☀️43

743 27 5
                                    

☀️Justin's POV☀️

Kumuha kami ng kanya kanyang copies nung mga evidence for safe keeping.

Tapos binigay namin sa management yung Flashdrive na bigay ni Kyle.

Handa din daw syang tumestigo kung kinakailangan.

Kakalapag lang ng plane na sinasakyan ko sa Korea.

Gusto ko sanang isama si Sejun para di ako mahirapan makipag usap mamaya kaso busy sya.

Bahala na, kaya ko to.

Pagpunta ko dun sa address na nasa business card nagulat ako. Malaki din pala company nila. Ang laki ng building.

Hindi as in super laki pero iba talaga sya sa iniisip ko.

Di ko alam na mayaman pala talaga sina meow, simple lang talaga kasi sya.

Pumasok na ko sa loob. Kinausap ko yung babae sa front desk sa abot ng makakaya ko kaso ang hirap.

Di ko masyadong maintindihan sinasabi nya pero tinanong ko kung nasaan si Catarina Santos. Wala daw silang kilalang Catarina Santos.

Sabi ko anak ng CEO nila pero sabi nya hindi daw anak ng CEO nila si meow.

Pinakita ko yung picture ni meow. Hindi daw talaga nya kilala.

Sigurado akong tama yung address na napuntahan ko.

Naghintay ako sa lobby hanggang sa magsara sila. Umaasang makikita ko si meow.

Tinitingnan ko lahat ng taong dumadaan.

Pati mga tao sa labas chinicheck ko wala akong pinapalampas.

Sa 3 days ko sa Korea, 3 days din akong nagpabalik balik sa lobby ng company nila. Nagbabakasakaling makita ko na ulit

Kaso wala talaga...

Meow, nasaan ka ba? San ba kita hahanapin? Miss na miss na kita.

***After a few months***

Bumalik na ulit kami sa normal.

Lumabas na yung katotohanan. Salamat kay Kyle.

Nagsampa ng case yung company namin against Stacey.

Nawalan sya ng projects. Pati fans nya disappointed sa kanya. May mga ilang solid pa din, pero karamihan iniwan na sya.

Matibay kasi yung evidence, tapos nagwala pa sya sa isa sa mga hearings. Nakita na ng lahat ng tao kung sino talaga si Stacey Angeles.

Nakulong sya pero nakapagpiyansa din. Pero may iba pa syang mga kasong haharapin.

Si meow naman, wala pa rin kaming clue kung nasaan sya.

Gusto ko sanang bumalik ulit ng Korea kaso sobrang busy talaga. Kahit si Josh gusto na ding sumama para personal syang hanapin.

Lagi kong kinukulit si Kristof na baka may balita na sya kay meow pero wala pa din daw.

***After a few months***

Namimiss din kaya ako ni meow? Or kinalimutan nya na ko?

Pero di ko naman sya masisisi. Malamang sobrang nagulat sya at nasaktan sa mga nabalitaan nya.

Sana lang mabigyan ako ng chance na makapagpaliwanag sa kanya.

May sched kami sa Korea for 3 days. Kahit papano may chance kaming hanapin si meow.

After ng photoshoot namin sinamahan nila kong bumalik sa company nila meow.

This time di ako nahirapan makipagcommunicate kasi kasama ko si Sejun.

Wala daw talagang Catarina Santos sa company nila.

Pinakita ni Josh yung picture ni meow and tinanong niya kung may kilala silang kitty.

Kitty din daw kasi tawag ng mommy ni meow sa kanya.

Tumango yung babae, yun nga daw yung anak ng CEO nila.

Nabuhayan kami ng loob.

Tinanong ni Sejun kung san namin sya makikita then sinabi nyang kapatid sya ni Josh.

Parang medyo kumunot yung noo ni Sejun sa sinabi nung babae. Nag iba yung expression ng mukha nya. Parang bigla syang nalungkot.

May tinanong ulit sya and sumagot ulit ung babae. Then parang gina-guide nya na kami papunta somewhere. Yes!

"Bakit Sejun? Ano yun?" tanong ko.

"Ano kasi Jah...ah...ano...nasa event hall daw sila Cat ng company...ummm...ano..." huminga nang malalim si Sejun.

"Puro ka ano, ano ba yun?" tanong ni Ken.

"Engagement party daw ni Cat ngayon" sabi ni Sejun.

Nanlaki mata naming lahat. Bumilis tibok ng puso ko.

Di ko mintindihan nararamdaman ko. Para kong nanghihina na nahihilo na parang gusto ko nang tumakbo papunta sa event hall.

"Hindi..." yun na lang nasabi ko.

Nakapasok na kami sa event hall. Nakita ko agad si meow.

Maiksi na yung buhok nya. Hanggang kalahati na lang ng leeg nya yung haba.

Lalo pa syang gumanda. Di ko alam na possible pa yun, sobrang ganda na nya kasi dati.

Di ko maiwasang maiyak, kasi finally nakita ko na sya. Alam kong okay sya.

Pero mas nakakaiyak na dito ko sya nakita, sa engagement party nya.

Teka...si Kristof? Engaged sya kay Kristof?

Sabi nya di nya alam kung nasan si meow tapos ngayon engaged na sila?

Ano to tinatago nya lang sakin si meow?

Halata ding gulat na gulat sina Josh.

"Sabi nya di nya alam kung nasan si Cat" sabi ni Stell.

Ang ganda ng ngiti ni meow, mukhang masaya sya. Habang ako ito, di mapigilan yung mga luha.

Napatingin sa direksyon ko si meow. Nawala yung ngiti nya tapos nabitawan nya yung wine glass na hawak nya.

Nakatitig lang ako sa kanya...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now