☀️34

839 35 5
                                    

☀️Justin's POV☀️

Sobrang kinabahan ako nung nilabas na yung pictures nina meow. Baka kung ano-ano na namang sabihin ng mga tao against her.

Kahit sinasabi nya sakin na okay lang sya, alam kong hindi. Kitang-kita naman kasi sa mata nya na nasasaktan pa din sya kahit alam naman naming di totoo yung mga sinasabi ng mga tao.

Buti na lang mas positive yung comments ngayon. Though may mga nangba-bash pa din natatabunan naman sya ng positive at mga nakakatawang comments and reactions ng mga A'TINs.

Yung ibang nagcocoment hindi namin fan pero positive or neutral lang naman ang sinasabi.

May kapatid daw pala si Josh. Sobrang magkamukha daw sila. Matutuwa daw mga fanboys kasi may girl version si Josh tapos ang ganda.

Mas relaxed na yung pakiramdam ko ngayon. Masaya din si meow kasi nandito lahat ng members nalilibang sya.

Di nga lang kami makapagmoment singit kasi ng singit si Josh. Pero at least tumatawa si meow na parang walang problema.

Last night na namin dito sa rest house, bukas ng umaga uuwi na kami.

Nagdecide kami na gumawa ng bonfire. Tapos mag iihaw ng marshmallow.

Inabot kami ng siyam siyam sa pagsisibak ng kahoy.

Si Ken lang marunong. Tinuruan nya kami pero si Sejun at Stell lang natuto.

Taga buhat na lang kami ni Josh.

Si meow kinakain na yung marshmallows.

"Hoy! Psst! Wag mo kainin yan wala na tayong iihawin mamaya" saway ko kay meow.

"Isang pack lang naman madami pa dun oh" sagot nya.

"Penge ako...aaaah" sabi ko sa kanya.

"Naiingit ka lang pala...oh" sinubuan nya ko ng marshmallow.

"Oy ako din...aaaah" paghingi ni Ken.

"May kamay ka naman ikaw na kumuha" utos ko kay Ken pero sinubuan pa din sya ni meow.

"Ang dumi ng kamay ko oh" sabi nya habang pinapakita yung palad nyang puro dumi.

"Ako din...aaah" sabi ni Stell.

"Me too...aaah" sabi ni Sejun.

"Penge din katkat...aaah" sabi naman ni Josh.

Binigyan silang lahat ni meow ng marshmallow.

Si Josh tatlo yung sinalaksan nya sa bibig kaya di na makapagsalita tapos tawa ng tawa.

"Bat pa tayo nagpapakahirap magsibak kakainin lang din pala natin yung marshmallow ng hilaw" reklamo ko.

"Tayo? Tayo? Di ka naman nagsisibak nagrereklamo ka hahahahaha" pang aasar ni Ken.

***Kinagabihan***

Nakaupo na kaming lahat sa tapat ng bonfire.

May nakita kaming gitara, pinagamit namin kay Sejun para may music.

Pwede naman namin gamitin yung phones namin for music pero syempre mas feel pag gitara.

Di pa masyadong umaapoy yung bonfire nag iihaw na si meow kanina.

Pinakinig samin ni Sejun yung mga ginagawa nyang kanta.

Magaganda as usual. Iba talaga to si Sejun.

Nagkwentuhan kami nang nagkwentuhan.

Tapos biglang nagtanong si Ken.

"Bat mo gusto si Cat?"

Nakatitig silang lahat sakin.

"hmmm...kailangan ba may dahilan? Sobrang gaan sa pakiramdam pag kasama ko sya. I feel at home kahit nasaan ako basta andyan sya. Tapos pag wala sya parang di ako makahinga parang may nakadagan lagi sa dibdib ko. Basta alam ko lang mahal ko sya" sagot ko.

Nagblush si meow.

"Naku mahirap yan Jah magpacheck up ka kaya baka di si Cat ang dahilan nyan ha" biro ni Stell.

"Eh ikaw Cat? Bakit si Jah?" tanong ni Sejun.

"hmmm...ang hirap i-explain eh, parang katulad ng sinabi ni Jah. Tapos para syang sunshine, nagliliwanag lahat pag andyan sya. Dati dahil sa smile nya pero ngayon pati yung presence nya enough na to lighten up my day" sagot ni meow na medyo nahihiya.

"Di ba kasi mahilig magpaaraw mga pusa? Lagi silang nakatambay sa may bintana dun mismo sa nasisinagan ng araw hahaha" sabi ni Ken.

"Alam nyo kayong dalawa ni Stell mga panira kayo ng moment" sabi ni Sejun.

Si Josh tahimik lang sa tabi. Sa gitna namin nakaupo si meow.

Bigla syang nagsalita.

"What if you have to choose between your career and katkat?" tanong ni Josh.

Natahimik kaming lahat.

"Kuya naman" nag aalalang saway ni meow.

"We have to know kat. Kasi naiipit ka na. We have to know if it's really worth all the trouble you're in right now" sabi ni Josh.

"Parang mahirap kasing tanong yan Josh" sabi ni Sejun.

"Mahirap talaga, choosing katkat means affected tayo kasi magkakadugtong career natin eh. SB19 is not SB19 pag may isang nawala. Pero pag pinili nya career nya masasaktan si katkat basag mukha ni Jah sakin. I warned you long before Justin" seryosong sabi ni Josh.

Bat kailangan kong mamimili? Pwede namang walang i-let go di ba? Marami namang artista na may love life. Bawal ba ko magmahal?

Sasagot na sana ko kaso biglang nagsalita si meow.

"I would never let you choose me over something na nagpapasaya sayo at sa inyong lahat. Besides, di mo kailangang mamili. Soar high, as high as you can. I'm your home, I'll always be down here waiting for you" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko at hawak yung kamay ko. Then she smiled.

Napangiti din ako. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Parang natutunaw ako sa sinabi nya at sa titig nya.

"Pikachuuu...I chooose youuu!" sabi ni Ken.

"KEN!!!" sabay-sabay namin syang sinaway.

Gulat na gulat sya, natawa na lang tuloy kami.

Sana palagi na lang kaming ganito.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
May story ako dating sinulat sa notebook. Mahaba-haba na din yun. Nawawala yung notebook naitapon daw ata ni mama 😭 Sayang yun pero aalalahanin ko na lang tapos ipa-publish ko dito someday. Wala share ko lang haha.
💙 Vote for Go Up - SB19 on MYX 💙

SB19 Justin - Mr SunshineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora