Chapter 56: Planned 1.2

177 12 0
                                    

NAKATANGGAP ng text si Amore galing kay Regor. Niyayaya siyang magpunta sa beach resort nito sa Laguna. Mag-i-istay sila roon ng tatlong araw. Nakakapagtataka naman ang biglaang pagyaya nito. Hindi nito gawain ang magyaya ng bakasyon.

"Anong sabi Amore? Bakit parang biglaan naman yatang nagtext siya at nagyaya ng mag-beach kayo? Duda ako diyan!" singit ni Scarlett na nasa tabi niya.

"Ewan ko. Duda rin ako. We need to be prepared in case, may binabalak siyang hindi maganda."

Kumunot ang noo ni Scarlett. "Hmm? Pag-isipan mo nang mabuti. Baka patibong lang ito. Matagal siyang nagtago kaya tiyak na naghanda siya laban sa'yo. Hindi naman nalalayo na may alam na siya tungkol sa'yo, lalo na sa pagpapapanggap mo bilang si Mariposa. Hindi na safe ang alibi mo," paalala pa nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Sige. Gagawa na ako ng paraan para diyan. Gusto kong makasigurado. Magtatanong ako kay Ezekiel ng tungkol dito, malay mo may alam siya."

"I suggest magsuot ka ng bullet proof. O di kaya'y tracking device sa damit mo."

"Okay. Gagawin ko iyan. May naisipan na akong magandang plano," wika niya saka nag-killer smile. May naisip siyang magandang plano. Pero ang tanong mas maganda pa ba ito sa plano ni Regor laban sa kaniya?

Pinaalam na rin niya ito kina Astra at Dindo. Bukas na bukas ay dadating sila.

Nag-ring ang cellphone ni Amore. Si Regor ang tumatawag. Kailangan na nito marinig ang desisyon niyang sumama mag-bakasyon ng tatlong araw.

"Yes, darling. I will go with you. I want to enjoy at the same time I miss you so much." Parang masusuka siyang pinakinggan ang mga sinasabi niya. Kung kay Liam baka mapatalon pa siya sa subrang tuwa.

"Oh, I love it. See you tomorrow. I'll pick up you from your house."

"Sure."

Pinutol na ni Regor ang tawag. Subra siyang nainip.

"No, it can't be. Tomorrow? Oh gad. I'm not prepared," Amore hissed.

Dinukot ulit ang cellphone at tinawagan si Astra. Hindi na sila pwedeng bukas pupunta ng hideout. Dapat ngayon na. Tuso talaga itong si Regor. Inagad-agad niya ang lahat para hindi na siya makapaghanda.

"Astra. Pumunta kayo dito ngayon. Kung hindi puwede na dalawa kayo, si Dindo iwan mo na lang. We need to plan, as soon as possible."

"Okay. Ako na lang ang pupunta. Nasa bahay siya nila sa ngayon. Nasabi ko na rin sa kaniya na mag-ingat dahil nakabalik na si Regor. Okay, see you."

"Okay. Bye!"

Bumuga siya ulit ng hangin. Lumapit si Scarlett sa kaniya. Nag-aalala din ito para bukas. Nasi-sense nito na may hindi magandang mangyayari.

"Okay ka lang ba?"

Tumango siya."Bukas, hindi ka kailangan na sumama sa location. Baka makita ka ni Regor doon. Si Astra ang isasama ko at ang dalawa pang mga kasamahan natin. Sila ang magsisilbing look out ko. If ever. Sana maintindihan mo."

"Pero Amore, mas mabuti na sasama ako."

"Huwag na. Dito ka na lang. Mas safe dito saka kaya ko ang sarili ko."

"Eh, hindi naman kita kayang pabayaan na lang. Baka mapahamak ka? Amore, isama mo na ako. Promise hindi ako lalapit sa inyo. Sa malayo lang ako at babantayan kita. Sige na payagan mo na ako. Please!"

"Scarlett," wika niya saka pinagmasdan ang kaibigan. Nag-mamakaawa siya. "Sige na nga. Basta ipangako mo na sa malayo ka lang. Okay?"

"Salamat. Okay!" Napuno na ng saya ang mukha nito ng pumayag na si Amore. Gusto lang naman niya masigurado na ligtas ito. Nang barilin siya ni Regor ng ilang beses ay buti na lang masuwerte siyang nabuhay kaya hindi na niya kayang makita na ang kaibigan ang malalagay sa panganib ng dahil sa  paghihigante nito. Marami nang nadadamay.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon