☀️32

902 33 10
                                    

☀️Justin's POV☀️

After namin i-admire ni meow yung scenery inaya ko na sya sa loob ng rest house.

"Baby? Anong gusto mong gawin?" tanong ko kay meow.

"hmmm...ah! ano na lang baby..." natalisod sya kaya di nya natapos yung sinasabi nya.

Umarte ako na nashock at na-violate.

"Grabe babe di ko alam na ganyan ka pala, masyadong pang maaga para jan"

Humarap sya.

"Ah so mamayang gabi na lang?" sabi nya sabay kindat.

This time totoong na shock na ko.

Nanlaki talaga mata ko kasi di naman nagsasalita ng ganto si meow.

Tapos bigla syang tumawa.

"Oh tapos ngayon magugulat ka, bibiro biro ka ng ganyan"

Di ako makatingin ng deretso sa kanya ewan ko nahiya ako haha.

"Gusto ko sana magroad trip kung pwede, parang ang ganda kasi ng sceneries dito, wag na lang tayo magpakita sa tao" sabi nya habang naglalakad lakad sa loob ng bahay.

"hmmm...cge hehe"

At nagroad trip nga kami, kwentuhan at sabay in-admire yung tanawin.

Nakarating pa kami sa beach.

Pero sa kotse lng kami di kami lumabas mahirap na.

Bumalik na kami nung malapit na maglunch para makakain.

Nagluto sya ng paborito nyang carbonara for lunch then gumawa sya ng sarili nyang version ng garlic bread.

Pinagmamasdan ko lang sya habang nagluluto.

Tutok na tutok sya sa ginagawa nya.

Naisipan ko syang i-back hug.

Gusto ko lang sulitin yung time naming dalawa, minsan lang  kasi kami magkasama sobrang saglit pa.

"I love you" sabi ko sa kanya then kiniss sya sa cheeks.

"I love you too" sagot nya.

Kumain na kami. Ang sarap ng luto nya.

Kumuha daw sya ng cooking and baking lessons nung nasa Korea sya kasi sobrang bored na sya.

Kung ano ano pang pinagkwentuhan namin buong araw.

Kinikwento ko din sa kanya yung mga nakakatawang moments ko with fans, saka yung mga nakakatawa pero cute nilang ginagawa.

Naalala ko may fan pa noon na nakasama sa photo op. Naka-wedding gown sya tapos may belo pa haha.

Inabot nya yung gift nya sakin pinabuksan  nya agad. Barong yung laman hahaha.

Pinaka hindi ko kinaya may marriage certificate pa sa loob na pirma ko na lang kulang hahaha.

Sobrang natuwa ako sa kanya kaya sinuot ko yung barong and nagrequest ako ng solo picture kasama sya.

Saka kailangan kong alagaan yung maisan ko that time, madami na kasi sa mga mais ko ang nakulong sa freezer ni Sejun hahaha.

Si Ken binabawi na yung mga manok nya sa poultry na nanakaw ko saglit huhu.

Si Stell namimitas ng maraming Stellberries, fresh na fresh pa yung karamihan mga bagong A'TINs na narecruit ng heavenly voice at jawline nya hahaha.

Yung ibang mais ko naman inihaw na ni Josh sa bbq-han nya. Kailangan kong gumalaw galaw para mabawi sila huhuhu.

🌜🐕🐈 Note: Sa mga di nakakaalam...

*Mais-tawag sa fans ni Jah, may imaginary maisan sya kasi corny sya lol

*Manok-fans ni Ken may imaginary poultry sya...wait eh manok din si Ken bat sya may poultry? lol

*Stellberries-imaginary strawberry farm naman kay Stell favorite nya kasi yun

*Hotdogs/Pautlong-fans ni Sejun na tinatago nya sa freezer, mahilig kasi sya sa hotdog

*BBQ-fans ni Josh, lagi nya kasing sinasabi yun, meaning "bibi ku" as in baby ko, LSS kasi sya sa Zebbiana

Fun fact, isa ko sa mga mais na nakulong sa freezer ni Sejun 😂 Sorry Jah di ako makalabas 🥺🤣

Oo nga pala, sabi ni Josh may nagpicture din daw sa kanila ni meow pero hanggang ngayon wala pa ring lumilitaw na photos.

Sana wag na lang i-post dagdag pa yun sa iisipin ng baby ko eh.

"Kailan kaya matatapos tong issue?" tanong ni meow.

"wag mo na lang isipin, makakalimutan din nila to, saka understanding naman mga A'TINs kaya magiging ok din lahat"

"Sana magyare na as soon as possible para wala nang nasestress satin, alam kong super stressed ka na babe"

"Alam kong ikaw din pero kaya natin to, malalagpasan din natin to ng magkasama" sabi ko sa kanya habang nililibot namin yung paligid ng rest house.

Nung natulog kami ni meow, for the first time di na sya naglagay ng bakod.

Kulang din kasi yung unan saka nasa sahig naman lahat kinabukasan haha.

Kaya magkayakap kaming natulog.

***Kinabukasan***

Kakaligo ko lang nung tumawag si Josh, galit na galit.

"Hoy Justin bat mo dinala jan si katkat?! Tapos kayong dalawa lang!"

"Wala naman akong gagawing masama sa kanya Josh gusto ko lang sya makasama and para makapag unwind sya"

"Unwind? Unwind mo mukha mo, pupunta ko jan!"

"Oy sama" narinig kong sabi ni Ken sa background.

"San yan?" tanong ni Sejun.

"Si Tof daw alam kung saan sya naghatid kay Cat eh pahatid na lang tayo" sabi naman ni Stell.

Magkakasama pa din sila kahit bakasyon. Di talaga uso bakasyon samin kahit may go signal na mula sa taas.

"Pero yare si Jah hahahahahaha bwahahahaha" sabi ni Ken sa saliw ng pang alien nyang tawa.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Pasensya na po di talaga kinayang mag update kahapon 😅 Super enjoy kami, wala akong pictures nagfocus ako sa panonood eh hehe. Muntik din akong di maka-pag update today I just don't feel that good pero naitawid ko naman. I hope okay lang tong chapter na to 🥺
Salamuch 💙

SB19 Justin - Mr SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon