🌜21

981 32 2
                                    

🌜Cat's POV🌜

Nakapagdecide na ko.

Kakalimutan ko na yung nararamdaman ko para kay Justin.

Kailangan ma-immune ako sa kanya.

Kailangan ma-immune din ako sa sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko sila ni Stacey.

Kaya ito, nagmamarathon ako ng movies, tv series and guestings nila.

Currently pinapanood ko yung pinakamadrama at pinaka nakakakilig daw nila na movie.

Basta yung kwento naaksidente si Jah nung 16 sya then na-coma. Nagising sya after 12 years so 30 na sya pero yung isip nya pang 16 years old pa din.

Tapos tinutulungan sya ni Stacey na makahabol sa life. Nagka-inlove-an whatever.

Ending na. Nasa rooftop sila.

Natigilan ako.

Ako lang dapat kasama ni Jah sa rooftop...

Ako lang dapat nakikipagtawanan ng ganyan sa kanya...

Kami lang dapat naghihintay ng sunset ng ganyan...

Teka...kilala ko tong rooftop na to...

Paradise ko to!

Sa dinami dami ng rooftop sa Pilipinas bakit sa rooftop pa namin ni Jah sila nagshooting?

Unti unti nang tumulo mga luha ko...

Dapat nagmo-move on ako di ba...

Di ko alam kung bakit ako nagagalit na parang pag aari ko yung rooftop pero...kami lang dapat ni Jah yung nanjan.

Di rin nakakatulong na yung scene eh hawak hawak ni Jah yung pisngi ni Stacey tapos yung titig nya punong puno ng pagmamahal.

Naninikip na yung dibdib ko sa pag iyak and sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Eto na naman ako...nag iiiyak dahil kay Justin.

"What's up! What's up!" masiglang bati ni Justin.

Arrrgghh bat ngayon ka pa pumunta? Sobrang busy ka pero nagawa mong sumulpot sa gantong pagkakataon.

Tumakbo sya agad palapit sakin at niyakap ako.

"Meow? Anong problema? May masakit ba sayo?"

Oo...puso ko...

Di ako makapagsalita.

"Meow" punong puno ng pag aalala yung boses nya.

Napalingon sya sa tv.

"Teka...movie ko yan ah...wait...umiyak ka ba dahil jan?"

Tumango ako...totoo naman kasi...pero malamang di tulad ng iniisip nya.

"Meow naman...kala ko kung napano ka na...pero ibig sabibin sobrang effective ng acting ko hehe" inosenteng sabi nya.

Hinahaplos nya lang yung likod ko.

Maygad Jah di ka nakakatulong sa sitwasyon ko.

"Wag ka na umiyak movie lang yan"

Di naman yung movie lang basta iniiyakan ko.

Feeling ko kasi binalewala nya lang yung memories namin sa rooftop na yun.

Parang nakakabastos pero at the same time baka ako lang talaga yung nagpapahalaga dun.

Di ko mapigilan, yung sakit na nararamdaman ko parang nagiging galit na.

Tinulak ko sya palayo.

SB19 Justin - Mr SunshineWhere stories live. Discover now