☀️30

837 39 2
                                    

☀️Justin's POV☀️

Sabi nila ipinatawag din si meow para umattend ng meeting.

Makikita ko na din sya ulit finally.

Kanina pa ko palakad lakad sa tapat ng elevator.

"Hoy Jah, ang kinis na ng tiles jan sa nilalakaran mo, usog ka ng onti, dito naman pakintabin mo" sabi ni Ken.

"Wag mo na asarin, natetense na nga eh...Jah floor wax gusto mo?" sabi naman ni Stell.

Lumapit si Sejun sakin at hinawakan ako sa balikat para patigilin.

"Nahihilo na ko Jah, tum..." di natapos ni Sejun yung sinasabi nya kasi pabukas na yung elevator.

Nakatingin kami lahat sa pinto, nakaabang sa pagbukas.

Akala ko si meow na, si Stacey pala.

"Hi pumpkin!" bati ni Stacey bago yumakap sakin.

Ganun talaga nya ko batiin. Ewan ko kung bat pumpkin tawag nya sakin. Mukha ba kong kalabasa?

Pinauna na namin sila Stacey sa conference room.

Maya maya bumukas na ulit yung elevator.

This time si meow ko na talaga yung nasa loob.

Niyakap ko agad sya. Sobrang namiss ko lang talaga baby ko.

Parang sinasaksak na ko ng tingin ni Josh kaya nilayo na sya ni Sejun.

***After ng lahat ng meeting***

Naiwan pa ko saglit para kausapin ng management.

Di muna nila ko pagpapahingahin kasi pag ako lang wala sa mga activities namin magmumukha talaga akong guilty.

Pero babawasan muna nila activities namin outside.

Focus muna daw kami sa youtube contents for the meantime.

Then bibigyan nila kami ng vacation next week para makapagpahinga and mapalamig yung issue.

Minove na pala nila yung scheds namin para may 4 days kaming pahinga.

Hinanap ko si meow. Susulitin ko lang na nandito pa sya sa office.

Nakita kong palabas na sya ng studio kasama si Tof at Josh.

"Baby!" tawag ko sa kanya at napalingon sya sakin.

Tumakbo ko palapit.

Lalapit din sana sya kaso pinigilan sya ni Josh.

"Tara na katkat" sabi ni Josh.

"wait lang kuya mamaya na, ngayon ko na lang ulit nakita si Jah" sagot ni meow.

"katkat" walang kangiti ngiting sabi ni Josh.

"kuya...please"

Napapikit na lang si Josh at hinayaang lumapit sakin si meow.

Niyakap ko sya ng mahigpit at kiniss sa noo.

Umakyat muna kami ng rooftop at dun nagkwentuhan.

Di muna namin pinag usapan yung tungkol sa sitwasyon namin ngayon.

Parang ayoko na syang bitawan. Gusto ko na lang syang yakapin hanggang bukas.

After ilang oras hinatid na sya ni Josh pauwi.

Gusto ko pa sanang makasama si meow.

Kung pwede ko lang sana syang puntahan saglit sa bakasyon namin.

Teka...baka pwede naman.

Hinanap ko si Kristof. Kailangan kong humingi ng tulong sa kanya.

Pumunta ko sa studio ng Shining kaso wala sya dun, lumabas daw.

Hinintay ko sya dumating.

"Kristof!" tinawag ko agad sya pagkakita ko sa kanya.

"bakit?'

"nakakahiya man pero pwede bang humingi ng favor sayo? alam kong galit ka din sakin dahil sa nangyayare kay meow ngayon pero please tulungan mo ko para makasam ko sya next week, gusto ko lang bumawi sa kanya"

"di naman ako galit, ano namang karapatan kong magalit, pero nasasaktan ako sa sitwasyon ni kitty ngayon"

"I'm sorry, I'm really sorry but I can't live without her, please tulungan mo ko"

"sobrang miss ka na din ni kitty, so para sa kanya...panong tulong kailangan mo?"

"Dalhin mo sya sa address na ibibigay ko and make sure na safe sya.

Then susunod ako dun after making sure na walang nakasunod sakin or what.

Then pakisundo sya at ihatid pauwi sa house ni Josh after"

"As long as safe yang place na yan and sure na walang manggugulo sa kanya"

"Safe yun promise"

May resthouse yung highschool friend ko na nasa tagong lugar.

Mapagkakatiwalaan sya at maaasahan kaya dun ko dadalhin si meow.

Pinahiram din ko ng kotse ni Kristof. Pag kotse ko kasi ginamit ko siguradong my press laging nakabuntot.

Yung kotse ko ginamit ni kuya para sya yung sundan, tapos hinatid ako ni daddy sa bahay ni Kristof para kunin yung isang kotse nya.

Ang supportive ng pamilya ko kahit sa love life ko di ba? Sana all?

Medyo malayo-layo yung dinrive ko pero sobrang worth it naman kasi makakasama ko ng matagal si meow.

"maraming, maraming, maraming salamat talaga Kristof sa tulong mo"

"di ko to ginagawa para sayo ha, para kay kitty to"

"salamat pa din"

"sige na, nasa likod sya, sa garden, sunduin ko sya after 3 days, take good care of her"

"yes, of course, sige salamat ulit, ingat"

Sobrang excited na ko makita si meow kaya tumakbo na ko papuntang garden.

Nakaupo sya sa bench. Nakikinig ng music.

Parang binibilang nya yung mga bulaklak.

Gusto ko na syang yakapin pero ewan ko napatulala ako bigla.

Tinitigan ko muna sya mula sa likod.

Maya maya may paro-parong lumipad malapit sa kanya.

Nagpaikot ikot.

Parang namimili ng pinaka magandang bulaklak na dadapuan.

After a while, nakapili na sya.

Dumapo sya sa kamay ni meow.

Napangiti ako.

Kahit yung paro-paro alam na sya yung pinakamagandang bulaklak sa garden na to.

Pero kahit saang garden pa pumunta si meow, sya lagi pipiliin ko.

🌜🐕🐈to be continued🐈🐕🌜
Gusto ko lang po ulit magpasalamat sa lahat ng readers 😊 2k plus na ung reads ng Mr. Sunshine, parang dati 10 lang to ako pa yung tatlo hahaha Natutuwa talaga ko pag nalalaman ko na may nag eenjoy sa story ni Jah at Meow more reason kasi yun para ituloy ko yung story 🥰 And sa mga nagvovote super thanks po! And sa lahat ng readers, again...
Salamuch po! 💙

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now