Chapter 11: A nightmare

305 15 0
                                    


KASALUKUYANG binabagtas ni Liam ang isang masukal na daan.

Nagpalinga-linga siya kung mayroong ibang tao ang nandoroon bukod sa kanya. Wala siyang nakita kaya kahit kinilabutan siya ay patuloy niya itong tinunton.

Wala naman siyang ibang pwedeng daraanan kaya wala na siyang choice kundi ang tahakin ang ganitong daan.

Habang patuloy niyang binabagtas ang daan ay may narinig siyang ingay at kaluskos. Mga ilang saglit ay may narinig ulit siyang mga yabag at mga boses ng mga lalaki. Nagpasya siyang magtago at magmanman sa paligid.

Mula sa pinagtataguan niyang puno ay nasaksihan niya ang isang kalunos-lunos na krimen.

Isang lalaking nasa kuwarenta ang edad ang pinagtutulungan bugbuhin ng tatlong armadong lalaki pero parang nagmamatigas pa rin ang lalaki kaya nung huli ay walang awang pinagbabaril ng sa tantya niya isang lider ng mga kalalakihan.

Tila natutop ang kanyang dila ng mga sandaling iyon, parang masisiraan na siya ng bait dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi niya inasahan ganun ang makikita niya. Bakit? Paano siya napunta sa ganuong lugar?

Pagkaalis ng tatlong kalalakihan ay kaagad niyang nilapitan ang lalaki.

Akala niya patay na ito pero bigla siyang hinawakan nito sa kanyang kamay. Namutla siya sa subrang kaba.

May pilit itong iniaabot sa kanya na isang kulay pula na maliit na sisidlan. Ano kaya ang laman? Bakit nito binibigay sa kanya?

"I-ibigay mo 'to sa anak ko. M-maawa ka, pakibigay nito sa kanya. Isa itong mahalagang bagay. Paki-usap," naghihingalong wika nito.

Hindi niya alam ang gagawin, labis siyang naawa sa sinapit nito pero wala siyang magawa. Di niya ito kayang buhatin.Wala siyang lakas.

"I...ipangako mo sa akin na ibigay mo ito sa kanya at aalagaan mo ang anak ko. Mamamatay akong masaya," huling wika nito saka nilagutan ng buhay.

"Huwag kayong mamamatay, paki-usap," wika niya saka niyugyog ang katawan ng lalaki pero hindi na ito sumagot. Patay na ito.

Napatakbo si Liam sa subrang takot.. Baka bumalik ang mga killer at makita siya.Ayaw niyang madamay o mamatay.

At sa di kalayuan ay may batang babae siyang nakita na umiiyak. Malabo ang mukha nito, ang tanging malinaw lang ay ang paghikbi nito.

Nagtago ulit siya sa mga malalaking puno ng kahoy. Lulan sa pinagtataguan ay may nakikita siyang paparating.

Natakot siya ng makitang may mga nakamaskarang tao ang papalapit sa batang babae kaya tumakbo siya papalayo hanggang sa hindi na niya matanaw ang batang babae.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon