Chapter 32: Asking for Forgiveness

207 12 0
                                    

PINUNTAHAN ni Amore si Dindo sa silid nito. Hindi pa rin ito nakakauwi sa pamilya niya dahil may iilan pang mga hindi pa gumagaling sa mga nasugatan na mga kasamahan ni Astra.

Na miss niya ang kaibigan niya. Almost 3 months na hindi sila nagkita kaya miss na miss na niya ito.

Pagkarating niya sa tapat ng pinto ng kuwarto nito ay tumigil muna siya saglit at saka kumatok.

Nakangiti na siya kahit hindi pa siya nito pinagbubuksan.

Nakita niyang bumakas na ang pinto.

"Anong---", putol na wika ni Dindo. Akala siguro niya si Astra ang kumatok.

"Hi, kamusta ka na? Long time no see my friend", nakangiting wika ni Amore.

Ngumiti naman pabalik si Dindo pero parang nahihiya ito.

"Hey, what's up! Anong nangyari sayo bakit parang iiyak ka na yata", pagbibiro nito sa lalaki. "I miss you so much Dindo", sunod nitong sabi saka niyakap ang kaibigan niya.

"Ah... Okay lang ako. Hindi ako napahamak dahil nandito ako sa hideout ninyo", sagot nito habang niyakap pabalik ang babae.

Bumitaw naman agad si Amore saka pumasok na nang diretso sa loob ng kuwarto nito saka umupo sa kama niya.

"So, mabuti dahil maayos ang kalagayan mo. By the way bakit ka pala nila dinala sa hideout? Hindi kasi nila sinabi sakin kung bakit pero kahit papaano masaya ako dahil nasa mabuting kalagayan ka Dindo"

"Ang totoo kasi Amore eh, a---ako ang totoong may kasalanan kung bakit muntik ka nang mapahamak kay Regor", naluluha nitong sabi.

Nagtataka naman si Amore at hindi siya nito naiintindihan.

"What do you mean? Anong ikaw ang may kasalanan?", Kuryusong tanong nito sa kanya.

"Kasi a---ko ang nagsabi kina Regor ng tungkol sa lalaking tinulungan mo. Pe---pero Amore maniwala ka hindi ko gusto na gawin iyon, pinilit lang nila ako. Kaya natakot ako at sinabi ko na lang ang totoo sa kanila. Parang gusto ko ring patayin ang sarili ko noon eh, pero naisip kong hindi iyon tama"

Napangisi naman si Amore sa mga sinabi ni Dindo. Hindi ito nagagalit.

Naghinala na siya na si Dindo ang pimagtanungan nina Regor.

Nagpapasalamat pa nga ito dahil iyon na ang araw na hinihintay niyang maging magkaaway sila ni Regor para masimulan na niya ang binabalak na paghihigante.

"Eh, Hindi ka nagagalit sakin? Bakit ka tumatawa diyan?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Kasi pinahamak kita eh. Sorry!"

"Don't say sorry. I'm fine and forget about it."

Napangiti na rin si Dindo ng kaunti.

"Huwag kang engot. May nahahalata na ako sayo ah, dati hindi ka naman ganito. Noon kapag may kasalan ka sakin never ka naghingi ng sorry pero ngayon in fairness humingi ka nang sorry? Anong nakain mo ha?", Pagbibiro ni Amore sa kay Dindo. Gusto niyang patawanin ang lalaki dahil napakaseryoso ng mukha nito.

"Aba, siyempre buhay mo na kaya ang muntik mapahamak kaya pasan ko sa konsensya ko. Hindi pa naman ako makatulog ng husto dahil doon tapos di ka lang naman pala magagalit."

"Tama na iyan. Kalimutan mo na iyon. Mag move on ka na. Ah, isa pa pala. Gawan mo ako ulit ng bagong prosthetics. Iyong maganda ako ha. Na kapag ipakita ko kay Regor eh ang mukha na iyan ay hahabul-habulin niya ako", nakangising wika ni Amore.

"What? Talagang itutudo mo na ang paghihigante mo sa pamamagitan ng pagpapanggap? Amore naman, baka mapahamak ka ulit sa oras na mabibisto ka niya. Kilala mo siya tuso siyang tao hindi ba?", Sagot nito na puno ng pag-aalala.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon