Chapter 13: Feelings2039

294 18 0
                                    


MAAGANG umalis si Tiyo Gusting, pupunta ito sa bayan para bumili ng bagong lambat at mga groceries. Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya si Lita, ang anak ng kanilang kapitbahay na gustong pumunta ng Maynila.

Maganda itong dalagita kaya ayaw talaga pahintulutan ng mga magulang  na umalis ng isla o maging Cebu.

Alam naman natin na maraming may masasama ang loob ang pasimpleng umaaligid sa Maynila, hindi ka nakaka-alam kung sino ang mga mababait at mapagkatiwalaang tao.

Ayaw nilang may masamang mangyari sa anak nila.  Ayaw nilang matulad ang anak nila sa mga Taga-isla na pumunta sa Maynila para makipagsapalaran at bumalik na may anak na o kaya't hindi na bumalik at napabalitang patay na.

Hindi masama ang pagiging adventurous pero dapat na sa tamang paraan at may kaakibat na pag-iingat. Iyan ang mas priority ng mga magulang niya.

Okay lang na maghirap sila sa Isla basta nakikita nila ang anak na ligtas sa anumang panganib.

"Neng, asa na pud ka mo adto?" bati ni Tiyo Gusting kay Lita.

"Ah, paduol 'sa ko sa inyuha Tiyo Gusting. Na-a lang ba didto si Ate Amie?" masayang sagot nito. Bisaya kasi sila kaya ito ang nakagawian nilang gamit na dialect kapag nag-uusap. Marunong naman magtagalog dahil nakapag-aral siya ng high school.

(Beware na lang sa hindi nakaka-intindi. Huwag mo nang intindihin, kunti lang naman iyan. Lol!)

"Nandoon lang siya sa bahay at nagbabantay ng karenderya. Sige, adto lang didto. Mu sugod nakag trabaho sa karenderya, Lita?" tanong pa nito.

"Opo. Pwede na ba jud dayon?" nakangiting tugon nito. Gusto talaga ng dalagita na may part-time job siya dahil hindi pa naman pasukan.

"Sos, pwede kaayo. Sige, punta ka lang doon, aalis muna ako papuntang bayan. Mamimili ako ng mga kakailanganin ko sa pangingisda at mga groceries. Sige mauna na ako sa'yo," paalam nito saka dali-dali nang umalis palayo.

Ngumiti at kumaway si Lita saka tinunton na ang daan papunta sa bahay nina Amore.

Kinakabahan pa rin siya kahit matagal na niyang kakilala si Amore. Ganun talaga siya praning din minsan, madalas nininerbyos. Hawak-hawak niya ang dibdib, dahil sa kaba.

Kumuha muna siya ng buwelo saka  nagsimulang kumatok sa bahay nina Amore. Wala ito sa may karenderya nila. Hiwalay kasi ang karenderya nila sa bahay kaya baka nasa loob ito.

"Tao po. Ate Amie naa ka ba dinha sa sulod?" tawag niya.

Narinig naman siya kaagad ni Amore. "Ay, teka lang nandito ako sa loob. Sandali," sagot nito.

Agad naman na lumabas si Amore mula sa loob.

"Ay, Lita ikaw pala. Halika, tuloy ka. Magsisimula ka na bang magtrabaho ngayon?"

Inosente itong ngumiti. "Pwede naman po Ate Amie."

"Okay, pwede naman ngayon o bukas pwede na lang din at agahan mo na dahil marami ang customers kong umaga at tanghali. Halika," niyaya siya nito sa loob ng bahay.

"Huwag na po. Dito na lang ako sa karenderya ninyo. Nahihiya po ako Ate Amie," mahiyain talaga itong dalagita.

"Hmmm. Bakit naman? Ako lang naman at si Kuya mo Yam ang nandito. Mabait din iyon kaya huwag kang mahihiya. Kumain ka na ba?"

"Opo. Tapos na. Eh, pwede po bang bukas na lang ako ng umaga magsisimula kasi kung ngayon Ate parang hindi pa ako handa. Medyo wala pa ako sa kundisyon," malumanay nitong sabi saka ngumiti.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon