Chapter 47: Scaring the devil

163 11 0
                                    

NAKARATING  si Amore na safe and sound sa hideout. Mabuti naman at walang nakasunod sa kanya na mga tauhan ni Regor.

Mamaya pa daw darating sina Astra at Dindo. Nasa duty pa ito at siyempre kasama ang babae. Kasama niya ito araw-araw kapag pumupunta ng hospital. Anong silbi ng pagiging body guard nito kung iiwan lang niya ito sa bahay.

Susunod na lang din si Ezekiel kapag nakahanap ng lugar na makalabas sa lungga ni Regor. Kahit hindi pa siya lubusang pinagkakatiwalaan ni Amore ay hinahayaan siya nitong ipakita na gusto niyang kumalas  kina Regor at ang bago nitong simpatya ay kina Amore na.

One reason is, may pagtingin siya kay Scarlett na hindi naman niya ma-amin-amin sa babae dahil sa kilos at ka-disgusto nito sa kanya ay wala naman siyang chance para ligawan ang babae.  Pero ng muntik ng namatay si Scarlett dahil sa kagagawan ni Regor labis siyang nasaktan at nagtanim ng galit sa lalaki.

Malaki ang pera nitong nakukuha mula kay Regor na siyang ginagamit niyang pampa-aral sa mga kapatid niya kaya hindi nito makuhang  kumalas mula pa noon.

Nauna nang nagpatawag ng meeting si Amore pagkarating niya. Sa susunod na lang niya pagsasabihan sina Astra, Dindo at Ezekiel ng mga gagawin. Gusto niya itong ka-meeting ng personal.

Nasa harapan na si Amore. Nandoon na rin ang mga kasamahan nito. Pinaupo na niya ang mga ito.

"Nagpatawag ako ng meeting ngayon dahil kailangan na nating simulan ang mga plano. Nandito sa USB ang mga impormasyon na kakailanganin natin," wika niya sabay taas ng USB na hawak niya.

Nagsitanguan naman ang mga Omare Corps. Alam na nila agad kung ano ang laman nitong impormasyon.

"Nakuha ko ito sa pamamagitan ng pag-oobserba at pagtatanong kay Regor dahil sa ginagawa kung pagpapanggap. Ang Ilan diyan ay alam ko na mula pa noon at ang ilan diyan ay bago pa niyang mga illegal na negosyo,"dagdag pa niya.
Suportadoagawin natin ngayon?" tanong ng isa pa niyang kasamahan.

"May naiisip na kaming plano bukod sa pagsulot sa mga illegal niyang negosyo. Lahat tayo ay kikilos. Gusto ko siyang ma-praning dahil sa unti-unti niyang pagbagsak. Kapag nasimulan na namin ang plano naming Lima, kayo naman ay makikipagtulungan kina Briana. Sila na ang bahala na pakipag-ugnayan sa mga kapulisan para matimbog ang mga illegal niyang negosyo."

"Okay Amore. Sana matapos na ang lahat. Gusto na naming makapamuhay ng matiwasay" anang kasamahan niya. Tama na man ang punto ng mga kasamahan niya. Ma's mainam na mamuhay ng matiwasay.

"Kaunti na lang. Isang bagay na lang ang hinahanapan ko ng matinding proweba. Ang mga bagay na magpapatunay na si Regor talaga ang may pakana o ang pumatay sa aking ama. Sana susuportahan niyo ako"

"Aasahan mo na tutulungan ka namin. Malaki ang utang na loob namin sa iyo Amore. Mabait ka kaya daserve mo na ibalik namin ang kabutihang nagawa mo sa amin."

"Tama iyan. Kailan kami kikilos?"

"Sa susunod na linggo matapos naming maisakatuparan ang mga plano namin. Gusto namin siyang gawing praning bago lubusang gawing baliw. Kung hindi siya makukulong ay iyan na lang muna ang mabuti nating gagawin."

Nagsitanguan naman ang mga kasamahan niya. Suportado siya ng mga ito.  Tinapos na niya ang pagpupulong nila. Hinintay na lang niya na dumating sina Astra, Dindo at Ezequil.

Kinuha muna niya ang cellphone sa bulsa niya. Gusto niyang tawagan si Liam pero natuloy ng marinig niyang may bumubusina  na sa labas baka sina Astra at Dindo na ito. Tinago na lang niya ulit ang cellphone sa bulsa niya saka lumabas.

Sinalubong niya sina Astra at Dindo. Wala pa si Ezequil siguro nahihirapan pa iyon na makalabas sa lungga ni Regor.

"Hi. Kamusta na kayo? Long time no see" bati niya sa dalawa. Mukhang maayos na ang dalawa. Siguro nagkakasundo na ang mga ito sa mahigit isang buwan na magkasama ang mga ito.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon