🌜31

866 34 5
                                    

🌜Cat's POV🌜

After namin magkwentuhan ni Jah sa rooftop, hinatid na ko ni kuya pauwi.

Tahimik lang kaming dalawa buong byahe.

Sobrang seryoso sya, di ako sanay.

Lagi kasi syang nakangiti sakin, lagi nya kong dinadaldal pag may time sya.

Lagi nya kong binibiro o inaasar.

Pero ngayon...wala.

Nakarating na kami sa bahay nya.

"Sige na pumasok ka na sa loob, hahatiran ka na lang ni Karl ng hapunan mamaya dito, siguraduhin mong naka-lock lahat bago ka matulog" sabi ni kuya at hinalikan ako sa noo bago tumalikod at nag lakad pabalik sa kotse niya.

🌜🐕🐈 Note: Oo ikaw yung Karl jan pag nakarating ka na sa chapter na to haha

Binuksan nya na yung pinto, pero sinara ulit at lumapit ulit sakin.

"katkat?...pwede bang wag na lang si Jah? Ayaw lang ni kuya na nasasaktan ka" malambing pero seryoso nyang pakiusap.

"Mahal ko sya kuya eh, saka ganun naman talaga pag nagmamahal di ba? Nasasaktan...kasi kung di ako nasasaktan, ibig sabihin di naman talaga ko nagmamahal. Kahit hindi si Jah, masasaktan at masasaktan pa din ako di ako pwedeng ma-exempt dun kahit ang napakagwapong si Josh Cullen Santos pa ang kuya ko"

"Tama ka dun...gwapo talaga ko" sa wakas nagbiro din sya, yun lang naman pala kailangan 🙄 chour.

"Sorry kung pinag aalala kita kuya and thank you for trying soooo hard to protect me, sobrang swerte ko na kuya kita"

"awww, so sweet naman this bibigurl...but seriously, kahit gano mo pa kamahal si Jah at kahit gano ka pa magalit sakin, pag sinaktan ka nya directly at pinaayak, gugulpihin ko yun" sabi nya then niyakap ako at kiniss sa ulo.

May nagflash nanaman.

Ughh, san ba nanggagaling mga to.

May pictures nanaman na lalabas bukas.

"Sana maganda ko sa kuha nya" sabi ko kay kuya.

"Well, I think it's time na ipakilala ko ang super cute kong bibi sis sa world"

"Ang dami nilang time masyado"

"Oo nga, sana all, sige na, sasabihan ko na din ang management about dito"

Umalis na si kuya.

***After a few days***

"Good morning Kitty!" bati ni Tof habang ginigising ako.

"hmmmm"

"magbihis ka na dali! pasyal tayo"

"ang aga pa Tof!"

"dali naaaa" ibinangon nya ko at dinala sa cr.

Naligo na ko at nagbihis.

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta maganda dun, para makapagrelax ka naman, mag pack ka ng worth 3 days na gamit"

"3 days talaga?'

"oo para makalayo ka naman sa kaguluhan dito, you deserve to unwind and forget about all this nonsense"

"hayy, kung pwede ko lang sanang isama si Jah, super stressed na din yun"

Malayo layo din binyahe namin ni Tof. Di ko na alam kung nasaan na kami.

Nagpaalam ako kay kuya, pumayag naman sya si Tof naman kasi kasama ko saka para nga daw makapagrelax ako.

Tagong tago yung lugar tapos ang daming puno ang ganda.

Maganda din yung bahay, medyo makaluma din yung style.

May garden at pool sa likod.

Nasa mataas na lugar yung place kaya kita mo yung bayan sa malayo.

Naupo muna ko sa garden, nakinig ng music.

6th Symphony - Pastoral ni Beethoven yung pinapakinggan ko.

Sarap pagmasdan ng garden and ng nature habang nakikinig dito.

May butterfly na lumapit sakin.

Paikot ikot lang sya.

Tinaas ko yung kamay ko ng konti, sana dumapo sya.

After a while dumapo sya sa daliri ko.

Ang ganda. May tint ng blue yung color ng butterfly.

Sabi nila wish granters daw ang blue butterflies.

Sinubukan kong magwish. Pumikit ako.

Sana makasama ko si Jah, yung matagal sana. Miss ko na sya...sobra.

Butterfly beke nemen.

Maya maya dumilat na ko then lumipad na palayo yung paro-paro.

Tapos may biglang yumakap sakin mula sa likod then kiniss ako sa pisnge.

"Hi baby kooo, sobrang namiss kitaaa"

Si Jah! Wait totoo ba to? Nanginip ba ko?

Maygad legit yung butterfly?

Tumabi sya sakin and niyakap ulit ako then kiniss sa noo.

"Ikaw talaga yan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit?" natawang tanong ni Jah.

Namiss ko talaga tong gummy smile nya na to.

Sobrang peaceful at masaya yung aura nya ngayon.

Mukha nagbalik na yung liwanag ni Mr. Sunshine. Puro lungkot at pag aalala lang kasi nararamdaman namin pareho the past weeks.

"Di ako makapaniwala, nagwish kasi ako dun sa butterfly na sana makasama kita tapos biglang andito ka na, nakaka amaze" sagot ko sa kanya.

Natawa sya lalo.

"Pwede bang magwish sa butterfly?"

"Oo nabasa ko yun saka tingnan mo natupad wish ko"

Naupo lang muna kami and pinagmasdan yung ganda ng paligid.

Parang batang nakayakap sakin si Jah.

Magkatabi kami pero yumakap sya sa likod ko, nakapatong yung baba nya sa balikat ko.

Di kami nagsasalita pero sobrang saya.

Alam kong marami din syang iniisip pero yung place parang inaalis nya yung worries mo.

Nasa isip mo yung problema pero wala yung bigat na nararamdaman mo.

Paminsan-minsan hinihigpitan nya yung yakap nya, ikikiss ako sa cheeks or isasayaw sayaw ako ng konti.

Sana araw-araw ganito...

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Di ko sure kung makakapag update ako bukas. Manood kasi kami ng mall show ng SB19 sa Alabang. From Batangas pa kami so maaga aalis, gabi nang uuwi. Di ko rin ata kaya mag isip and magconcentrate sa mataong lugar. But I'll try my best na makapag-update. 😘💙

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon