☀️54

862 30 4
                                    

☀️Justin's POV☀️

Kanina pa ko nakatambay sa elevator.

Dito daw matutulog sina meow ngaun.

Gusto ko syang makausap ulit. Miss na miss ko na sya eh.

Araw araw kaming nagkikita pero namimiss ko pa din sya.

Hanggang tingin lang ako tapos saglit na kausap.

Ganun lang everyday. Pero pinipilit kong ipakita sa kanya na sincere ako kahit sa small gestures lang.

May pumindot na mula sa baba, si meow na siguro yun.

Inayos ko na sarili ko. Di ko mapigilan ngiti ko.

Pagdating sa baba, si meow nga. Kinuha ko yung mga dala nya.

Nakangiti lang ako the whole time.

Iba talaga yung presence nya. Parang nae-energize ako pag nasa malapit sya.

Kami lang dalawa sa elevator. Amoy na amoy ko yung pabango nyang amoy baby.

Natetempt akong yakapin sya pero pinigilan ko sarili ko kasi baka magalit.

Tamang singhot na lang muna ko sa tabi.

Ang creepy ko na ata pero miss ko na talaga baby kooooooooo 😭

Biglang lumindol. Chineck ko kaagad kung okay si meow. Salamat naman at di sya nagpanic o kung ano.

Walang nakakarinig sa pagtawag namin ng tulong.

Naupo na lang kami.

"Meow...sorry" sabi ko sa kanya. Feeling ko kasi gusto kong magsorry sa kanya palagi about sa mga nangyare noon.

"Saan? Di mo naman kasalanan to"

"Sa lahat ng gulo saka sakit na dinala ko sayo, I'm really sorry"

Tinitigan ko lang sya. Nakikita ko pa rin sa mga mata nya yung lungkot.

Though mas matapang na yung mga titig nya ngayon, I can still see the sadness na di nya matatago sakin kasi kabisado ko mga tingin nya.

"Tapos na yun, wala na tayong magagawa"

Ramdam ko din na mahal nya pa ko. Alam ko somewhere, deep inside her, andyan pa si meow ko.

"Mahal mo pa ba ko?"

Umiwas sya ng tingin.

"Gusto kong magfocus sa career ko, ayoko ng kahit anong distractions Jah"  sagot nya.

Hindi nya kayang magsinungaling kaya di nya sinagot mg direkta yung tanong ko.

Di ko na naman mapigilang ngumiti.

This time parang di ko na ata mapigilan sarili ko.

Hinawakan ko sya sa pisnge and hinarap sakin.

Nakangiti pa din ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi mo sinabing hindi, enough na sakin yun, basta ako...mahal na mahal kita" sabi ko then hinalikan sya sa noo.

Muntik na sa lips buti nakapagpigil pa ko kahit papano haha.

Di ko mapaliwanag yung saya ko ngayon. Ang tagal na nung huli kong naramdaman to.

Yung parang sasabog yung puso ko sa sobrang saya.

Tiningnan nya ko masama.

Patay.

Tinaas ko yung mga kamay ko.

"Oops, sorry babe, nadala lang hehe" sana wag akong sampalin.

Halatang pagod sya, gusto ko sana syang pasandalin sakin kaso ayaw nya.

Sumandal na lang sya sa ding ding, kaso nung tulog na sya parang matutumba na kaya dahan dahan ko syang kinuha at pinasandal sakin.

Tulog na tulog sya then maya maya yumakap sya sakin unconciously.

Today is my lucky day hihi.

Syempre niyakap ko na din. Feeling ko nawala lahat ng pagod ko.

Hinaplos haplos ko yung buhok nya. Matagal kong tinitigan yung mukha nya.

Napakaganda talaga ng baby ko.

Kahit saglit lang to, masaya pa din ako.

Sana dumating na yung time na malaya ko na ulit syang mayayakap anytime na gusto ko.

O kaya naman kahit yung makipagbiruan at tawanan man lang sya sakin gaya ng dati.

Kahit yung parang normal na magkaibigan lang kami.

Hindi yung iwas sya ng iwas.

Bukas iiwas na naman sya sakin but at least I have her in my arms right now.

***After a few hours***

"Jah? Kitty? Gising na" sabi ni Josh.

Nagbukas na pala yung elevator and nandito na yung members.

Biglang tumayo si meow.

Ang awkward ng itsura nya pero ang cute.

Nakangisi sina Josh.

"Kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo" sabi ni Ken.

"Na-na-stuck kami" sabi ni meow.

"Sa isa't isa?" pang aasar ni Stell.

Syempre ako kinikilig kaya todo ngiti.

"Excuse me, magreready na ko para sa flight namin" sabi ni meow na dali daling umalis.

"Mukhang may maganda ang gising dito ah" pang aasar ni Sejun sakin.

"Ikaw lang ata ang na-trap na sobrang saya pa" sabi naman ni Josh.

"Halata ba?" tanong ko habang nakangiti.

"Mukha ka na ngang puppet sa sobrang lawak ng ngiti mo" sagot ni Josh.

Nagbihis at nag ayos na din ako. Magparactice kami ng ilang oras then may tv guesting kami.

Nung napansin kong paalis na sina meow sumama ko pababa para ihatid sila sa van at magba-bye.

Nagpasama ako kay Josh para di masyadong halata.

"Ingat kayo kitty and enjoy, pasalubong ha" sabi ni Josh.

"Sige kuya text mo na lang kung ano gusto mo, love you" sabi ni meow bago kumiss sa pisnge ni Josh.

"Bye meow ingat kayo, sana all may love you saka kiss hehe" sabi ko naman.

"Text mo na lang kung anong pasalubong gusto mo" sabi nya bago sumakay ng van.

So pwede ko na syang i-text? Go signal yun na pwede na di ba? Yes!

Napasuntok ako sa hangin at napatalon sa kilig at saya.

Umalis na sila.

"May number ka nya?" tanong ni Josh.

"Hala, oo nga, wala" nawala bigla yung ngiti ko.

Tumalikod na si Josh at naglakad pabalik.

"Kuya Josh, penge namang number ni meow" lambing ko sa kanya.

"Parang masakit ata likod ko ah" sabi nya.

Minasamasahe ko sya at sinunod lahat ng utos nya buong araw makuha ko lang number ni meow.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now