Chapter 9: Killing the Spy?

328 15 0
                                    

NASA Alpha Mouhiere Empire si Regor, sa lugar kung saan itinuturing niyang palasyo. Simula ng mangyari ang pagtugis nila kina Amore at Liam ay palagi na siyang dumirito. Wala naman siyang gaanong tinatrabaho na personal dahil marami naman siyang tauhan. Hanggang ngayon galit na galit pa rin siya kay Amore, tintraidor siya ng babaeng akala niya habambuhay na niyang hawak sa leeg. Di niya inakala na matatauhan ito mula sa pagiging sunod-sunuran nito sa loob ng sampung taon.

May tawag siyang natanggap mula sa kanyang private investigator na may dumukot kay Dindo at hindi iyon isa sa mga tauhan niya. Galit na galit si Regor dahil sa kanyang nabalitaang may nakaunang kumidnap dito. Galit siya dahil ito lang nag-iisang alas niya laban kay Amore.

Gagamitin niya si Dindo para mahuli sina Amore at Liam. Gusto niyang patayin ang dalawa dahil wala na silang silbi sa buhay niya.

Gusto niyang mawala si Liam para masulo niya lahat ng mga ari-ariang ipinamana ng mga magulang nito. Kasalanan din naman ni Liam dahil umuwi siya at nakipagkita sa half-brother niya. Akala nya makipagbati na ito sa kanya pero talagang traidor ito at nakuha siyang ipapatay sa mga tauhan nito.

Pumasok ang kanyang right hand na si Ezekiel. Ito ang kanyang pinagkakatiwalaan ng husto. Hindi pa ito kumakalas sa kanya, siguro wala pang balak dahil may mga kapatid pang pinapa-aral sa kolehiyo.

"Boss, may maganda po akong balita. Nakapasok na po sa China at sa iba pang karatig-bansa ang mga produkto natin. Matagumpay na nakapuslit ang ating mga kasamahan doon. Malaki namang pera ang makikita natin,"balita nito.

"Magaling. May ipapatrabaho ulit ako sayo. Alamin mo kung sino ang mga dumukot kay Dindo Ruiz. At kung malaman mo sabihin mo kaagad sa'kin. Malalaman talaga nila ang kanilang kalalagyan dahil binangga nila ang isang katulad ko. Ako lang ang hari ng mga hari at walang ninumang makakatalo sa akin,"wika nito saka humalakhak.Kahit nagalit ito kanina nabawi rin iyon ng magandang balita ni Ezekiel.

"Copy Boss. Mauna na po ako,"wika nito saka yumuko.

"Sige. Pagkalabas mo ay tawagin mo si Scarlett, gusto ko siyang makausap," utos pa nito.

"Copy Boss."

Kararating lang ni Scarlett nang makita siya ni Ezekiel. Ang lalaking ito ay may crush sa kanya. Madalas silang tinutukso nang mga kasamahan nila. Palagi raw itong nakatitig sa kaniya. Pero wala siyang paki-alam dahil trabaho lang ang inaatupag niya.

"Hi Scarlett, good morning, pinapatawag ka ni Regor. Dumiretso ka na doon. See you later,"wika nito sabay wink. Feeling gwapo naman ito kung umasta, siguro nagpapa-cute lang sa kanya. Wala naman itong dating sa kanya kahit na guwapo naman talaga ang lalaki.

"Thanks. Don't you dare to see me again. Na-a-allergy ako sa iyo, pwede ba?"sarkastikong sagot nito saka umalis na.

Pumasok kaagad siya sa loob ng silid na itinuturing ni Regor na trono niya sa loob ng Alpha Mouhiere Empire. Napakalaki ng kuwarto na ito kaya tama lang na ariin nito at ituring na palasyo.

Nasisiraan na rin siguro ito ng bait kung kayat tinawag na rin niya ang kanyang sarili na king of all kings.

Nakaupo ito sa kanyang upuan ng madatnan ni Scarlett. Matalim ang mga mata nito nang tingnan siya. Nakakuyom ang mga palad na pilit kinakalma ang kanyang sarili.

"Mabuti at dumating ka na Scarlett, anong kapalpakan na naman ang nagawa mo? Papaanong may nakaunang kumidnap kay Dindo? Ha?"Galit na sigaw nito sa kanya. Hindi siya kumibo, 'di naman siya pakikinggan nito.

"Bakit? Sagutin mo ako. Huwag kang tumahimik lang. Letsimas ka Scarlett!"Sunod naman nitong bulyaw sa kanya.

"Hindi ko alam kung sino ang mga kumidnap sa kanya. Pasensiya ka na hindi ko agad nagawa ang mga ipinapagawa mo dahil nagkasakit ang ina ko at kinakailangan ko siyang ipagamot. Pa-pasensiya talaga Boss,"pagsisingungaling niya. Hindi niya alam kung naniniwala ito sa mga alibi niya.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon