Amore's Hidden Identity

3.1K 80 2
                                    

Ang kwentong ito ay isang kathang isip po lamang kaya kung may kahawig o pagkakatulad sa totoong pangyayari, buhay, pangalan ng tao, pook at  organisasyon ay hindi sinasadya at nagkataon lamang...

Note:  NO PLAGIARISM PLEASE!

Prologue

KINAHILIGAN na ni Amore ang pumunta sa gubat kapag bored siya. Gusto niya ang ambiance ng gubat dahil nakakapag-relax siya roon. Ewan nga ba sa kanya kung bakit doon siya nakakapag-relax, ang weird di ba?

Sa bawat araw na nandodoon siya ay hindi niya nakakalimutan na mag-practice ng pagbabaril. Sa pamamagitan ng paghahanap ng ibon na magiging target ay iyon na ang naging routine niya.

Isang araw habang kasalukuyan siyang naghahanap ng ibong magiging target  ay napadako siya sa isang masukal na bahagi ng gubat. Doon siya nakita ng isang ibon na nasa sanga kaya iyon ang tinuunan niya ng  pansin at ginawang target.

Ikinasa ni Amore ang hawak niyang baril at itinuon sa ibong nandoon sa sanga. Ipinutok niya ito at sapul ang ibon. Bumulusok ito sa di-kalayuan kaya agad niya itong hinanap kung saan man ito lumagpak.

Hindi niya agad nahanap ang ibon ngunit bigla namang nanlaki ang mga mata sa kanyang nakita sa may ilalim ng puno. Hindi ito ibon kundi tao. Agad niya itong nilapitan at pinulsuhan kung buhay pa ba ang lalaking nakita niyang duguan.

"Oh, God! Buti buhay pa siya," usal niya.

Nilingon-lingon niya muna ang paligid kung may taong nandoon. At nang mapagtantong wala ay dali-dali niyang inalalayan at dinala sa kanyang bahay ang lalaki.

Ipinagamot niya ang naturang lalaki sa kanyang kaibigang doctor na si Dindo. Naging matagumpay ang operasyon. Binayaran niya rin ang kanyang kaibigan upang hindi magsabi kahit kanino ng tungkol sa lalaking tinulungan niya pero sadyang mailap talaga ang tadhana at nabuking din naman ang sekreto.

Nalaman ito ng nag-iisang tao na tinuturing niyang mortal na kaaway simula pa noon, dahil talagang naghihinala na siyang ito rin mismo ang pumatay sa Daddy niya. Ito ay walang iba kundi si Regor Marcial ang half brother ng lalaking tinulungan.

Kahit magkapatid iyong dalawang lalaki ay nakukuha pa rin ni Regor na ipapatay si Liam, ang nakababatang kapatid nito.

Nang malaman ni Regor na  si Amore mismo ang nakakita at tumulong kay Liam ay ipihanap sila kaagad nito at ipinapapatay.

Tumakas silang dalawa, dumaan sa secret tunnel at nakarating sa kabilang pampang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mabilis silang nagkalapit nina Amore at Liam dahilan para hindi na umalis sa tabi niya ang lalaki. Sumama ito sa kanya papuntang Sulu. Dito  umikot ang mundo nilang dalawa nang nagpapanggap silang dalawa na mag-asawa.

They don't have any choice but to lie in order to survive from the people chasing them.

Naniwala naman ang Tiyo Gusting ni Amore at  lahat ng mga tao sa isla  sa kanilang pagpapanggap. Kapani-paniwala naman kasi ang acting nilang dalawa.

Sa isla na pinuntahan nila ay naging mas malapit pa sila sa isa't-isa at doon may namuong lihim na pagtingin sa bawat isa sa kanila.  Pero kapwa silang takot na ipahayag dahil sa napagkasunduang bawal ma-in-love sa isa't-isa.

Maipapahayag ba nila sa isa't-isa ang kapwa nilang nararamdaman o mas pagtutuunan na lang ng pansin ni Amore ang paghihigante kay Regor na siyang naging dahilan ng kanyang kamalasan? Makakamit ba ni Amore ang hustisya sa pagkamatay ng ama niya?

~>>>PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW AND VOTE EACH CHAPTER. THANK YOU 😊😍<<<~

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon