Chapter 44: Going out of the Sight

172 10 0
                                    

"GOOD morning,"  bati ni Dindo kay Amore. Nagkakape ito sa may garden. Hawak nito ang cellphone at kung may sinong inaabangang tumawag o mag-tetext. 

"Good morning din, tara kape tayo," yaya nito. 

Umupo si Dindo sa upuan na nasa harapan niya at ngumiti." You really forget? Hindi na ako nagkakape."

Tumawa naman si Amore ng maalala ang dahilan kung bakit. 

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?"

"Wala. Secret!"

"Kumusta na pala ang pagpapanggap mo? Ayos pa rin ba? I think you should stop it as soon as possible, baka mahalata ka niya at alam mo na. I'm just concerned about you Amore," pangaral nito sa babae matapos niyang kulitin.

Ngumiti lang si Amore. "I'm fine. Hindi ko naman ito ginawa kung hindi ko kaya. Isa pa malapit ko nang makuha ang lahat." Paninigurado nito. 

"Okay. I think pababalikin ko na lang dito si Astra. You need her as well," sabi ni Dindo. Parang gamit na hiniram na kailangan na niyang isauli, 'di yata maganda. Nababaliw na ba siya?

Kunot ang noo ni Amore. "Huh? Bakit naman? Hindi ka pa ligtas. Dudukutin ka pa rin nila dahil gusto nila akong makita. Pero one thing na nagpabobo sa kanila ay nasa harap na nila ako." At bigla itong ngumiti ng nakakaloko. "Siguro hindi kayo vibes no? Nag-aaway ba kayo? O nahuhulog ka na sa kaniya? At paano na lang si Britney 'pag nagkataon?" biro lang naman iyon ni Amore pero parang natahimik bigla ang lalaki.

"Oy, totoo ba? Ayiee," panunukso  pa nito.

Natawa si Dindo. "What? No, I'm not!" 

"Weeh? Inaaway mo daw eh

Ang kulit-kulit mo pa. Aba kapag hindi ka magiging mabait sa kanya ay talagang pababalikin ko siya dito sa hideout. Bahala ka na lang sa sarili mo na ipagtanggol kina Regor."

"Oy, teka lang. Maiba tayo ng usapan. Kamusta na kayo ng knight and shining armor mo? Kayo na siguro no?" Ito na naman ang nanukso.

"Hey. Aba kanina ikaw iyong topiko ngayon sa'kin naman? Oo, kami na kaso LDR. Konting panahon na lang at mamumuhay na tayo ng matiwasay."

"Oo nga eh. I hope so. Sana makulong na si Regor. Bakit pala hindi niyo na lang siya pinapahuli sa mga pulis?"

"Hindi naman siya makukulong. Marami siyang galamay sa loob at labas ng piitan. Tapos maimpluwensyang tao kaya makakalabas din agad."

"Ganun ba? Ay nakakainis siya pati ako tuloy dinamay pa."

"Kamusta na pala kayo Britney. Kailan kayo magpapakasal? Engaged na kayong dalawa kaya better na magpakasal na kayo."

"Wala pa raw siyang balak. She wants to fulfill her dreams first. Ayun sinusuportahan ko na lang siya. Ewan ko ba sa kanya bakit gustong-gusto niya talaga ang pag mo-modelo."

"Ah. Hayaan mo na lang. Kahit matagal pa naman siguro kaya mong hintayin dahil mahal mo siya, hindi ba?"

Tango lang ang naging sagot nito sa kanya. Papalapit na rin sina Scarlett at Astra sa kanila.

"Good morning,"  bati ng dalawa. "Ang sarap matulog," ingos ni Scarlett. 

   

"Umupo kayong dalawa. Gusto niyo na magkape? Siyempre magtimpla kayong dalawa," sabi nito saka tumawa. Tumawa na rin ang dalawa kahit corny ang joke ni Amore.

"Am, halika ka muna. May sasabihin ako sayo importante. Please, excuse us first," paalam ni Scarlett saka lumayo silang dalawa kina Astra at Dindo. Silang dalawa na lang ang naiwan.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon