☀️20

965 30 1
                                    

☀️Justin's POV☀️

Lumabas na ko ng studio after ng FB live namin.

Gustong gusto kong kausapin si meow kaso nakatingin si Josh.

Nagpunta muna ko sa may hagdanan para mag isip isip.

Naramdaman kong parang may tao sa likod ko kaya napalingon ako.

Si meow pala.


Tumabi sya sakin.

"May problema ba Jah?"

"Jah..."

Jah na ulit tawag nya sakin, hindi Justin. Kahit papano gumaan pakiramdam ko.


"Bakit?"

"Wala, di mo kasi ako pinapansin"

"Pinapansin naman kita ah"

"Di katulad ng dati...namimiss na kita...parang ang layo layo mo kahit anjan ka lang sa tabi ko"


"Busy lang talaga tayo pareho"

Nagtatampo pa rin sya sakin. Kung alam ko lang talaga na may sched ako nun...hayy...

"Sorry talaga nung sobrang late ako sa usapan natin"

"Hayaan mo na yun"

"Promise babawi ako sayo"

"Ok lang ano ka ba"

Di talaga sya tumitingin sakin.

"meow"

"bakit?"

"tumingin ka naman saken"

Nakatitig lang sya sa pader.

"meow" ako ng gumawa ng paraan para tumingin sya sakin.

Hinawakan ko yung pisngi nya at iniharap yung mukha nya sakin.

Naisipan ko syang tanungin.

"Anong gagawin mo kung yung taong gusto mo di mo pwedeng magustuhan? Yung hanggang friends lang kayo?"

"hmmm...edi friends na lang kami, at least nasa tabi ko pa din sya"

Parang ang sakit naman nun. Parang tinotorture ko sarili ko nun.

"kahit masakit?"

"oo...anong magagawa ko eh hindi pwede, saka alangan naman pilitin ko syang gustuhin ako kung friend lang talaga tingin nya sakin"

Tama naman sya. Di ko naman sya pwedeng pilitin hayy.

"Ganun ba?" napahinga na lang ako ng malalim.

"Pero bago ka sumuko, gawin mo muna lahat, ipakita mo na sincere ka and totoo yung nararamdaman mo for her. Ipakita mo kung bat dapat ka rin nyang magustuhan. Make her feel special. Yung wala kang pagsisisihan at least you did your best"

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nya. Totoo yung nararamdaman ko para sa kanya.

This time sigurado na ko.

"Salamat...gagawin ko yung best ko" di ko mapigilan yung ngiti ko.

Pero kailangan ko munang kausapin si Josh.

Sa kanya ko magsisimula.

Kailangan kong patunayan sa kanya na seryoso ako sa kapatid nya.

Gagawin ko lahat para makuha yung approval nya.

***After a few days***

Tuma-timing lang ako na maganda mood ni Josh bago ko sya kausapin.

Pero the past days todo asikaso ako sa kanya para dagdag pogi points hehe.

Restday namin ngayon, inaya ko syang maglaro ng video games sa bahay.

"Jah nasa baba si Josh, alis na ko ha...ay may order ako na dadating mamaya bayad na yun i-receive mo na lang" sabi ni kuya.

"sige kuya, bababa na ko"

So ayun naglaro lang kami ng naglaro and kumain buong araw.

Nung hapon na, nilaksan ko na yung loob ko at nagsabi na sa kanya.

"ah...Josh...ano...may sasabihin sana ko..."

From cute and cheerful, naging seryoso yung expression ni Josh.

"Jah...parang alam ko na yung sasabihin mo...kung tungkol kay katkat yan..."

"Please Josh makinig ka muna sa sasabihin ko..."

"Ayokong masaktan si katkat and ayokong masira yung samahan nating dalawa..."

Kanina pa namin di pinapatapos magsalita yung isa't isa.

"Mahal ko si meow" sinabi ko sa kanya sa pinaka firm pero mahinahon na kaya ko.

Huminga lang sya ng malalim, seryoso pa ding nakatingin sakin.

"Mahal ko si Catarina...bago ko sabihin sa kanya gusto ko ikaw muna makaalam...gusto kong magpaalam sayo na liligawan ko sya...papatunayan..."

"Justin...idol ka, maraming babaeng pinapangarap ka...di maiiwasang may magalit kay katkat dahil sayo...isa pa artista ka, may ka-love team...sa tingin mo anong magiging reaction ng mga fans nyo ni Stacey?"

"poprotektahan ko si me..."

"pano mo sya poprotektahan eh di nga natin maprotektahan sarili natin? Pano mo sya mapoprotektahan sa mga harsh words na ibabato sa kanya? Pati buhay nya kakalkalin ng mga tao Jah"

"Please bigyan mo naman ako ng chance na patunayan ko yung pagmamahal ko sa kanya"

"Kung totoong mahal mo sya protektahan mo sya, and the best way to protect her is to keep your distance...Justin"

"Jo..."

"Tapos na tong usapang to Justin, I'm sorry pero di ko mabibigay yung approval ko sayo" mariin na sabi ni Josh.

"I'm sorry Josh pero di ko magagawang sundin ka...mahal ko si meow and gusto kong iparamdam sa kanya yun...gagawin ko lahat para lang mapapayag ka"

"Wala kang magagawa para mabago yung isip ko, sana maintindihan mong pinoprotektahan ko lang kapatid ko"

"Naiintindihan ko yun, pero sana maintindihan mo rin na mabuti yung hangarin ko sa kanya and I can't imagine na ibang lalaki yung magmamahal at mag aalaga sa kanya...gusto ko ako yung gagawa nun...ako lang"

"Masasaktan mo lang si Catarina at hindi kita mapapatawad pag nangyari yun Justin!"

"Josh..."

"Hindi mo na mababago isip ko! Tumigil ka na bago ko pa makalimutang kaibigan kita. Wag...si...Catarina" mariing sabi ni Josh bago sya umalis.

Aaaaaargh...ayokong masira yung samahan namin ni Josh pero di ko kayang mawala sakin si meow...

🌛🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora