Chapter 55: Plan 1.1

182 12 0
                                    


MAY bagong update sa pinapagawa ni Regor. Tumawag na ang tauhan niya. Sa loob ng tatlong araw ay tumawag na rin ito. Alam niyang may magandang balita ito para sa kaniya dahil kung wala naman,makakatikim lang ito ng matamis na mura at sigaw.

"Kamusta na? Ano ang update sa pinapagawa ko Bugart?"

"Tama ang hinala ninyo boss. Nagpapanggap lang siya at hindi totoo ang mga sinabi niyang pamilya sa ibang lugar. Wala siyang kapamilya rito sa Pilipina," sumbong nito.

Naikuyom ni Regor ang kaniyang kamay. "Sinasabi ko na nga ba. Pera lang ang habol sa akin ng babaeng iyon at baka siya ang spy ng mga taong gusto akong patayin. Baka si Amore ang amo niya. Damnit!" usal niya saka patuloy na kinausap ang tauhan. Sinabihan niya itong magkikita silang dalawa para makapag-usap ng maayos.

KARARATING lang ni Astra sa bahay nila. Umuwi siya para kamustahin ang pamilya niya. Naghilom naman ang sugat niya kaya hindi na ito makikita ng pamilya niya.

Nadatnan niya sa labas ng bahay ang kapatid niya. Nagbabasa ito ng libro. Hilig kasi neto ang magbasa. Hindi siya neto napansin. "Oy, ano iyang binabasa mo? Libro o pocket book?" tanong niya dahilan para ma-alarma ito sa ginagawa.

Napangiti ito kahit na nagulat ng makita siya. "Ate, I miss you. Buti naisipan mong bumisita." Yumakap ito sa kaniya ng mahigpit. Subrang na miss niya rin itong kapatid niya.

"Nasaan nga pala sina tatay at nanay?"

"Ah, si tatay nasa loob. Si nanay as usual ay nasa sugal na naman. Di talaga nagbabago ate. Siya nga ang nanay pero parang siya ang palamunin dito sa bahay."

May point itong kapatid niya. Pabigat lang ang ina nila. Dati hindi naman ito ganito pero simula nang magtrabaho siya at kumita ng pera nagsimula na itong magbago.

Napailing siya sa sitwasyon ng pamilya niya. Tudo kayod siya sa trabaho niya at kahit na mapanganib ito, pero heto ang nanay niya nagwawaldas lang perang pinaghirapan niya. Akala siguro neto maayos ang trabaho niya. "Sige pasok na tayo. Ano ba ang ginagawa ni tatay?"

"Nagluluto ate, hindi pa kami nagtatanghali-an eh, kauutang ko lang kina Aling Selena."

Napakunot niya ang noo sa sinabi ng kapatid niya."Anong nangutang kayo? At bakit? Di ba pinadalhan kita ng pera last week. Malaki iyon ah, subra na iyon sa allowance mo at sa pang gastos dito sa loob ng bahay."

Nalungkot ang kapatid niya. Alam na niya ang rason kung bakit. "Si nanay na naman ba? Hay naku, kailan ba siya titigil?"

"Hayaan mo na lang Ate. Malapit na naman akong magtapos ng kurso ko. Makakatulong na rin ako sa gastusin dito sa bahay." Tinapos na nila ang usapan. Iginiya na siya ng kapatid niya papasok ng bahay nila...

Kahit na nga itong bahay nila ay hindi pa napapa-ayos. Ang dami na niyang ibinigay na pera pero walang binatbat sa pagsusugal ng nanay nila.

"Tay," masayang salubong niya sa tatay niyang naghahain nang pagkain sa mesa.

Nakangiti ito sa kaniya. Niyakap niya ang tatay niya sa subrang pagka-miss at awa na rin. Nakayanan ng tatay niyang manatili sa poder ng nanay niya kahit sugal lang ang inaatupag nito sa tanang buhay niya.

"Tama ang dating mo anak, kumain na tayo."

Matapos nilang kumain ay masaya silang nagkuwentuhan na mag-aama.

"Ate, bakit hindi mo kasama ang boss mo? Iyong guwapo na kasama mo noon?" nanunuksong tanong ng kapatid niya. Tinutukoy nito si Dindo.

Natawa lang siya sa isiping si Dindo ay hindi naman talaga niya boss sa opisina kundi binabantayan lang. "Ah, busy siya sa trabaho. FYI, hindi iyon guwapo."

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon