Chapter 20: Bd Surprise3317

289 15 0
                                    


MALAPIT na ang kaarawan ni Liam kaya nag-iisip ng magiging surpresa si Amore.

"Ano kaya ang pwede kong maging surprise gift kay Liam, iyong hindi OA. Baka mahalata niya na umiiba na ang ihip ng hangin sa utak ko. Pag nagkataon na malalaman niyang nagkakagusto na ako sa kanya tatawanan lang ako nu'n." Una niyang kinuwenta sa utak niya.

Ngumuso siya at nag-isip ulit.

"Tama.Birthday party at ipagluluto ko siya ng mga favorite foods niya then I will buy some gifts. Okay na siguro kaysa wala."

"Ate Amie, ano ba ang iniisip mo? Parang ang lalim niyan ah? May problema ka ba?" tanong ni Lita ng mapansin siyang natutulala.

"Ah. Wala naman. Nag-iisip lang kasi ako ng pwede kong gawin sa linggo. Ano kasi, kaarawan ni kuya mo Yam. Balak ko sanang magpa-birthday kaya nag-iisip ako ng mga pwedeng gawin sa birthday niya. May mai-sa-suggest ka ba Lita?"

"Hmm. Sa palagay ko Ate Amie, magluto kayo ng mga paborito niyang pagkain, iluto mo din siya ng cake." sagot nito.

"Good idea. Thank you."

"Saka may palaro para sa mga bata. Ako na ang bahala sa palaro. Expert ako du'n."

"Pwede 'yan. Para masaya."

"Ibili mo siya ng mga regalo, like damit, relo, sapatos, pabango. Sa simpleng bagay Ate Amie ma-aappreciate niya iyon dahil Mahal ka niya, hindi ba?" nakangising wika ni Lita. Tumpak ang mga naisip niya sa mga suhestiyon ni Lita.

"Sige,gagawin natin iyon. Pero secret lang natin 'to ha. Two days na lang at kaarawan na ni Kuya mo Yam kaya wala kang pagsasabihan ha. Gusto ko siyang i-surprise," nakangiting tugon naman ni Amore.

"Ate, ako na siguro ang mamimili ng mga lulutuin para pagpunta natin sa bayan bukas eh makapaghanap ka ng mga possibleng  panregalo niyo sa kanya."

"Very bright idea, may boyfriend ka na ba Lita?" Umiling ang dalagita.Wala pa sa isip niya iyon. Naitanong lang din naman ni Amore kasi marami siyang alam. Kababasa niya lang ng Wattpad kaya nagka-idea siya.

"Mahal na mahal ninyo siguro ang isa't-isa no? Ang sweet niyo kasi araw-araw. 'Pag magkaka-boyfriend ako gusto ko 'yong tipo ng lalaki na kagaya ni Kuya Yam. Mabait, masipag, maalaga at higit sa lahat ay guwapo pa," sunod pang wika ni Lita. Labis ang paghanga niya sa dalawa.

Bigla naman siyang natigilan. Sweet nga silang tingnan pero ang totoo fake lang ang lahat. Pagpapanggap lang.

"Ah... Talaga? Parang hindi naman ganun. Sige mas mabuti pa. Bukas hindi muna tayo magkakarenderya. Pupunta tayo ng bayan. Dumaan ka  dito bukas para sabay na tayong umalis. Gagawa lang ako ng listahan ng mga dapat bilhin bukas."

"Sige Ate, excited na ako. May bumibili ako na ang bahala roon. Sige, alis na po ako," paalam nito dahil aasikasuhin muna niya ng mga bumibili.

Naiwan siyang nasa kusina at nagmo-monologue. Kinakausap na naman niya ang kanyang sarili.

"Sana effective itong surprise na t'o. Sana magugustuhan niya. Pero para saan to? Mag-e-effort ako  para sa kanya? I'm just an ordinary friend, iyong stranger na minsan lang siyang tinulungan. Amore ano ba? Ang labo mo. Gawin mo na nga lang iyang mga gusto mong gawin, usal niya.

"Hey, are you okay? Sinong kausap mo rito?" tanong ni Liam mula sa kanyang likuran.

Bigla naman siyang nagulat dahil sa pagsulpot ni Liam.

"Narinig kaya niya ang mga sinabi ko?" Wala may kinikwenta lang ako. Mga dapat bilhin para sa karenderya. Mga dapat lutuin para sa susunod na araw. Bakit naman?" mabilis niyang naisip na  alibi.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon