Chapter 22: Apo-2182

229 13 0
                                    


KAGIGISING lang ni Amore. Napasarap ang kanyang tulog dahil marami ang nainom niyang beer kagabi. Bumangon siya at tumungo sa labas ng kwarto niya sa loob ng yate. Hinanap kaagad niya si Liam pero wala na iyon sa labas.

Bumaba siya sa yate at nakita niya ang lalaki na nandoon lang pala sa may isang malapad na bato naka-upo at parang nagmumuni-muni.

Nilapitan niya ito. At naupo sa tabi ni Liam.

"Hey, they're something bothering you? Akala ko kung nasaan ka na? Akala ko iniwan mo na ako habang natutulog pa ako."

Hindi siya nito pinansin. Kumunot ang noo niya. May problema na naman siguro. Malamang suplado, e.

"Tara na mag-ayos na tayo ng mga gamit. Umuwi na tayo baka nag-aalala na si Tiyo Gusting sa'tin, medyo tanghali na rin. Grabi pala ang tulog ko. Pero okay lang dahil wala naman akong hang-over," tuloy-tuloy niyang wika. Medyo napadaldal siya. Maganda kasi ang gising niya.

"Okay, let's go home." Nagsalita rin sa wakas, baka wala ng sa mood kanina.

Tumayo na silang pareho.Naglakad patungo sa yate.

"Amore, thank you so much, hindi ko pa rin maubos isipin na ginawa mong special ang birthday ko."

Masaya si Liam, kahit papaano ay ginawa niya ang kanyang best para mapasaya siya nito.Tulad ng sabi nito, siya lang ang nag-abalang maghanda sa birthday niya dahil hindi na siya nagsi-celebrate mula noon.

"It's just nothing. You're welcome, Liam. Let's go."

"Doon na lang tayo mananghalian sa bahay ni Tiyo Gusting. Magluluto ako ulit ng paborito mong pagkain. Ano pa ba ang mga paborito mo?" nangingiting tanong ni Amore sa kanya.

Daig pa naman nito ang girlfriend ni Liam kung umasta. Wala naman sila sa harap ng mga tao pero parang nasanay na siya pagpanggap man o hindi.

"Wala, dahil lahat ng niluluto mo ay gustong-gusto ko. Every foods you cook are all special. Balak ko nga sana balang araw ay kunin kitang personal Chef ko. Wala kang kasing galing kung pagluluto lang ang pag-uusapan." Wow, it's a compliment galing sa lalaki. Sumaya bigla ang puso niya.

"Sure ka ba?Grabi Chef lang ang gusto mo sa'kin? Tss!" kunwari nagtampo pero biro lang naman niya.

Natawa si Liam sa naging reaksiyon niya. "Siyempre, bakit ano pa ba ang gusto mo? Ha? Ano?"

"Wala. Nevermind. Umuwi na nga tayo baka iba na naman ang iisipin ni Tiyo Gusting kung bakit hindi pa tayo nakaka-uwi."

Umuwi silang dalawa na kapwa masaya at nag-enjoy. Simpleng bagay lang naman ang ginawa nila, inuman at kwentuhan lang naman. Wala namang ibang nangyari bukod doon. Puno naman sila ng respeto sa isa't-isa. Pagpapanggap nga di ba? Ano pa ang aasahan mo?

Pagkarating nila sa may daungan ay kaagad nilang nakita si Tiyo Gusting na nakaupo sa papag at kumakain ng tanghalian.

NAKANGITI naman si Tiyo Gusting habang paparating sina Amore at Liam galing sa Tinagong Isla. Siguro may kung anong kakaiba na talaga itong iniisip. Iba kasi ang ngiti nito, parang nakakaluko at nanunukso.

"Ahem. Siguro nag- enjoy talaga kayo ano? Tinanghali kasi kayo ng uwi," bungad nito sa dalawa habang medyo natatawa. "Kamusta ang pagpunta niyo sa Tinagong Isla?"

"Well, of course Tiyo Gusting," sagot ni Amore. Tama talaga ang hinala nila nag -isip na naman ng hindi maganda ang Tiyo."nag-inuman at kwentuhan lang naman."

"Magandang tanghali po Tiyo," bati ni Liam

"Aba, talaga ang ganda ng tanghali ko kasi baka successful na ang hinihiling ko sa inyo," nakangising wika nito. Ang paghingi na naman ng apo ang nasa isip nito. Malabong-malabo iyon na mangyari.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon