Chapter 1: Hunting the Target

1.5K 41 0
                                    


IKINASA ni Amore ang kanyang hawak na baril at itinuon sa ibong naroroon sa sanga. Ipinutok niya ito at sapul ang ibon. Bumulusok ito sa di- kalayuan kaya hinanap niya ito kaagad kung saan ito lumagpak.

Hindi niya agad nahanap ang ibon ngunit bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita sa may ilalim ng puno. Hindi ito ibon kundi tao. Agad niya itong nilapitan at pinulsuhan kung buhay pa ang lalaking nakahandusay sa lupa at sugatan. Nilingon-lingon niya muna ang paligid kung may mga taong naroroon. At nang mapagtantong wala ay dali-dali niyang inalalayan at dinala sa kanyang bahay ang lalaki.

Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaki. Namumutla ito dahil siguro sa mga sugat niyang natamo at sa matinding gutom na dinanas nito kaya ito nawalan ng malay.

Nakaramdam naman ng matinding awa si Amore sa kalagayan ng lalaki kaya agad nitong tinawagan ang kaibigang doctor para mabigyan agad ng karampatang lunas ang lalaki.

"Dindo, pumunta ka rito sa bahay ngayon din, may ipapatrabaho ako sayo," aniya. "Bilisan mo ha," utos niya sa kaibigan.

"Sure, " tipid na sagot nito. "I am now here, Amore," nakangising wika ni Dindo habang naglalakad patungo sa kanya. Papunta na pala ito sa bahay ni Amore at timing nang tawagan niya ang kaibigan.

"Wow, pa-paanong nandito ka na? Nagteleport ka ba? Ha?" hindi makapaniwalang tanong ni Amore sa kaibigan. "Pasok ka, may ipapagawa ako sayo."

Pinapasok niya ito kaagad at iginiya papunta sa kuwarto na pinaglagyan niya sa lalaki.

Nasa labas pa sila ng pinto nang magtanong ito sa kanya. "Ano ba yan?"tanong nito sa kanya na puno ng pagtataka sa mukha nito. "Magpapagamot ka ba? Eh, magaling ka naman ah?"takang tanong ulit nito sa kanya.

Sandali pa at binuksan na niya ang pintuan ng kuwarto. "Hindi ako, siya..." sagot niya saka itinuro ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama. "Sige na gamutin mo na siya, maghihintay lang ako sa labas,"sabi niya saka umakma nang lalabas ng magsalita ang kaibigan niya.

"Okay. Just prepare fifty thousand pesos, nangangailangan ako ngayon ng pera," walang prenong sabi nito. Akala nito kung may ipinatagong pera sa kanya.

"Sure, I'll double it. Make it sure na mabubuhay ang lalaking iyan," seryosong sagot ni Amore saka tuluyan ng lumabas ng pintuan.

Sa veranda nagtungo si Amore at pagkarating niya roon agad namang tumunog ang cellphone niya. Tinugon niya ang tawag kahit wala siyang gana na sagutin dahil si Regor lang naman ang tumatawag sa kaniya. The most devil man whom she considered in her life, the man who caused her life miserable.

"Hello Regor! Anong kailangan mo?" sarkastikong tanong niya sa kausap. "Wala ako sa mood para makipag-usap sa'yo kung pagpatay na naman ang iuutos mo sa'kin, sawa na ako riyan,"sunod niyang sabi. Nag-ikot pa siya ng mga mata sa sobrang inis.

"No, it's not about killing someone. May ipapahanap lang ako sa'yo. Just open your messenger. I'll send the picture to you,"anito.

"Okay. I'll receive it already. I'll open it later. Bye," wika niya pagkatapos na ma-recieved iyon.

Hindi niya muna tinignan dahil wala siyang paki-alam doon. Ayaw na niyang pumatay or shall I say magpatakas muli ng mga inosenteng pinapapatay ng demonyong 'to.

Amore took a deep breath to calm her anger. She almost hang up the call when Regor interfere.

"Wait, don't end the call, find that man, okay?"sabi nito kanya.

"Bakit? Magkano ang presyo nito?"sarkastikong tanong ulit niya sa kausap.

Malutong na mura ang pinakawalan nito bago magsalita.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon