Chapter 45: Doing fine

158 12 0
                                    

MATAPOS  magtapat ni Liam  sa matanda ay tila nakaramdam na siya ng pagkailang. Naisipan niyang sundan si Amore sa Maynila pero alam niyang magagalit lang ito sa kaniya.

Sumagi sa isip niya na mas mabuti na kung sa America siya tumungo. 

Marami siyang naiwan doon at pati na ang mga pera niya. 

Mas mainam na doon siya pumunta at magpalakas. Hindi man para maghiganti sa mga kasalanang ginawa ng kapatid niya kundi ang maging handa para matulungan ang nobya sa mga plano nito.

Kasalukuyan siyang nagliligpit ng kaunting gamit na bigay sa kaniya ni Amore. Ang mga gamit na labis niyang pinapahalagahan. Kahit kaunti lang ito ang importante galing sa taong mahal niya. 

Marahan niyang isinilid ang mga gamit sa kaniyang bag pero hindi niya maiwasan na malungkot at makuhang maalala ang mga masasayang araw na kapiling niya si Amore. He misses her so much even a single moment he made to  adore Amore secretly. He's deeply in love with her but he can't do what he supposed to do. He wants to protect his queen but in what way that can't compromise Amore's safety? Wala siyang tamang lakas para gawin 'yon.

Naging emosyonal siya matapos niyang maisilid lahat ng mga gamit sa bag niya.

"Amore, I'm sorry but I need to do this. I need to know what is behind my past and I promise I'll be there for you. Pagbalik ko gusto kitang makitang nakangiti sa harapan ko." Naisipan niyang mas makakabuti itong gawin kumpara sa sundan si Amore dahil madadagdagan lang ang problema ng babae kaya ayaw niya itong isturbuhin sa misyon nito, at isa pa he need to remember his past. Kung ano ang nangyari sa kaniya mahigit sampung taon na ang nakalipas.

Pinahid niya ang kaniyang mga luha saka lumabas na sa kaniyang silid. 

Nasa labas si Tiyo Gusting ng nadatnan niya.  Nagkakape ito at nakuha agad ang presensiya niya ng makita siyang tangay ang maliit na backpack niya. 

Malungkot na pinasadahan siya ng tingin ng matanda. Hindi ito nagsalita pero makikitang malungkot ang mukha nito.

Kahit na siya ay malungkot din. Nilapitan niya ang matanda. He clear his throat first. "Tiyo, I'm sorry for what happened, I hope you'll understand me. At ngayon napagpasyahan ko na pong umalis at sundan sa Maynila ang nobya ko. Sa tamang panahon ipapaliwanag namin ang lahat sa'yo. Sana maunawaan ninyo ang pagsisinungaling namin sa inyo," anito.

Humarap sa kaniya si Gusting. "Huwag kang mag-aalala Yam. Kahit mahirap para sa'kin na tanggapin ang mga nangyari na ay pipilitin ko pa rin na tanggapin. Ipangako mo sa akin na alagaan mo si Amie, ha."

"Opo. Pinapangako ko,"paninigurado niya. 

"Sige. Kung buo na ang pasya mo ay ihahatid na kita sa bayan. Sana ay mag-ingat kayo roon. Puwede naman kayo makipag-ugnayan kay Lita para kahit papaano ay may balita ako sa inyong dalawa."

"Opo, salamat Tiyo." 

Tinapos muna ni Tiyo Gusting usting ang pag-inom ng kape.  Siya na ang nag-volunteer na ihatid ang binata sa bayan para makaluwas ito ng Maynila. Pero naisipan ni Liam na hindi siya dadaan ng Maynila dahil mahuhuli siya ng mga tauhan ni Regor. Sa Indonesia siya tatawid saka mula doon ay aalis papuntang America.

NAKARATING na sila sa bayan. Malungkot silang pareho dahil sa balak niyang pag-alis.

"Yam, mag-ingat ka sa iyong pag-alis,"  anang Tiyo Gusting. Malungkot pa rin ito.

"Sige Tiyo. Mag-ingat ka rin. Huwag kang mag-alala. Magpapadala pa rin kami ni Amie ng pera. Kay Lita na po kami nakikipag ugnayan. Salamat Tiyo, mamimiss ko kayo. Kayong mga taga-isla."

"Sige na. Umalis ka na. Kumuha ka na ng ticket para makakaalis ka na. Mag-ingat ka. Mauuna na ako. Balik na ako ng isla. Paki-kumusta na lang ako kay Amie. Pakisabi na umuwi na lang siya sa isla."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon