Chapter 37: Dream come true

189 9 0
                                    

"CONGRATULATIONS Britney, you're the best fashion model I've ever known," walang habas na puri ni Regina sa kaniya.  Si Regina ang manager niya, at the same time her number one fan. 

"Thank you so much Regina. Siya nga pala, nasa mga magazines na ba ang mga pictures ko?" nakangiting tanong niya sa manager.

"Of course. Ikaw pa ba? Sikat ka na girl. Sikat ka na sa buong mundo sa larangan na tinahak mo, congratulations again,"  wika ni Regina saka niyakap si Britney.

Yes, she has already a lot of  things she dream before, at ngayon sikat na siya sa buong mundo. 

Pero kasabay ng kasikatang natamo ay nalulungkot pa rin siya dahil hindi na siya pinapansin o tinatawagan ni Dindo. 

Kakabalik lang ni Dindo sa pamilya niya at trabaho agad ang inatupag nito, hindi nito nagawang tawagan si Britney. Busy siya sa ngayon dahil nakatambak ang mga trabaho niya sa hospital. 

"Pero…bakit hindi ako magawang tawagan o kamustahin ni Dindo. 'Di ba sikat na ako sa buong mundo? Hindi rin malabo na nasa balita ang pangalan ko ngayon," puno ng pagkadismaya ang mukha niya. "Nakakainis na siya. Hindi siya magtataka na baka isang araw ay iiwanan ko na siya," naiinis na wika ni Britney.

"Hep hep! Maybe he's busy. You're such a negative thinker. Don't blame him for having no time for you because you also did."

"Regina, alam mo namang busy din ako. I sacrifice a lot of things para sa pangarap ko at alam mo 'yon."

"Absolutely, so understand him, his career too. Kababalik lang niya sa hospital kaya malamang busy siya."

"Yeah, exactly. Siguro busy siya, pero kahit na miss calls wala akong natanggap. Dati nagpapadala pa siya ng mensahe kahit hindi ko iyon narereplayan agad. Bakit parang nag-iba na siya?"

"I don't know. Baka nasawa sa'yo o nakahanap ng bagong girlfriend," pagbibiro nito sa kaniya. "Paano na 'yan? Joke!"

"Regina, huwag mo akong inisin. It's my big day, so better let's have fun."

"Sure, it's better than to think about negativity."

Umalis silang dalawa at pumunta sa isang sikat na bar at nagparty hanggang magsawa. Pampatanggal stress na rin nila sa napaka-hectic nilang schedules. 

"Woohh, I really miss to go on  party, yeah!" sigaw ni Britney, she's tipsy. Panay ang lagok niya ng alak. 

"Hey, stop it. And hang-over mo bukas ay talagang pagsisihan mo," saway ni Regina sa kaniya.

"Wala… akong pakialam, naiinis ako kay Dindo kaya maglalasing ako hanggang gusto ko, 'diba wala tayong ganap tomorrow?" wika niya habang sinisinok na.

"Oo, wala nga pero kapag sumakit ang ulo mo ay talagang malaking ganap. Tumigil ka na sa pag-inom. Umuwi na tayo."

"A…ayoko. Uminom ka rin diyan,  mamaya na tayo uuwi. Pabayaan mo na lang ako…"

"Pe…pero Britney,hindi naman madadala sa paglalasing ng pagtatampo mo sa kaniya. Bakit ayaw mong tawagan para malaman mo ang dahilan kung bakit hindi siya tumatawag sa'yo."

"Ayoko, galit ako sa kaniya. Baka nga totoo ang sinabi mo na may iba na siya. Dati hindi niya nakakalimutan na tawagan ako kahit busy kami pareho."

"Tama na, lasing ka na. Umuwi na tayo. Huwag kang gumawa ng eksena rito dahil baka makita ka ng media at pinagpyestahan ka. Ilalagay mo pa sa alanganin ang buhay at career mo."

"Hindi! Hindi ako uuwi, dito lang ako. Yeah, let's have fun, wooooh," tanggi niya saka tumayo at sumayaw.

Napakamot at napailing nalang si Regina dahil sa ginagawa nito. Kinakabahan siya na baka may makakita sa kanila at mailagay sa iskandalo.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon