Chapter 4: Fishing Together

474 17 0
                                    

MASAYA sina Liam at Tiyo Gusting habang nangingisda. Nakapagpalagayang loob agad ang dalawa. Maganda naman ang kanilang pangingisda. Marami ang kanilang nahuli kaya nagdesisyon na silang umuwi dahil magtatanghali na.

"Ay Toto Liam, Alam mo ang saya ko ngayon. Ang dami nating huli. Ikaw siguro ang swerte, dati wala sa kalahati ang nahuhuli ko pero ngayon subrang dami nito. Tiyak na masaya din si Amie 'pag nakita niya na marami tayong huli."

"Hindi naman po. Tumulong lang ako. Baka hindi ninyo nahatak ng mabuti ang lambat kaya marami ang mga isdang nakakawala."

"Ah. Ganun na nga. Tumatanda na nga ako. Mainam dahil may katulong na ako ngayon. Salamat sa iyo."

"Walang anuman po."

Mabilis na nakadaong ang bangka nina Tiyo Gusting. Nang matanaw sila ni Amore ay agad naman itong lumapit. May dala itong dalawang tuwalya.

Ibinigay niya ang isa sa tiyuhin at ang isa ay pinunas sa mukha ni Liam, subra itong pinawisan. Aba ibang pakulo na naman ni Amore. Hindi naman tumutol ang lalaki at naki-ayon na lang.

"Mahal, napagod ka ba?"

"Okay lang ako Mahal. Heto, marami kaming nahuli tingnan mo oh!"

"Wow, oo nga ang dami," pagsang-ayon niya. "Tiyo Gusting, napagod din ba kayo? Hali na kayo at may inihanda akong masarap na tanghalian. Tiyak na magugustuhan ninyong dalawa."

"Aba, magaling iyan, Amie. Mauna na kayo ng asawa mo. Ibebenta ko muna ang kalahati nito saka iuuwi ko ang kalahati para sa pagtinda mo ng pagkain bukas."

"Sige po, mauna na po kami. Mag-ingat kayo Tiyo."

Napahawak sa braso ni Liam si Amore. Ang sweet nilang tingnan habang magkasama. Pero mas mabuti sana kung totoo at hindi pakitang-tao.

"Am, kailangan mo ba talagang humawak sa braso ko? 'Di yata subra naman ito?" Angil nito.

"Yeah. Kailangan para maniwala lahat ng makakita sa'tin na mga taga-rito. Malay mo may ibang makahalata at paghinalaan tayo. Mabuti na 'to di ba? Huwag ka ngang kumontra, umasta ka na lang na parang totoo ang lahat. Ang ginagawa natin ay tulad sa mga pelikula, 'di ba? Tayong dalawa ang bida kaya umakteng ka na lang nang mabuti para hindi masira ang momentum ng drama," bulong nito.

May makakasalubong silang mga tao. Nakatitig ito lahat sa kanilang dalawa.

"Magandang tanghali po," bati ni Amore sa mga taong makakasalubong nila.

"Magandang tanghali din sayo Amie, asawa mo ba ang kasama mo? Ang guwapo naman," muntik pang mapatili dahil sa paghanga kay Liam.

"Opo, asawa ko, Yam ang pangalan niya," sagot ni Amore saka humawak sa beywang ng lalaki. Inakbayan naman siya ni Liam at nagmukha talaga silang sweet sa isa't-isa.

"Ah. Ganun ba? Bagay talaga kayo Amie. Sige mauna na kami. Bye."

"Sige po," ngumiti lang siya ng napakatamis.

Hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa baywang ni Liam si Amore hanggang sa makarating sa harap ng bahay nila. Naghiwalay lang sila pagkapasok ng bahay.

"Mahal, umupo ka na riyan sa silya at ipaghain kita ng makakain mo. I know gutom ka talaga. Kamusta naman ang pangingisda? I think it's hard. Kung ako sayo bumalik ka na kung saan ka nagmula, tiyak na magaan ang trabaho mo doon," wika nita. "Oh, heto na. Masarap iyan. Ako ang nagluto niyan kaya sana magustuhan mo."

"Amie, halika muna rito," tawag ng ttiyo niya.

"Sandali lang po," tugon niya. "Sige. Kumain ka lang nang mabuti, sasamahan ko na lang mamaya si Tiyo. Mauna ka na."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon