Chapter 14: pain 2284

294 18 0
                                    


NAIINIP na si Amore sa katatawag ng numero ni Scarlett,pero hindi pa rin ito sumasagot.  Natanggap na niya ang reply nito kaya tinawagan niya ang kaibigan ayun sa sinabi nito sa kanya.

Dahil sa kawalan ng signal sa isla kaya ngayon lang niya natanggap ang text message mula kay Scarlett.

Nakadalampung beses na siyang mag-dial pero wala pa ring sumasagot. Nag-ri-ring lang ito. Kinakabahan na siya at baka may nangyari nang masama sa kaibigan niya. Hindi ito typical na tao na hahayan na lang ang cellphone nito na mag-ring at hindi sinasagot.

Dala-dala nito palagi ang cellphone na may access siya kaya bakit nagkakaganito. Naalala niya ang masamang panaginip tungkol kay Scarlett. Huwag naman mangyari ang kinatatakutan niya.

"Scarlett please, answer your phone. I'm just worried about you. Scarlett please," usal niya habang napapaluha na. Mahal niya itong kaibigan niya dahil tinuturing na niya itong kapatid kagaya sa pagtrato niya kay Dindo.

Nakita siya ni Liam kaya pumunta ito sa kinaroronan niya. Si Lita na muna ang nagbantay sa karenderya nila. Mabuti na lang at nandiyan si Lita kaya hindi na sila masyadong nahihirapan sa mga gawain.

Napa-upo at tayo na siya. Paulit-ulit pa rin niyang tinatawagan ang numero ni Scarlett. Hindi siya titigil hanggang hindi ito sumasagot sa tawag niya.

Ito lang ang inaasahan niyang makakatulong sa kanya para maisakatuparan ang plano niyang pagpapabagsak kay Regor.

Si Dindo hindi na rin niya nakontak ulit. At ayaw na naman niyang masangkot ang kaibigan sa gulong pinasok niya.

"Am, kamusta na? Nakontak mo na ba ang kaibigan mo?" agad nitong tanong.

"May nangyari bang masama, Amore sagutin mo ako. Hoy!" sunod pa nitong tanong ng mapansin na tumutulo na ang mga luha nito.

"Liam, hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Tumutunog lang sa kabilang linya pero ang dami ko nang dialed calls pero wala ni isang sagot. I'm just worried about her baka may masama nang nangyari sa kanya." Umiiyak na siya sa pag-aalala. Matapang siyang tao pero umiiyak din siya kapag mahalagang tao na ang naiipit dahil sa paghihigante niya.

"Huwag naman sana. Halika  na umuwi na tayo, ang init na dito sa kinatatayuan mo. Sige ka, baka umitiim ka na niyan, di ka na magkaka-boyfriend o di kaya'y di kana makikilala ni Lysander pagbalik niya."
Pilit siya nitong pinapatawa at pinapalis ang kaba at pag-aalala nito sa kaibigan niya.

Hindi siya sumagot sa kung anu-anong pinagsasabi ni Liam, gusto lang niyang umiyak.

"Ipagpaliban mo muna ang pagtawag sa kanya, baka busy lang iyon at naiwan ang  kanyang cellphone sa bahay niya."

"Liam,"  sambit niya saka niyakap ang lalaki.  Nagtatangis na talaga siya.

Nabigla man si Liam sa ginawa niya pero pagkakataon nga naman ay sumasang-ayon. Matagal na  siya  nitong gustong yakapin. Pinakalma niya si Amore at tinapik-tapik sa likod.

Mas subra siyang nasaktan dahil sa nakikita niyang kalungkutan ni Amore. Akala niya astig ito at hindi iyakin pero madamdamin din pala.

"Sige na, tahan na. Lalaki mamaya iyang mga eyebags mo. Magmumukha kang zombie niyan, sige ka. At baka makita iyan ni Tiyo Gusting tiyak na papagalitan talaga ako noon. Tahan na aking Mahal, tahan na," pabirong wika nito pero may pag-aalala.

"Liam,nagbiro ka pa. Gusto ko lang naman umiyak. Kung anu-ano na pinagsasabi mo.Minsan ang ingot mo!" sagot sa kanya ni Amore habang nakatawa.

"Maganda pa rin naman ako kahit malalaki ang mga eyebags ko. Di joke lang. Liam, thank you pala sa pag-comfort sa akin. Ang sarap mo palang yakapin ,ano?" Birong-totoo niya sa lakaki. Napapangiti na siya sa wakas.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon