Chapter 46: Dean's Lister

153 12 0
                                    

HINDI pa rin makapaniwala si Lita sa kaniyang mga nalaman. Hindi naman nag-iba ang kaniyang turing sa dalawa sa halip mas naging idolo pa nga niya ang mga ito. Humanga siya sa tapang ng dalawa. Gusto niya ring tularan ang katapangan ni Amore pero hindi sa ganuong paraan. Gusto niya ng malinis at patas na pakikipaglaban. Mas gusto na niya ngayong maging abugado kaysa maging guro. Pero gusto muna niyang tapusin ang kurso bago ang sunod pa niyang plano. 

Malaki ang utang na loob ng pamilya niya kay Amore kaya habang buhay niya itong tatanawin. Kung parang sa hinihiling lang naman ni Liam ang maitutulong niya ay gagawin niya ang lahat makatulong lang. 

Kaya nag-aaral siya ng mabuti para maipakita kina Amore at Liam na deserve nila ang pagpapa-aaral sa kanya.

Maganda naman ang takbo ng pag-aaral ni Lita sa bayan. Naging isa pa nga siyang Dean's list nitong taon. Matalino talaga siya bagay na natipuhan talaga siya ni Amore na pag-aralin sa bayan. 

Manaka-naka na lang siyang umuwi sa isla dahil sa pagiging busy na rin ito sa pag-aaral. Pero ngayon sigurong dadalasan na niya ang pag-uwi dahil gusto niyang masigurado na nasa mabuting kalagayan ang matanda. Iyan ang habilin ni Liam sa kanya. At hindi niya iyon masisira dahil nangako siya.

Naupo pa rin siya sa higaan niya. Nag-iisip ng mabuting gawin. Hindi pa naman siya makakauwi dahil may mga kailangan siyang pag-aralan. Nalalapit na ang kanilang exam sa final semester. Sa susunod na taon ay magiging 2nd year college na siya at labis na naman ang galak niyang mag tapos na sa pag-aaral ng sa gayon ay matulungan na niya ang kanyang pamilya at mga kabataang nasa isla.

Hindi naman siya nakakatawag doon dahil nga walang signal. Makakatext ka nga pero kung mamalasin hindi umabot ng isang araw kundi sa susunod pang araw. Buti pa nga ang chismis mabilis kumalat. 

Sa kabilang dako, naging malungkot na talaga si Gusting. Nasa bahay lang ito at tanging sa carinderia na lang naka-focus. Ang ina ni Lita na si Maricar ang katuwang ni Tiyo Gusting sa pag-aasikaso sa carinderia.

Hindi na rin nangingisda si Gusting dahil matanda na siya. At may tampo pa rin kina Liam at Amore.

Simula ng umalis si Amore at maging si Liam ay naging malungkot na rin ito at mas galit ng nagtapat ang lalaki. 

Pero wala na siyang magagawa. Bukod sa mga ipinagtapat ni Liam ay naging masaya naman siya kahit papaano dahil sa nalamang mag kasintahan ang dalawa. 

Masyado na siyang nangugulila ngayon kay Amore at pati na kay Liam. Itinuturing na rin kasi niya itong pamangkin at anak.

"Gusting, ano naman ba ang iniisip mo? Ang lungkot mo naman ah," puna ni Maricar sa matanda.

"Namimiss ko lang sina Amore at Yam. Kailan pa kaya sila uuwi rito?" Malungkot na tugon nito.

"Asus, uuwi rin sila rito kapag nagsawa na sa Maynila. Matagal din naman si Amore na nawala rito dati ah ngumiti hindi ka Naman nababahala? Ngayon pa ba na nag-asawa na siya?"

"Sana nga. Kailan ba uuwi ng isla si Lita dahil gusto ko sana siyang kausapin na kamustahin sina Amie at Yam?"

"Hindi ko pa alam kung kailan. Maghihintay na lang tayo. Siguro busy pa ito sa pag-aaral. 'Di naman ako makatawag o text eh. Sige lang, baka sa makalawa makakapunta ako sa bayan. Ako na lang ang mangangamusta at babalitaan na lang kita," anang Maricar. 

"Oo nga, mas mabuti pa. Sige na nga bawal malungkot. Magmukha pa tayong amaw ana. Dapat happy lang jud, 'di ba?" sabi nito na ngumiti na. 

"Mao jud. Dapat happy lang. Ako nga na miss na rin ang dalaga ko pero sige lang. Parti iyan ng pagsasakripisyo," sagot naman ni Maricar. 

"Pabili po," anang kapitbahay nila.

"Oh, hayan. Naay mo palit na. Dapat na palaguin natin itong carinderia para maging proud sina Amie at Yam saka umuwi na lang dito at huwag na doon sa Maynila."

