☀️45

726 36 7
                                    

☀️Justin's POV☀️

"Wag mo kong mababe-babe at maplease-please, ang kapal naman ng mukha mo. Matapos mo kong ipahiya, lokohin at pagmukhaing tanga may lakas ka pa ng loob na tawagin akong babe? Tingin mo isang sorry mo lang mabubura na lahat ng sakit na ipinaramdam mo? Tingin mo isang sorry mo lang tatakbo na ko agad pabalik sayo? Kahit milyong sorry mo pa Justin hindi ako kayang buuhin nyan ulit. So PLEASE, wag ka na ulit magpapakita sakin Justin...please. Excuse me guys" sabi ni meow.

Mas nasaktan ako sa mga narinig ko sa kanya kesa sa sampal nya sakin.

Ang sakit na makita syang umiiyak at nasasaktan dahil sakin.

Dapat inaalagaan ko si meow hindi pinapaiyak.

Kahit hindi ko naman sinasadyang masaktan sya, sobrang nakakaguilty pa ding makita syang nahihirapan dahil sakin.

"Jah..." niyakap ako ni Stell.

"Wag kang susuko Jah, ang dami mo nang pinagdaanan para kay Cat ngayon ka pa ba susuko?" tanong ni Sejun.

"Ayaw na na kong makita eh. Sobrang nasaktan ko sya" sagot ko.

"Di mo naman sinadya yun eh" sabi ni Ken.

"Oo nga. Nasasaktan si katkat kasi di nya alam yung totoo. Though masakit pa din yung nangyare, iba kasi yung impact ng kwentong barbero ni Stacey. Saka ngayon ka pa susuko kung kailan suportado na kita?" sabi naman ni Josh.

Napatingin ako sa kanya at napatigil sa pag iyak.

"Suportado? Ikaw? Suportado mo na ko? Boto ka na sakin?" sunod sunod na tanong ko kay Josh.

"Oo na, kailangan ulit ulitin? Napabilib mo talaga ko sa galing mong dumepensa ng tore mo eh hahahahaha" sagot ni Josh.

Napangiti na ko, nagkaroon ako ng pag asa kasi dati parang imposibleng mapapayag ko si Josh eh pero ngayon sya pa nagchi-cheer sakin.

Lumabas na kami.

Nakasalubong namin si Kristof.

"Kristof..." tawag ni Josh sa kanya.

"Sa rooftop na lang tayo mag usap, sumunod kayo sakin" sabi ni Kristof.

Nung nasa rooftop na kami di ko na napigilan sarili ko.

Sinuntok ko sya. Napaupo sya.

"Jah!" pinigilan ako ni Ken.

Tinulungan ni Josh tumayo si Kristof.

"Ilang beses akong nagtanong sayo kung alam mo kung nasaan si meow. Lagi mong sinasabi di mo alam tapos ngayon engaged na kayo!"

"Justin..." di ko sya pinatapos magsalita.

"Sabi mo kaibigan lang tingin mo kay meow, eh ano to? Bat mo sya tinago sakin? Alam mo yung totoo Kristof bat di mo sinabi sa kanya? Kasi gusto mo syang mapasayo?"

"Hindi Justin, nito ko lang din nalaman na nandito sya. Di ko gustong ma engage sa kanya. Si daddy lang may gusto nito. Wala akong gusto kay kitty, kaibigan ko lang talaga sya" paliwanag ni Kristof.

"Kaibagan? Di mo gusto? Eh bat di ka tumangi? Sinungaling"

"Justin, di mo kasi maiintindihan. I've always wanted dad's approval kaya sinusunod ko sya pero this time I really tried to avoid this engagement I swear kaso si kitty na ang nagdecide na gusto nya"

"Eh kung sana sinabi mo sa kanya yung totoong nangyare nung mga panahong wala sya, you had the chance to talk to her!"

"I tried! Kaso ayaw nyang makinig...ni ayaw nyang marinig pangalan mo. She doesn't care na makasal sakin kahit di nya ko mahal, di na daw kasi sya magmamahal ulit. She just want to have a...baby"

"Anong baby! Kaya ko naman syang bigyan nun bat sayo pa!?"

Kahit di nya ko mahalin bumalik na lang sya sakin kung di rin naman na pala sya magmamahal ulit. Bigyan ko sya ng kahit ilang baby pa gusto nya.

"Anong baby baby, bata pa si katkat, pag uuntugin ko kayong dalawa" saway ni Josh.

"Di ko rin to gusto, naiipit lang ako dito. Lalo akong di nakakaalma kay dad kasi pumapayag si kitty. Hindi rin to okay para sa career ko kaso walang pake si dad dun. Si kitty naman, di na ata nakakapag isip ng tama, nabulag at namanhid na ata dahil sa sobrang pagkabroken" paliwanag ulit ni Kristof.

"Okay so, anong gagawin natin?" tanong ni Stell.

"Kailangang magkabalikan tong si Justin at kitty para di kami matali sa kasal na wala namang pagmamahal. Di ko rin naman kayang makita syang nagpapanggap na okay kahit halata namang hindi. Si Justin lang makakapagpabalik sa kanya sa dati" sabi ni Kristof.

"Okay, una kailangang makapag usap ng masinsinan tong dalawa" sabi ni Josh.

"Yung di makakatakas si Cat" sabi ni Stell.

"Itali natin sa upuan?" sabi naman ni Ken.

"Pag makulit, itali natin, pero last resort na natin yun" sagot ni Josh.

Napatingin kami kay Josh.

"Payag kang itatali si meow?" tanong ko.

"Eh takas ng takas eh ang hirap nya kayang hanapin. Pag kayo nagkaayos utang na loob wag mo na ulit hahayaang masaktan. Ayoko na maghanap ulit, ang hirap nyang hagalipin tapos ang layo ng pinipuntahan. Ang mahal mahal ng pamasahe!" sagot ni Josh.

Gagawin ko lahat para magkaayos kami ni meow...lahat.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
5k+ reads na 😱 Wala lang natuwa lang ako 😅 Salamuch po ulit sa mga readers and sa mga nagvovote 😍 I-crush back sana kayo ng mga crush nyo haha 💙

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now