☀️58

955 31 14
                                    

☀️Justin's POV☀️

Sobrang sweet nung fan na gumawa ng video na to.

And sobrang galing din mag imbestiga pwede nang maging detective.

Nagsunod sunod na din yung mga taong nag iiwan ng sweet messages at pagsuporta samin ni meow.

Ang sarap sa pakiramdam.

***After a few days***

Mas dumami pa yung nagpapaabot ng suporta nila samin ni meow.

Wala pa kaming nilalabas na statement pero bumubuhos na yung suporta nakaka-overwhelm.

Ito na kaya yun? Pwede ko na bang i-express freely yung pagmamahal ko kay meow?

Nagpatawag ng meeting ang company.

Kinakabahan ako, ano kayang sasabihin nila about dito?

"Okay, tingin ko naman nakita nyo nang lahat yung mga kumakalat na kung ano ano about Justin and Cat, and ipinatawag namin kayo dito, SB19 and PHoenix para aware kayo sa action na gagawin namin...natin, and to also give you some news" sabi ng isang head.

"To tell you honestly, medyo nagpanic kami nung lumabas yung issue kasi nagsisimula pa lang ang PHoenix so we don't want people to lash on Cat again" sabi ng isa pang head.

Halatang kinakabahan din si meow.

"First tatanungin muna namin kayo and alam naman naming sasagutin nyo kami ng totoo, kayo na ba ulit?" tanong nung unang head.

"hindi po" sagot ni meow.

"hindi pa po" pahabol na sagot ko sabay ngiti.

"Okay, great...I mean..." sabi ng head na napatingin sa isa pa na parang humihingi ng back up.

"Dahil jan hindi kami masyadong mahihirapan. Mas positive yung naging reactions ng tao sa issue na to unlike dati. Which is really great. And ilang araw na kaming nakakatanggap ng tawag about projects that require the two of you, Jah and Cat"

Nagulat kaming lahat.

"Ano pong ibig sabihin nun?" Tanong ni Josh.

"We are thinking of accepting some of the offers and try promoting the JusRina love team...that is if Cat and Jah is okay with it" sabi ng ikalawang head.

"waaaah my ship is matagumpay na naglalayag mamser" sabi ni Stell.

"Okay na okay po sakin...ah meow?" sabi ko.

Nakatingin lang sakin si meow.

"Aah...ummm...okay lang po kaya to? Ayoko lang pong maapektuhan ang group ko negatively" sagot ni meow.

"Don't worry Cat, hindi namin kayo pababayaan, lahat ng gagawin namin for JusRina is pag iisipang mabuti para magbenefit din both ang PHoenix at SB19. We got you...this time...we got you Cat, we are terribly sorry na nagkulang kami dati sa pagprotekta sayo. Josh told us what that issue did to you kaya this time babawi kami. Sorry Cat" sabi ng unang head.

"Salamat po, if it will benefit all of us then I'm in" sagot ni meow.

Napasuntok ako sa hangin sa sobrang tuwa.

"Saya natin Jah ah" pang aasar ni Sejun.

"JusRina pala tawag sa loveteam nyo akala ko JahCat" singit ni Ken.

"Ken ang kalat ha" sabi ni Stell.

"Bakit? Cute naman...ay oo nga hahaha sorry po JusRina na lang pala" sabi ni Ken.

***After a few weeks***

Unang tinanggap is mga commercials and modelling gigs muna para i-check kung tanggap ba talaga kami ng tao.

Nakaka-overwhelm yung result.

Yung couple OOTD na minodel namin sold out nationwide in Just 5 hours.

Tumaas yung sales ng Fast Food at toothpaste brand na inendorse namin.

Hindi muna namin tinanggap yung offer ng isang brand ng softdrinks natakot kami baka magka UTI mga fans jowk haha.

Dahil sa magandang result na to, tinanggap na rin ng company yung acting gig.

Support lang muna kami ni meow dito sa isang teleserye kasi tine-test pa kung papatok kami.

Tumaas din yung ratings!!!

Nakikita kong sobrang saya ni meow the past months. Sobrang sigla nya and game na sya makipagharutan sakin comfortably.

Parang gusto kong yakapin isa isa supporters namin naiiyak ako sa sobrang saya.

Sabi ng management pag nagtuloy tuloy to tatanggapin na din nila yung movie offer.

At pag bumenta yung movie may mag ooffer na daw ng teleserye sa hapon, pag naging successful yung sa hapon malaki ang possibility na mabibigyan din kami ng pang prime time!

Sa totoo lang after nung issue kay Stacey di na tumanggap ng permanent na ila-love team sakin yung management kaya matagal na din akong di nakakapag prime time.

Sana talaga maging successful lahat to. Pag nangyare yun pwede na kami ni meow maging totoong couple ulit.

Yung situation lang naman talaga namin pumipigil kay meow. Pero masaya ko sa kung anong meron kami ngayon.

"Maraming nangugulit satin na umamin na daw tayo na tayo talaga. Kaso sana talaga may maamin akong ganun di ba meow? Hehe" pangungulit ko sa kanya.

"Kumain ka na lang jan, scene na natin susunod" sagot nya.

"Babe" tawag ko sa kanya.

"Oh?" tanong nya sabay tingin sakin.

Napangiti ako.

"Babe mo na ulit ako?" sabi ko habang todo ngiti sa kilig.

"Madaya ka" sabi nya lang.

"Anong madaya dun tinawag lang kita tapos sumagot ka so ibig sabihin nag aagree kang babe kita?" pangungulit ko.

Tiningnan nya lang ako ng masama.

Bumalik na lang ako sa pagkain pero di talaga mawala ngiti ko.

Lalo na pag angat ko ulit ng ulo ko nakita kong nakangiti din sya habang kumakain.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora