Chapter 15: Stable Condition -2013

306 15 0
                                    


"KAMUSTA na siya?" bungad na tanong ni Astra kay  Dindo.

Katatapos lang nitong gamutin si Scarlett. Siya na mismo ang inutusan ni Astra na gamutin ang babae dahil nandirito na naman siya sa hideout at isa siyang magaling na doctor at surgeon. Para saan pa ang propisyon nito kung hindi naman mapapakinabangan, di ba?

"Huwag kang mag-aalala nasa stable condition na siya. Mga tatlong araw siguro magigising na rin siya. Mapalad siya at kahit mga malulubha ang kanyang natamo na mga tama ng baril ay nakaligtas pa rin siya sa bungit kamatayan," tugon nito.

"Magaling. Maraming salamat sa'yo Doc Dindo. Pwede ka naman pala naming mapagkatiwalaan. Sana ngayon ay madadala ka na at huwag mo na muling balakin n tumakas dito. Nakita mo naman ang nangyari kay Jasmine. Sana sa ngayon ay lumiwanag na ng isipan mo. Kapakanan mo lang naman at kaligtasan ang hangad namin." Senirmunanan  siya ni Astra. Totoo naman,kaya dapat huwag na siyang magmatigas ng ulo.

"Okay. Dito na ako sa ngayon. Aasahan ninyong tutulong ako sa inyo."  Minsan na siyang tinakot at sinaktan nina Regor kaya galit din siya sa lalaki, di ito patas sa lahat ng bagay.

"Sige. Salamat!"

"Paumanhin sa'yo Astra, kailangan ko nang lumabas. Tawagin niyo lang ako  kapag may kailangan kayo sa'kin nasa kuwarto lang ako. Aasahan ninyo na hindi na ako tatakas."

"Sige."

Naiwan sa loob ng kuwarto si Astra. Mataman niyang pinagmamasdan ang kaawa-awang mukha ni Scarlett. Humanga talaga siya sa tapang ng babae dahil nakuha pa nitong mabuhay.

"Jasmine, magpagaling ka. Ako na muna ang bahala sa mga misyon mo. I already know who's behind this. Be strong dahil sisingilin pa natin ang mga walang awang gumawa nito sa'yo. Sa mga nakita kong ebidensya may alam na ako ngayon kung sino ang maaaring gumawa nito sa'yo. At ayon din sa mga impormasyon na nakalap ko kay Regor Marcial ang building na pinasukan mo."

Kinakausap ni Astra si Scarlett kahit tulog naman ito. Hindi naman siya sigurado na maririnig siya nito pero pinapatatag lang niya ang kalooban nito.

"Ang ganda din naman pala ng totoo mong pangalan Jasmine. "Scarlett" what a beautiful name. Hindi ko malilimutan ang araw na sinagip mo ako sa mga lalaking gustong gumahasa sa'kin. Kung hindi dahil sa'yo siguro patay na ako ngayon. Salamat sa'yo dahil iniligtas mo ako at marami pang iba, kayong dalawa ni Sapphire. Tinuruan ninyo ako ng self defense."

Sa pagsi-sentimento ni Astra, naalala niya muli kung paano siya tinulungan ng babae.

Galing sa trabaho si Astra at pauwi na siya. Gusto niyang magtipid dahil marami siyang gastusin. Pinili niyang maglakad na lang. May kadiliman ang daan at paminsan-minsan lang lumiliwanag ang madaraanan sa tuwing mayroong street light.

Nakakatakot ang daan pero no choice siya. Marami siyang mga dapat bayaran plus pa ang nanay niya na daig pa ang lending kakahingi ng pera sa kanya. Siya ang bread winner ng pamilya.

Kahit kinakabahan siya na anytime ay may mga taong hold upper at basta na lang siyang tutukan ng kahit anu mang klase ng baril ay tiyak na ikakamatay na niya pero naglakas loob pa rin siyang maglakad.

Nasa kalagitnaan na siya  ng paglalakad at madaraanan niya ang isang madilim na kanto. Agad siyang kinilabutan.

Guest what, ang kinatatakutan niya at nagkatotoo. Gusto niyang kumaripas ng takbo pero natatakot siya. Patay pa rin naman siya kung sakali.

May nakita siyang tatlong kalalakihan, naninigarilyo at hinarang siya ng mga ito. Naka-bonnet ang mga ito at may mga dalang kutsilyo.

Gash, killer ba sila o hold-upper lang. Pero either the two ay pareho siyang mamamatay ngayon. Baka addict or rapist na rin.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon