🌜55

860 40 9
                                    

🌜Cat's POV🌜

Wala naman sigurong masama kung magiging magkaibigan kami ni Jah.

Parang ang weird din kasi na iniiwasan ko sya.

O baka naman kinukumbinsi ko lang sarili ko kasi ang totoo namimiss ko na talaga sya?

After ng mall show namin nagkaroon kami ng time mag ikot ikot and bumili ng pasalubong.

***Text Message from 0956***

Unknown: Hi meow meow! Tapos na tv guesting namin, nasa restaurant kami ngayon treat daw samin kasi very good kami hehe. Kumain ka na? -Jah

Napangiti ako, halos ganto din yung unang text nya sakin. Tandang tanda ko pa yun.

Me: Hindi pa wala pa kong ganang kumain eh.

Sinave ko number nya. Actually kabisado ko pa rin to.

Jah: Hala kain ka na anong oras na oh.

Me: Nakakatamad kasi kumain mag isa.

Jah: Parang nangyare na to haha. Edi sasamahan kita, san ka ba nakatira? 😁 hahaha. Kumain ka na pag di ka kumain pupuntahan kita jan sige ka.

Me: Sira

Jah: Try me 😏

Me: Ok 🙄

***Kinagabihan***

Di na nagreply si Jah. Mahina pala to eh haha.

Pero gusto ko talagang subukan.

Di ako kumain kahit nilibre kami sa magandang restaurant.

Bumili na lang ako ng cup noodles in case magutom ako mamaya.

Pagdating namin sa hotel room namin may nakasandal na lalaki sa pinto.

Naka hoodie na gray at shorts na brown, cap na white at mask, tapos rubber shoes na black at backpack.

May mga box ng pizza sa tabi nya at softdrinks.

Tumingin sya sakin at kumindat.

Si...si Jah.

Nakilala din sya ng staff at pinapasok muna sa room namin.

Tinanggal nya na yung mask at cap nya.

"Justin anong ginagawa mo dito? Patay tayo pag may nakakita sayo" sabi ng staff.

"Nandito naman kayong lahat eh saka nag ingat ako promise" sabi nya habang nakangiti.

Umiiling-iling yung staff.

Hinila ko sya papunta sa may bintana.

"Nababaliw ka na ba? Bat ka pumunta dito?" tanong ko.

"Di ka kakain pag di ako pumunta eh" sagot ni Jah habang nakangiti.

"Nagbibiro lang ako, Justin naman"

Biglang naging seryoso yung mukha nya.

"Pwes ako Catarina Santos, seryoso, hindi ako titigil until I get you back in my arms...for good"

Kinikilig yung mga usyusera sa likod 🙄

"Jah, sinabi ko naman sayo gusto kong magfocus sa career..."

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now