🌜19

935 35 3
                                    

🌜Cat's POV🌜

Nadatnan namin ni kuya si Jah at Tof na nag aaway.

Di ko alam kung anong pinagsimulan ng away nila. Nakita lang namin na hawak hawak na ni Jah si Tof sa Collar.

Tatanungin ko na lang si Tof mamaya.

"Ano Cat san ko to isasabit? Banda dito ba?" tanong ni Stell na tinutulungan akong ikabit yung lights.

"Sige jan maganda medyo iangat mo lang. Wait lang sasabihin ko lang kay Tof na hihintayin ko sya mamaya"

"Cat wait, yung mga star pano yung pwesto?"

"Kahit ano lang, random lang basta magkakahiwalay...wait lang ha"

"Cat, yung SB19 ikabit ko na rin ba?"

"Sige pagkatapos mo jan sa lights...labas ako saglit"

"Cat!...ah...ummm...maganda siguro magsabog kami ng confetti pagpatapos na yung live noh? Gawa tayong confetti!"

"Sige pagbalik ko" tumalikod na ko para lumabas.

"Caaaaaat!" ang ligalig ni Stell ngayon, parang naiihing di mo maintindihan.

"Bakit?"

"Naiiyak na koooo...ang ganda ng ideas ko" parang paiyak na nga sya.

Grabe sobrang passionate talaga ni Stell basta tungkol sa SB19 at A'TIN.

Bumalik na si kuya Josh.

"Jooooosh! Grabe namiss kitaaaa" tumakbo si Stell palapit kay kuya at niyakap.

"Kuya tulungan mong gumawa ng confetti si Stell"

"Confetti?" nagtatakang tanong ni kuya.

"Opo, sabi ni Stell gusto nyang magsabog ng confetti bago matapos yung live nyo"

Tiningnan lang ni kuya si Stell na parang jinajudge nya.

"sabi mo TULUNGAN ko si Cat, ginawa ko lahat para TULUNGAN siya, wag mo ko i-judge" di ko alam kung bat nya ini-emphasize yung word na tulungan.

"sige gawa tayo confetti, salamat sa TULONG mo" sabi nya na parang jina-judge pa din naman si Stell.

Lalabas na sana ko kaso bigla akong tinawag ni kuya.

"San ka pupunta katkat?"

"May sasabihin lang ako kay Tof"

"Bumalik na si Tof sa training nila, mamaya mo na lang kausapin"

"Ah...sige gawa na lang tayo ng confetti"

Maya maya bumalik na din si Jah pero di ko sya tiningnan.

***patapos na ang fb live***

"This has been...SB19!" sabay sabog ng confetti.

"Maraming salamat po" dagdag nila then bow.

SB19 Justin - Mr SunshineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang