Chapter 19: News-2085

231 16 0
                                    


ISANG breaking news ang gumimbal sa buong Pilipinas.Kilalang notorious groups ng mga sindikato ang walang awang tinambangan at pinatay. Ginilitan ng leeg ang mga ito nang mga sinasabing grupo ng mga kababaihan ayun sa mga nakasaksi.Ang pangyayaring ito ay may hawig sa EJK na ang mga user, pusher at protector lang druga ang kanilang target.Well, hindi naman masyadong big deal sa lahat ng mga ganitong balita, it's a day to day news na mababasa sa dyaryo at marinig sa TV at radyo. Kailan pa ba kasi hihinto ang mga ganito-ay hindi na pala, mas palala nang palala ang sitwasyon.

Kahit isa itong masamang balita ay may pakinabang din sa lipunan dahil ang mga namamatay ay mga salot naman sa ating lipunan. Not a grief pero kawawa ang mga naiiwan nilang mahal sa buhay na umaasa sa kanila. Marami na namang mga kabataan ang mawawalan mga ama, which is hindi nila inisip bago sila sumuong sa ganitong illegal na trabaho.

Hindi rin naman maganda ang naidudulot ng paggamit at pagbibenta ng ipinagbabawal na gamot. Maraming mga kabataan ang mga gumagamit nito at napapariwara sa kanilang buhay. Nawawala ang kanilang future at nakukuha na ring masangkot sa ibat-ibang krimen.

Ang mga grupo ng mga kababaihan ay hindi pa hanggang sa ngayon natutukoy ng mga pulisya kung ano ang mga motibo ng mga iyon, kung bakit sila umaatake at pumapaslang ng mga sindakatong grupo. Kung ano man ang kanilang hangarin, natutuwa naman ang ibang kapulisan dahil napapagaan ang kanilang trabaho.

Iniimbestigahan na rin sa ngayon kung bakit sila pinatay ng grupo ng mga kababaihan. Hindi pa tiyak kung sa personal na alitan ba iyon o mga grupo sila ng mga hindi nagpapakikilalang miyembro ng mga terorista or mga grupo ng NBI na hindi nagpapakilala.

Nahagis ni Regor ang hawak niyang remote control ng TV, basag itong tumilapon sa sahig. Biglang tumaas ang dugo niya matapos mapanuod sa TV ang brutal na pagkapaslang ng kanyang mga tauhan. Hindi niya ito matanggap, wala siyang paki-alam sa mga tauhan niya pero ang mga negosyo niya ang nadadamay kaya siya nagagalit. Parang kailan lang nasa peak of success siya dahil siya ang nangungunang drug lord sa buong bansa pero ngayon may mga kumakalaban sa kanya at hinihila siya pababa. Maraming pera ang mawawala sa kanya, he can't afford to lose it.

Galit na galit din siya dahil malaking halaga ng druga ang nakumpiska ng mga awtoridad. Nagkakahalaga iyon ng isang bilyong piso kung tuluyang naipuslit. It's a big amount of money pero naging bato pa.

"Sino ba talaga ang mga kumakalaban sa akin? Humanda kayo dahil hindi ko kayo mapapatawad sa oras na mahuli ko kayo. Magababayad kayo at pagsisihan ninyo na binabangga ninyo ako," galit na galit na naman si Regor na halos umapoy ang mga mata niya. His brown eyes turns into dark, umiigting ang mga panga at nanginginig siya sa galit.

Sino nga ba ang kumakalaban sa kanya?

Bakit, bawal ba? Deserve niya iyan, demonyo siya, at walang awa. Di naman habambuhay siya ang may hawak ng lahat.

Ipinatawag niya lahat ng kanyang mga tauhan at inutusan na magmanman at mag-imbestiga laban sa mga grupo ng mga kababaihan na kumukontra sa kanya. Kailangan niyang maunahan ang mga ito sa susunod nilang plano.

"Gawin ninyo ng maayos ang mga pinapagawa ko, at kung hindi. Alam niyo na ang mangyayari. Understood?" Lumabas na ang mga tauhan niya pagkatapos. Nanatili siyang naka-upo sa kanyang trono. Nagmuni-muni saka napapamura ulit.

Kapag patuloy ang pinsala nilang magagawa sa negosyo niya ay ikakahina nito ng salapi niya. Baka kung hindi druga ang pagtuonan niya,lumipat na naman siya sa mga child trafficking o iba pa.

Parang mga kabuting sumusulpot lang kung saan ang grupo ng mga kababaihan. Kinakalaban talaga ng mga ito illegal niyang negosyo.At gusto siyang pabagsakin at lumuhod sa kanila. Iyan ang ayaw mangyari ni Regor. Ang tulad niya ay walang kinatatakutan at walang inuurungan.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon