed ka lang dun sa idea na ikaw yung the best at dapat lahat makuha mo, you need help, get some help, sana malaman mo yung meaning ng totoong love"

Umalis na ko. Naligo lang ako sa bahay then dumeretso na ko sa studio.

May mallshow kami mamaya. Di ako makapagconcentrate.

Di ko ginusto yung nangyare pero nagiguilty ako. Feeling ko kasi nagcheat ako kay meow.

Pero hindi naman di ba?

Pano pag sinabi ni Stacey sa kanya?

Ako na lang ba magsasabi kay meow?

What if magalit sya and di na ko tanggapin?

Pero isa lang sigurado...masasaktan si meow ng sobra sobra.

Di ko napigilan napaluha na lang ako.

"Oy Jah bat ka na naman umiiyak out of the blue? Umalis ba si meow?" tanong ni Ken.

"Hindi, nag e-enternalize kasi ako medyo nahihirapan kasi ako lately umiyak sa set" pagdadahilan ko kay Ken.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora