Chapter 23: Something fishy -2257

235 14 0
                                    

"TUMAYO ka na diyan at may gagawin tayo ngayon. Importante ito para sa iyong kaligtasan. Dali na," utos ni Astra kay Dindo.

"Bakit? Anong gagawin natin?" tanong niya na may halong pag-aalinlangan.

"Basta. Sumunod ka na lang. Malalaman mo mamaya," seryosong tugon nito sa lalaki. Di na niya nakuhang komontra dahil astig ito, baka mabanat ang buto niya mula sa paghatak nito sa kanya.

Nakarating na sila sa sinasabi ni Astra na kanilang pupuntahan. Isang malapad na open field ang bumungad sa paningin ni Dindo. Sa may di-kalayuan naman ay may mga gym na mainam  pagpraktisan ng mga martial arts, may firing area at iba pang practice area sa kung anong nais mong sanayin. Dito nagsasanay ang lahat ng mga miyembro ng OMARE CORPs.

"Anong gagawin natin dito? Huwag mong sabihin na papanuorin kitang mag-eensayo? Siguro, hindi mo naman kailangang  mag-practice pa dahil magaling ka naman, Astra. I think I gonna go," pahayag ni Dindo na hindi man lang kakitaan ng curiosity.

"What? Anong ako? Ikaw ang mag-eensayo ngayon. I will teach you. Mas mabuti nang may kasanayan ka sa paggamit ng baril, at may kasanayan sa iba't-ibang klase ng martial arts. Mas mainam na kahit papaano ay may kakayahan kang ipaglaban ang sarili sa mga taong gustong manakit sayo," seryosong tugon naman ni Astra sa kanya.

"Eh, hindi ko  nga gusto. Mahirap kaya iyon at baka ikamatay ko pa iyon. Bumalik na lang tayo sa hideout ninyo. Mas safe na doon na lang ako," wika niya na puno ng pagtatanggi.

"Dindo, ang engot mo! Huwag kang matakot para kang bakla. Bakit hanggang ba ngayon nagtatago ka pa rin ba sa saya ng nanay mo? Di ba doctor ka na? Sa dinami-rami na nang taong ginamot mo, di ba wala kang takot na ginamot sila kahit nag-aagaw buhay pa, di ba? Think about it. I'll give you five minutes to think about this. Tatanggapin ko ang magiging pasya mo at sana huwag mong pagsisihan ang lahat,"sarkastikong sagot ni Astra.

"What? So ano naman ang paki-alam mo? Okay, I'll think about it first," walang ganang tugon niya sa sinabi ng babae. Nagkibit balikat na lang siya.

Iniwan muna siya ni Astra habang nag-iisip. Umalis muna ito at kumuha ng dalawang baril at saka mineral water. Hindi niya siguradong makukumbinsi si Dindo pero susubukan niya gaya ng ipinangako niya kay Scarlett na tuturuan niya ng self-defense o maging paghawak ng baril ang lalaki.

"Sana pumayag ka na lang Dindo para naman ito sa kapakanan mo. Tsk! Bakit pa kasi ako inutusan ni Scarlett na turuan siya,ang tigas pa naman ng ulo ng doctor na iyon. Nakakainis! Babalik na nga ako. Tapos na ang five minutes na binigay ko sa kanya," usal niya.

Bumalik na si Astra sa kinaroronan ni Dindo. Nakaupo na ang lalaki sa isang gilid at parang wala naman sa aura nito na pumapayag nang turuan siya ni Astra.

"Are you ready? Pumayag ka na bang turuan kita?" tanong ni Astra na nasa harapan ni Dindo.

"Okay. Pero huwag mo akong pagalitan o biglain man lang. Ito ang unang subok ko na malaman ang iba't-ibang klase ng martial arts. Ayaw kong mabalian ako ng mga buto. Medyo okay lang ang firing dahil minsan na akong tinuruan ng bestfriend ko," kinakabahang wika ni Dindo. Talagang conscious pa siya sa sarili niya.

Natawa si Astra sa inasta nito, ang laking tao takot mabaliang buto. Sa palagay niya nagji-gym naman ito. "Just relax man, hindi ka naman mamatay kapag mabalian ka nang buto. I will going to teach you gently, okay? Magtiwala ka lang sa'kin,"  natatawa pa ring pahayag ni Astra.

"Here, kunin mo ang isang baril na hawak ko. Firing ang uunahin natin dahil ang sabi mo nakaranas ka naman dahil tinuruan ka na dati ng kaibigan mo. Kaunti na lang ang ituturo ko sa'yo," sunod pa nitong wika.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon