Chapter 35: He's Wise

193 15 0
                                    


NAISIPAN ni Liam  pumunta sa Tinagong isla ngayong umaga para bisitahin ang lugar upang makapag-relax at makapagmuni-muni.

Nagluto siya bago umalis at si Maricar, ang nanay ni Lita, ay nandoon na rin para magbantay ngayon ng carinderia. Hindi na kasi bumalik si Lita sa pagtatrabaho sa kanila dahil naging busy na ito. Magsisimula na ang klase nila kaya ang kaniyang ina na ang pumalit sa kaniya.

Inihabilin na lang niya kina Tiyo Gusting at Aling Maricar na sila na muna ang bahala sa carinderia.

Maaga pa siyang umalis para sa tanghali ay makabalik siya agad. Ginamit niya ang bangka ni Tiyo Gusting dahil simula ng umalis si Amore ay hindi na ito nangingisda muli.

Pagkarating niya sa may pampang ay agad na tumambad sa kaniya ang mga illegal fishers na gumagamit pa ng mga dinamita sa panghuhuli ng isda.

Biglang kumulo ang dugo niya sa kaniyang nakita. Sino nga ba ang nagbigay ng permiso sa mga ito?

Pag-aari na ni Amore ang isla kaya walang sinumang maaaring sumira sa maganda nitong kaanyuan at maging ang mga tahanan ng mga isda.

Likas na maganda ang isla pero kapag pinabayaan at sinisira ay talagang papangit na ang biodiversity rito. Mamamatay rin ang mga maliit na isda at masisira ang mga corals.

Nag-isip siya agad  ng mga plano kung paano niya mapapaalis sa isla ang mga illegal fishers.

Wala na siyang ibang maisip maliban sa kausapin ang mga iyon.

Nilapitan niya ang mga ito at nagulat bigla ang mga illegal fishers.

Sunod ay nagsipag bulungan na parang may binabalak na masama.

"Hoy, anong tinitingin-tingin mo sa amin, ha?" pasigaw na tanong nang isa.

Hindi siya sumagot.

"Hoy, sino ka ba bakit ang sama mong makatingin sa amin,  ha?" sabad ng isa pa.

"Wala naman. Nandito lang naman ako para paalisin kayo rito sa Tinagong isla. Pagmamay-ari ko ito kaya may karapatan akong paalisin kayo rito. Isa pa, illegal ang paraan ng inyong pangingisda. Iyan ay labag sa batas kaya pakiusap umalis na kayo at itigil na ninyo ang mga ginagawa ninyo. Sinisira ninyo ang mga corals at pinapatay ninyo ang mga maliliit na isda," pahayag niya, pinagtawanan lang siya ng mga taong 'yon.

"Aba! Sino ka para sabihin iyan sa amin? Matagal na kaming nangingisda rito at wala ni isang nagpaalis sa amin dito. Oh, sabihin mo man na ikaw ang may-ari ng islang ito ay wala kaming pakialam!" sabad nang mukha yatang lider nila.

"Pakiusap po, umalis na kayo. At huwag na po ninyong balakin na mangisda pa rito dahil tatawag ako ng coast guard para ipahuli ko kayong lahat. Marami akong pera kaya puwede ko kayong ipahanap at ipatimbog kong gugustuhin ko,"seryosong wika ni Liam na nagmumukha ngang totoo sa pandinig ng mga ito.

Kung alam lang ng mga ito na gawa-gawa lang iyon ni Liam para takutin sila ay talagang hindi sila madadala.

Ang ilan sa mga illegal fishers na kasama ng kanilang pinuno ay natakot sa sinabi niya pero ang lider nila ay hindi pa rin nagpapatinag.

"Boss, umalis na tayo. Parang nagsasabi siya ng totoo. Makikita naman natin sa itsura niya na mayaman nga siya at baka totohanin niyang ipakulong niya tayo. Marami pa akong mga anak na papakainin," wika ng isa nitong kasamahan.

"Ayoko! Mga ugok, mga bahag ang buntot! Takot kayo sa iisang lalaki lang? At hindi naman natin siya kilala, hindi ba? At malayong tagarito iyan sa isla," galit na sigaw nito sa kasamahan niya.

"Talagang ayaw ninyong maniwala? Sige, magsisisi kayo sa pagiging matigas ng inyong mga ulo,"sagot ni Liam, kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya. Nagpanggap siyang may tinawagan.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon