Chapter 43: Bodyguard

201 13 0
                                    

MAS naunang nagising si Astra at naghanda ng sarili dahil unang araw ng trabaho niya bilang bodyguard ng lalaki.

Samantalang si Dindo naman ang naatasang  magluto ng kanilang almusal dahil hindi nagluto si Astra. Sanay na rin kasi itong hindi nag-almusal.

Kumain muna sila bago aalis. Ito iyong pangalawang pagkakataon na sila ay  kumain ng magkasama.

Pagkatapos nilang kumain ay nagsipaghanda na silang dalawa para maaga pang makapasok sa trabaho niya si Dindo.

"Saan ako sasakay, Ash? Sa motor mo pa rin ba? Or shall I buy a new car for you?"

"What? Siyempre sa motor ko. Bakit marami ka bang pera na bibili ka pa ng bagong sasakyan? Huwag na. Kung ayaw mo edi huwag."

"Oops, ito naman hindi mabiro okay sasakay na ako sa motor mo. Sige na aalis na tayo."

Napailing  lang si Astra at pinaandar na ang motor niya. Umangkas naman si Dindo.

"Saan ang hospital na pinagtatrabahuhan mo?"

Ibinulong lang ni Dindo sa kanya at alam na niya ito agad. "Okay, I'll drove you there." 

Nakarating na sila sa harap ng hospital. 

"So, aalis na ba ako?" pamaang na tanong ni Astra sa lalaki.

"Ano? Huwag kang umalis, body guard kita kaya dapat nasa tabi kita palagi. Malay mo makapasok sa loob ng hospital ang mga tauhan ni Regor!"

"Tse, ang engot. Okay. Mauna ka na at ipaparada ko pa ang motor ko sa parking lot doon sa likod!"

"Sige. Room 212 ang office ko. I'll wait you there. Bilisan mo ha. That's an order, okay?"

Nayayamot na si Astra sa ka-echosan ng lalaki kaya inirapan na lang niya ito bago iwan. 

May nakakita pala sa pagdating nila at agad na nagtanong kay Dindo kung sino ang kasama nito. Isa itong nurse na kasamahan niya.

"Good morning doc, sino ba ang kasama mo? Siya na ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid?"

"Ah, iyon? Hindi. Bodyguard ko siya!"

"Huh? Bodyguard? Weeh, nagbibiro ka siguro doc. Pa-paanong bodyguard mo ay babae? Sana kukuha ka ng lalaking body guard para mabantayan ka ng husto."

"Don't underestimate her, magaling siya sa lahat. Be friends with her, okay?"

"Okay doc. Pero para sa'kin mas maganda siya kompara kay ma'am Britney in her own way."

"Oops, huwag mong isama ang girlfriend ko sa usapan. Mahal ko iyon at hindi ko siya kayang lokohin."

"Siyempre alam ko po yun. Matagal na ang relasyon niyo at LDR pa pero na-i-manage niyo nang mabuti. Sige doc, Mauna na po ako."

"Sige. Bye."

Pumasok na rin si Dindo sa opisina nito. 

Naiparada na din ni Astra ang motor niya. 

Nagtext ang kapatid niya at nangangamusta kaya nireplayan niya muna bago pumasok ng hospital. 

Hinanap niya ang room 212 at nainip siya dahil medyo matagal niyang nahanap. 

Almost half an hour din ang paghahanap niya. Nayayamot siyang kumatok sa pintuan nito. 

Binuksan naman agad ni Dindo ang pinto. 

"Bakit ang tagal mo? Saan ka pa ba pumunta? Huh?"

"Oh, galit ka ba? Ako nga ang dapat na magalit. Natagalan ako sa kakahanap ng room na ito. Okay na ba?" sagot ni Astra sa lalaki saka pasalampak na umupo sa swivel chair na nasa harap ng mesa nito.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon