☀️26

857 39 10
                                    

☀️Justin's POV☀️

Another busy day ang natapos, excited na kong makita yung kama ko, sobrang nakakapagod today.

Pabalik na kami ng office. Tulog na si Josh sa sobrang pagod. Ito laging unang knocked out samin eh.

Si Ken nagpipicture pa pang update.

Si Stell pinapanood yung mga fan cams sa performance namin kanina.

Habang si Sejun tamang basa lang ng mga tweets ng fan.

Kanina pa sya tawa ng tawa, nagbibingo na naman mga A'TINs at nagkakalat sa twitter hahaha.

Nasa office pa kaya si meow? Di siya sumasagot sa texts at tawag ko kanina pa.

"Josh gising na andito na tayo" sabi ni Stell.

Isa isa na kaming bumaba. Nauna na kong umakyat, gusto ko kasing i-check kung nasa taas pa si meow.

Pag akyat ko, nakita kong magkayakap si meow at Kristof.

Di nya daw gusto si meow, pero bakit ganyan?

Hindi naman ganyan sakin si meow.

Hindi naman nga kasi sya touchy.

Si Josh lang niyayakap nya kasi kapatid nya.

Parang dinudurog yung puso ko. Di kaya sya talaga yung gusto ni meow?

May kulang ba sakin? May mali ba?

Ano ba talagang meron sa Kristof na yun?

Napatingin sakin si meow.

Umalis na ko, ang sakit lang kasi makita.

Sumusunod si meow at tinatawag ako, di ko sya pinapansin.

Umakyat ako sa rooftop, baka din kasi makita kami ng mga members.

Tawag pa din ng tawag si meow.

Di na ko nakatiis, hinarap ko na sya.

"Sya ba meow? Sya ba gusto mo?"

"Ha? Si Tof?"

"Oo, lagi mo syang kasama tapos ang saya saya nyo lagi, saka di ka naman touchy, ako nga di mo niyayakap, si Josh lang naman niyayakap mo pero kapatid mo naman sya kaya okay lang, pero si Kristof di mo naman ka-ano ano, saka mas matagal na tayong magkakilala, bat sakin di ka naman ganun?"

"eh...di ko alam...komportable lang talaga ko kay Tof"

Bat sakin hindi? Ano bang meron sa kanya na wala sakin?

"sakin hindi? bakit? ano bang ginawa ko? or hindi ko ginawa? may kulang ba sakin?"

"walang kulang sayo Jah naiilang lang talaga ko saka nahihiya sayo"

Bakit? eh sobrang close naman kami saka matagal na kaming magkakilala.

"bakit? ano bang meron sa Kristof na yun? may mali ba kong ginawa?"

"wala Jah"

"eh bat sakin naiilang saka nahihiya ka?"

Sobrang sama na ng loob ko. Parang maiiyak na ko sa inis.

Inis sa sarili ko at sa Kristof na yun.

Parang ang unfair kasi ginawa ko naman lahat pero bat ganto?

"eh...kasi..."

Tumalikod na ko, nakakahiya pag naiyak pa ko sa harap nya.

"KASI MAHAL KITA!...ma-matagal n-na"

Napalingon ako kay meow.

Ano daw? Tama ba narinig ko?

Lumapit na ko sa kanya para i-check kung tama ba yung narinig ko.

"Ano ulit yun meow?"

"ano...ah...m-mahal kita...dati pa" nakayuko lang sya, namumula.

Di ko mapigilan yung ngiti ko. Parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang saya.

Matagal nya na pala kong mahal. Ako din naman.

Tapos nung hinalikan ko sya...she kissed me back!

She even said I love you too and called me baby Jah.

Parang hihimatayin na ko sa sobrang kilig at saya.

Finally, it's official, baby ko na si Catarina Santos!

***After a few days***

"Baby!" tawag ko kay meow habang nag aayos sila ng pang giveaways sa A'TINs.

Open naman kami si relationship namin dito sa office. Super loyal naman kasi ng mga tao dito, walang nakakalabas na balita.

"Aga aga ang tamis ah" pang aasar ni Sejun.

"Mas matamis pa sa kape ko ah" dagdag ni Ken.

"Edi ikaw na nga may love life" sabi naman ni Stell.

Tahimik lang si Josh.

"Baaaabyyy" nagmaktol ako kunyare ayaw kasi ako pansinin ng baby ko.

"Bakit ba Jah?"

"Bat Jah lang walang baby?"

"Nasa office tayo huy"

"Alam naman nila eh"

"Kahit na"

"Ayaw mo lang akong tawaging baby eh" pagtatampo ko.

"Oh sige na, bakit baby Jah? Happy? Happy?"

Kinantyawan kami ng lahat ng nakapaligid samin.

"hihihi"

"Bakit nga?"

"Wala lang gusto ko lang tawagin mo kong baby hehehe"

Inirapan nya lang ako.

And nagpatuloy na ganun kami sa office. Sweet pero nag aasaran.

Then nagdedate kami pag may time. Road trips and picnic sa rooftop.

Hinahatid ko din sya sa bahay pag may chance ako.

Tumatambay din kami sa bahay nya. Nanood ng movies at kung ano ano.

Minsan natutulog din ako sa bahay nya.

Pero may bakod naman kami lagi. Na lagi ding nasa sahig na kinabukasan sa sobrang likot nya.

Mas lalo kong nainspire na galingan every performance.

Parang lagi akong may extra energy dahil kay meow.

Tapos lagi akong narerecharge sa yakap nya pag pagod ako.

Hindi pa rin ako approved kay Josh pero someday sure akong matatanggap nya din ako.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now