Chapter 41: He's out of mind?

173 11 0
                                    

KABIBIHIS lang ni Astra matapos nitong maligo. Hindi muna siya pupunta sa hideout nila. Maganda naman ang takbo ng pagpapanggap ni Amore bilang si Mariposa kaya hindi na siya mag-aalala pa sa ngayon.

Binigyan siya ni Amore ng one week na pahinga. Kaya may time siyang mag-relax at manatili sa bahay niya.

Kumuha kasi siya ng housing loan para may matitirahan siya na malayo sa pamilya niya.

Ayaw niyang madamay ang mga iyon dahil sa trabaho niya. At malakas ang bunganga ng nanay niya at siya lang palagi ang nakikita nito.

She wants her own privacy so she finds another home.

Lumabas siyang nakasuot ng hang-in at shorts. Siya lang naman ang nasa bahay niya kaya kung anu-ano lang ang sinusuot niya basta komportable lang siya.

Pakanta-kanta pa siyang lumabas sa kaniyang kuwarto at tumungo sa sala.

Hindi pa siya nakapagsuklay ng buhok dahil balak niyang sa sala na lang siya magsusuklay.

Nasa sala na siya at napatigil siya sa paglalakad.

Nanlaki bigla ang mga mata niya at halos mapatakbo dahil sa pagkagulat at pagkahiya na rin mismo.

Halos takpan niya ang buong katawan niya ng kumot kung may kumot lang siyang mahagilap ngunit wala.

Paano ba kasi nandito sa loob ng bahay niya si Dindo. Nakaupo ito sa may sofa at nakangisi habang nakatingin sa kaniya.

"What are you doing here?" galit na tanong ni Astra sa lalaki.

"Bakit hindi ba puwede? Sige aalis na ako," wika nito saka tumayo.

"Hoy, bakit nasa loob ka nang bahay ko? Paano ka nakapasok, ha?" kuryusong tanong niya sa lalaki na nakangisi pa rin.

"Well, basic lang naman. Nalaman ko ang pincode ng pintuan mo, so, nakapasok ako sa bahay mo miss Zion Czen Sarmiento!" sagot sa kanya ni Dindo na nakapamewang habang papalapit sa kaniyang kinatatayuan.

"Why did you know my real name? Saan mo nalaman, huh? Are you stalking me?" galit na tanong niya sa lalaki.

"Well, nagtanong lang ako sa mga kakilala ko. Hindi ko inaasahan na ang ganda pala ng pangalan mo at akma naman dahil kasing-ganda mo Astra," he replied with a wide grin in his face.

"Sinong kakilala? Walang may nakakaalam sa alyas at pangalan ko maliban sa kay Jasmine!" she said sarcastically.

"Well, isipin mo na lang ang gusto mong isipin!"

"Umalis ka na. Alis!" Sabi niya sa lalaki saka itinuro ang pintuan.

"Ow? Iyan ba ang trato mo sa bisita mo?"

"Hindi kita bisita kaya umalis ka na!"pagtataboy niya sa lalaki.

Tumawa lang si Dindo saka mas lumapit pa ito sa kaniya. Napapaatras naman siya.

"Anong kailangan mo sakin?" she asked him sarcastically.

"Wala lang naman. Binisita ka lang, matagal na rin naman kasing hindi na tayo nagkikita mula ng makauwi ako sa pamilya ko," pamaang nitong sagot sa tanong niya.

"So, anong paki-alam ko?"

Lumapit ito sa kaniya.

"Wala ka ba talagang pakialam sakin? Kahit na gusto na naman akong ipadukot ni Regor? Wala ka ba talagang pakialam sa maaaring mangyayari sakin?"

"Wala, as in wala. Akong...Paki-alam... Sayo. Bakit kaano-ano ba kita?" madiing sabi niya kay Dindo.

Gusto pa sana niyang umatras pero dingding na ang nasandalan niya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon