Chapter 6: Together in the Island

396 17 0
                                    


NAGING maganda ang unang pagsasama nina Amore at Liam sa isla. Nawala na ang galit ni Amore sa lalaki ng sabayan siya nito sa paglangoy at paliligo.

"Am, siya nga pala hindi ka pa ba nagugutom? Malalim na ang gabi. Siguro kailangan na nating umahon mula rito at kumain na. Mas lumalamig na ang tubig at baka mapulikat ka sa matagal na pagbababad. Umahon na tayo," yaya ni Liam sa kanya.Nakaramdam na siya ng matinding gutom.

"Okay. Namamanhid na nga ang mga paa ko. Sige. Magsisiga agad tayo ng apoy para mawala ang panlalamig natin," sagot nito.

Umahon sila at nanguha ng mga tuyong kahoy sa paligid.

"Sige na. Ako na ang magsisiga. Mayroon naman akong dalang lighter kaya mabilis lang ito. Magbihis ka na muna at susunod na ako. Ang ginaw na lalo dahil sa hangin. Sige na."

"Okay,thank you," lihim siyang napahanga dahil sa concerns nito sa kanya. Malamig ang simoy ng hangin sa kinaroroonan nila kaya marapat na magbihis na siya.

Agad na tumalima si Amore at pumasok na sa kanyang tent. Nagbihis at nilabhan ang kanyang mga basang damit.

Nakasuot siya ng blouse at short. Ito lang ang tanging dala niyang damit kaya wala na siyang magagawa pa kahit na lamigin siya. Nakalimutan niya kasing magdala ng jacket. Masyado siyang na excite kanina.

Binalikan niya si Liam at siya naman ang pinagpapalit niya ng damit, tapos na itong magsiga.

"Liam, magbihis ka na rin. Ako na ang maghahanda ng pagkain. Iihawain ko itong dinala kong karne ng baboy saka marami naman akong dalang ulam. Kaya ako na ang bahala rito. Bumalik ka na lang agad para makakain na tayo."

"Sige," tipid nitong sagot saka tumalikod na.

Nadismaya siya ng hindi man lang siya nagawang tingnan ng lalaki, ang sexy kaya niya sa suot niya.

Kaagad naman itong bumalik at umupo sa tabi niya.

Napangiti si Amore ng hindi niya inaasahan. "Liam? Ano ba ang pumasok sa utak mo at nito lang ang bait mo na sa'kin at sinusunod mo na lahat ng mga utos at gusto ko?" usal niya.

Napailing na lang siya bigla. Parang baliw na naman siyang nag-iisip ng mga bagay tungkol kay Liam.

"Hay naku! Amore stop it. Mas mabuti pang isipin mo ang mga plano mo laban kay Regor," kastigo niya sa sarili niya.

"Hey, may iniisip ka ba? Malayo ang tingin mo at parang litaw ang utak mo!" puna ni Liam na kanina pa pala nakatingin sa kanya.

Hindi niya napansin dahil talaga namang lumilitaw ang isip niya. Kanina pa siya nito tinititigan.

"Ah... Wala naman. Oh, heto kain na tayo," mabilis niyang sagot ng makabalik sa katinuan ang utak niya.

"Thanks. By the way, tuloy na ba ang plano mo after three months? Babalik ka na sa Maynila? Papaano na ako rito?" tanong nito, parang lumamlam ang mga mata nito.

"Oo, itutuloy ko," sagot niya. "Oy, anong paano ka? 'Di ba sabi ko dito ka na lang at bantayan mo si Tiyo Gusting. Wala ka namang mapapala kung sasama ka sa akin sa Maynila. Mapapahamak ka lang doon."

"At bakit naman? Si Kuya Regor ba ang kinatatakutan mo?"

"Hindi ako takot sa kanya. Baka ikaw."

"Ako? Hindi ako natatakot sa kanya. Minsan ko na siyang natalo noong kabataan namin. Pero siyempre hindi pa siya ganyan ka sama kagaya ngayon. Ewan ko kung anong pumasok sa utak niya bakit niya ito ginagawa."

"Kasi sakim siya. Kung talagang mapapatunayan kong siya talaga ang pumatay sa Daddy ko tiyak na papatayin ko rin siya. Kung buhay ang inutang buhay din ang kabayaran," wika niya saka ngumiti ng napaka-sarkastiko si Amore.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon