🌜48

756 36 10
                                    

🌜Cat's POV🌜

Dinala ko ni kuya sa garden ni Tof para pakalmahin.

Nakaupo kami sa bench.

Yakap nya ko ko habang tinatapik tapik likod ko at kinakantahan ako.

Sobrang faint na sa memory ko pero naaalala ko ung mga time dati nung mga bata pa kami ganto rin si kuya Josh sakin.

Pag may nang aaway sakin pinagtatanggol nya ko.

Pag umiiyak ako pinapatahan nya ko ng ganito.

Tapos sa hapon pag pinapatulog kami kinakantahan nya din ako tapos tinatapik-tapik hanggang makatulog ako.

"Kuya, dapat nakinig na lang ako sayo noon. Dapat hindi na lang si Jah" sabi ko kay kuya.

"Bakit, hindi mo na ba mahal si Jah?" tanong ni kuya.

"Mahal...walang nagbago kahit konti...kaya ang sakit sakit" sagot ko.

"Bat di mo ipaglaban? Si Jah, kitang kita kong mahal na mahal ka nya. Ipinagduldulan na ni Stacey yung sarili nya kay Jah pero wala, ikaw pa rin yung nasa isip nya. Halos halayin na sya ni Stacey na pangarap ng maraming lalaki pero loyal talaga sayo si Justin" sabi ni kuya.

Umupo na ko ng maayos at tumingin kay kuya Josh.

"Pano mo naman nasabi yan kuya?" tanong ko.

"May pinakita kasing CCTV samin yung totoong tatay ng anak ni Stacey. Yun yung araw na nagpunta si Jah sa bahay ni Stacey. Kitang kita at dinig na dinig lahat ng nangyari. May pinainom kay Jah kaya nawala sya sa sarili nya pero kahit ganun na kalagayan nya napatunayan ni Jah na pure boy talaga sya. Di sya pumapayag sa gustong mangayari ni Stacey tapos akala nya ikaw yun, sabi nya pa magagalit daw kasi ako hahaha. Humanga talaga ko sa kanya dun. Iba talaga yung respeto nya sakin bilang kuya mo at sayo bilang babae. Di na ata tayo makakahanap ng gaya ni Jah" sagot ni kuya.

Nakakatuwa kasi dati si kuya yung pigil ng pigil sakin, ngayon pinupush nya pa ko kay Jah.

Nakakatuwa din yung mga narinig ko. Naguilty ako lalo na nagagalit ako kay Justin samantalang wala naman talaga syang ginawa saking masama directly.

Pero...

"Ang hirap kasi kuya, akala ko sya yung sunshine na magbibigay liwanag sa buhay ko pero nasa dilim ako ngayon, sobrang nadepressed ako after ng lahat ng nangyare. Tapos pag naging kami ulit magtatago na naman ako kasi magagalit yung fans, sino ba naman kasi ako to deserve Justin de Dios sa mga paningin nila"

"Di naman kasi pwede bibigurl na iaasa mo lang kay Jah yung liwanag at happiness na hinahanap mo. Kailangan ka din ni Jah. Dun sa mga panahong di mo nakikita yung sun di naman ibig sabihin nawala na di ba? Parang si Jah and yung love nya sayo, anjan lang lagi yan. Be his moonlight, gamitin mo yung liwanag na binibigay nya sa mga moments na parang ang dilim na ng lahat. Para kayong sun and moon, wag kayong susuko para saming mga umaasa sa liwanag na binibigay nyong dalawa sa mga buhay din namin. Nakita mo ba mga mukha nila kanina? Lalo na si Stell, makaiyak kala mo tatlo kayong nagbreak." payo ni kuya.

"Salamat kuya pero...di pa talaga ko ready eh, mahal ko si Jah, and mahal ko kayong lahat, but something tells me na I can't do this right now" sabi ko kay kuya.

"It's okay, di mo naman kailangang magmadali, take your time to heal. Isipin na lang nating eclipse ngayon...matagal tagal na eclipse pero lilipas din to" sabi ni kuya sabay ngiti.

"Babalik ako pag kaya ko nang maging moonlight"

"Babalik? So aalis ka na naman? Naku naman katkat pagod na si kuya saan na naman kita hahanapin nyan?" reklamo ni kuya Josh.

"Aalis? Hmmm...sort of"

"Sort of? Bat parang kinakabahan ata ako?"

"Nope di mo kailangang kabahan kuya, I got this" sabi ko sabay kindat.

"Lalo kong kinabahan katkat"

Tumawa lang ako.

"Katkat, may sasabihin nga pala ko sayo, kaya din pinilit kitang hanapin"

Biglang naging malungkot ulit mukha nya.

"Ano yun kuya?"

"Si dad kasi, nasa ospital, matagal na...stage 4 cancer..."

What? Hindi sya naging mabuting ama samin but still...ang sakit marinig.

Nagsimula na namang tumulo mga luha ko.

"Hinahanap ka nya katkat, gusto nyang humingi ng tawad. Yung iba nating mga kapatid ayaw talaga syang puntahan sobra yung galit nila kay dad. Alam kong sobrang nasaktan ka din nya but knowing you alam ko ring di mo sya matitiis"

"Of course, though parang he's the worst dad in the world, sya pa rin dahilan kung bat nandito ako ngayon sa mundo"

"Kung gusto mo syang makita sasamahan kita, sabihan mo lang ako pero as soon as possible sana"

"Sige kuya, may mga kailangan lang akong ayusin pero uuwi ako as soon as I can"

Niyakap ko si kuya nang mahigpit then umalis na ko.

Kailangan ko lang asikasuhin lahat ng maiiwan ko bago ko umalis.

🌜🐈🐕to be continued🐈🐕🌜
Hmmm...feeling ko malapit nang matapos tong story ni Justin and Catarina. May nire-ready akong one shots and full story. May mga naka-line up na kong story pero baka unahin ko yung kay Josh since na-inlove na ata ako sa kanya hahaha. I'll take this chance para mas mailabas ko yung feels. Shulande hahaha.

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon