🌜60☀️

1.8K 64 34
                                    

🌜Finale☀️

I can't believe natapos ko tong story. I was so scared the whole time na baka i-abandon ko to like what I usually do sa mga stories na sinisimulan ko before. Salamat sa mga nagbasa at magbabasa pa. Salamat sa mga nagcocomment, it warms my heart everytime I read some. Salamat sa mga nagvovote, sobrang nakaka-encourage sya. Yung mga nanghihingi ng update I just want you to know na you are a great part sa pagcontinue ko dito. Thank you so much.

I already published my SB19 - One Shots, here's the link:
https://my.w.tt/s30LSt8r53

or check it out sa wall? page? works? account ko? di ko alerms kaya nyo na yan 😂

Sana po basahin at supportahan nyo din po 😊

Pasalamat ako ng pasalamat kasi parang naging therapy na sakin tong pagsusulat. Ito, kayo and SB19 has helped me a lot. Alabyu all 😘

☀️Justin's POV☀️

Ilang taon na din mula nang nabuo ang loveteam ng Jusrina.

Madami nang dumaang successful na projects namin together.

We are now dubbed as one of the most successful and in demand loveteam sa Pilipinas.

Ang dami din naming international fans.

Di na namin kailangang magtago. Pwedeng pwede na kaming maging sweet kahit may ibang nakakakita.

Kahit kuhanan pa kami ng libo libong pictures together wala na kaming dapat ikatakot.

Pwede ko nang hawakan kamay ni meow in public.

Pwede ko syang i-hug anytime pag kailangan ko magrecharge.

Pwede ko syang tawaging babe or baby kahit may ibang nakakarinig.

Pwede ko na syang mahalin freely ng sobra sobra na parang sasabog na ko sa sobrang saya...

🌜Cat's POV🌜

I haven't seen a day as beautiful as this for a very long time.

I'm back at my favorite rooftop. Akala ko di ko na mapupuntahan ulit to.

Hapon na. Ang ganda ng rays of light na sumisilip sa mga ulap.

Yung huni ng mga ibon, yung ihip ng hangin, yung halakhakan ng mga estudyante sa baba, ang sarap pakinggan.

Dati nakikinig ako ng music para takasan ang mundo.

Ngayon yung mundo na mismo ang musika ko.

Ang dami nang nangyare sa buhay ko, masaya, malungkot, matamis, mapait, ang daming ups and downs pero lahat yun winasak at binuo ulit ako.

Wala na kong pinagsisisihan ngayon, lahat ng nangyare kinailangang mangyare para dalhin ako sa kung nasaan ako ngayon.

"Babe, sabi na andito ka eh, bat di ka sumasagot sa tawag ko hhmmpp" sabi ni Jah habang nagpapa-cute, lumalakad palapit sakin.

"Hala sorry naka-silent phone ko babe" sagot ko.

"Dapat di ka na umaakyat mag isa dito, kabwanan mo na eh" sermon ni Jah habang niyayakap ako mula sa likod.

"Sorry na daddy namiss ko lang talaga dito eh" lambing ko sa kanya.

"Wow, daddy, ang sarap sa ears mommy hehehe"

"Dapat masanay na tayo na yan tawagan natin kasi lalabas na ang tunay na baby natin"

Kinasal kami last year, garden wedding na close friends and family lang namin ang umattend.

Pero syempre naka-live para sa fans namin.

"Pero kahit anong mangyare, kahit 100 years na tayo ikaw pa rin ang baby ko" lambing naman ni Jah.

"Linya ni kuya yan ah hahaha"

"Hiniram ko muna hehehe"

"Aray! aray ko...babe...daddy...manganganak na ata ako aaaah"

"Huh, wait lang, teka lang, hala, halika na dali, kaya mo ba maglakad, buhatin na kita"

"Ayoko baka mahulog tayo, kaya ko, kaya ko"

Halatang natataranta si Justin. Di na maintindihan yung expression ng mukha nya habang nagdadrive.

***After a few hours***

Pagkagising ko nakita kong karga ni Jah baby namin.

Nasa kwarto din sina kuya Josh, Ken, Sejun at Stell.

Lahat sila na kay baby Jusrine ang atensyon.

"Ang gandang bata manang mana sa tito ang bebe namin na yan oh" sabi ni kuya.

"Sakin nagmana yan tingnan mo naman yung ilong oh lumalaban, tapos ung mata oh guhit na lang, ang laki ng inambag ko sa produksyon oh" sagot ni Jah.

"Nag enjoy ka naman sa produksyon?" tanong ni Sejun.

"Oo naman tingnan nyo naman worth it lahat ng puyat at pawis ko hahaha"

Nagtawanan sila.

"Oy gising na ang ating MVP" sabi ni Stell.

Lumapit na sila sakin.

"Babe, ang ganda ng anak natin oh simulan na agad natin ulit ang produksyon ang ganda ng lumabas eh" sabi ni Jah habang itinatabi si baby sa akin.

"Ginawa mo kong factory"

Tinitigan ko ang anak namin. Sobrang ganda nya.

Kuhang kuha yung ilong at mata ni Jah, tapos kapareho ng lips namin ni kuya yung lips nya, tapos makapal din ang buhok at kilay.

Di ko mapigilang umiyak sa sobrang saya.

Nakatitig sakin si Jah then hinalikan ako sa lips.

"I love you" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.

"I love you too" sagot ko naman.

"labas na tayo mga dre mukhang magsisimula na ulit ang produksyon" sabi ni Ken.

Nagtawanan kaming lahat.

Marami pang dadating saming pagsubok, pero as long as nagmamahalan kami at nandyan sina kuya sa tabi namin, alam kong lahat kaya naming malagpasan.

🌜🐕🐈End🐈🐕🌜

Jah: Hoy po reader! Salamat sa pagsubaybay sa Mr. Sunshine. Sana po nagustuhan mo and kinilig ka samin ni meow. Kasi ako kinilig ng sobra sobra sobra sobra sobrang mahal kita yieeee.

Meow: Hi reader! Yes, thank you so much for reading our story. I hope you enjoyed it as much as the author enjoyed writing it. And sana someday, mahanap mo din ang Justin de Dios ng buhay mo. Si author ang kuya Josh Cullen Santos ko na ang hanap.

Jah: So ayun po, tapos na ang story pero ang love namin ni meow forever yan. Kaya sana i-keep nyo din kami sa hearts nyo forever.

Meow: We love you all!

Jah: Tara na babe?

JusRina: Jah and Meow signing off...paAlab! 🙇‍♂️🙇‍♀️

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now