"Oo nga. Sige ako na ang mag-aasikaso rito ka na lang sa kusina," paalam ni Gusting.

Nakangiti na sa wakas ang matanda. Buti na lang at may sense of humor itong ina ni Lita. Palabiro din kasi ito at may pagkabungangira minsan. 

"Heto na," sabi niya saka ibigay na ang ulam na binili nito.

"Salamat."

Wala namang ibang maisip si Lita na puwede niyang gawin. Kumuha na lang siya ng mga notebook niya at nagsimulang mag-aral. Kailangan niyang mag-aral ng mabuti para hindi bumaba ang grades niya. Mataas ang grado niya. Nasa top 2 siya kaya ayaw niyang bumaba ang pwesto. Hindi naman sa competitive siya pero hindi siya nagpapatalo.

Saglit niyang kinalimutan ang mga gumugulo sa kanyang isipan. 

"Self, focus on your review. Nandoon na naman sina Nanay at tiyak na hindi nila pababayaan si Mang Gusting," usal niya saka hinagod ang kanyang buhok ng hawak niyang  ballpen.

Bumuga muna siya ng hangin saka sinimulang buklatin ang kanyang notebook. Nakapagsimula na rin siya wakas.

Samantalang kakauwi lang ni Amore buhat sa pakikipag kita niya kay Regor. Sa apartment siya nagpahatid. Kaunti na lang at mapapaniwala na niya ito ng husto. 

Labas-masok na siya sa Alpha Mouhiere Empire. Kilala na rin siya ng mga tauhan ni Regor na girlfriend siya nito. 

Hindi naman siya nangangamba na mabuko dahil kahit anong oras ay pinaghahandaan na nila ang mga gagawin. 

Gusto niyang tawagan si Liam pero naisipan niyang hindi na muna. Kakatawag lang niya noong nakaraang araw at alam niyang wala na ito sa tinagong isla. 

Hihintayin na lang ulit niya ang text nito bago tumawag para mangamusta. 

Pumasok siya sa kanyang kuwarto. Inilapag niya ang mga pinamili nila kanina. Ganito ang araw-araw niyang routine. Nakikipag-close kay Regor tapos sa bawat paglabas nila ay pumupunta sila ng Mall. Shopping ang ginagawa nila. Hindi naman siya tumatanggi dahil ito rin Namanw ang isang rason,ang huthutan ang lalaki. 

Galanti at mabait Naman ito kapag hindi galit pero kapag galit ay parang demonyo. Walang ubod ng sama.

Mamaya ay aalis din siya. Pupunta siya sa hideout. Bukas ay isasakatuparan na nila ang kanilang naisipang plano. 

Kailangan na ulit nilang magparamdam sa lalaki. Nag-enjoy na ito ng ilang buwan na walang kaaway o sinumang kumakalaban sa kanya. 

Tama na ang pananahimik, it's time to be wild. 

Magpapahinga muna siya ng trenta minutos bago umalis. Medyo napagod din ang mga paa niya sa kakaikot sa mall. 

Mula sa bintana ng kuwarto niya palihim muna niyang minanmanan kung may mga tauhan pa si Regor sa labas. Ayaw niyang pakumpiyansya. 

Nang masigurong wala na ay nagsimula na siyang magbihis at mag-ayos. Maya-maya pa ay aalis na siya.

Pupunta din sina Dindo at Astra sa hideout. Parti din sila ng plano. Pati si Ezekiel ay kailangan ding nandoon bukas. 

Lahat ay maghahanda ng husto para sa panimulang plano. 

Kung ano ang napagkasunduan ng lahat ay siyang maging plano at gagawin nilang panakot kay Regor. Kailangan nilang takutin ang lalaki ng paunti-unti hanggang sa mabaliw ito at tuluyan nang masira ang mga galamay niya at ang buong sindikato.

Pwede naman nilang patayin na si Regor kahit anong oras pero hindi nila iyon gagawin. Kailangan munang magdusa ang lalaki. Kung paano niya pinahirapan sina Amore at mga kasamahan nito ay siya rin ang igaganti nila sa kanya.

Kung hindi na ito magbabago, hindi na nila hihintayin ang panahon na iisipin na nitong magbago.

Tumayo na siya at nagbihis na. Nagsuot na ng prosthetics niya na si Mariposa. Tinanggal niya ito kanina dahil nangangati na siya sa kasuotan niya. Sawang-sawa na rin siyang magpanggap. 

Lumabas na siya ng apartment niya. Sumakay siya sa kanyang motor at sa kanilang daan dumaan.  

Nagshort-cut muna siya ng daan bago tinahak ang daan papuntang hideout. Gusto niyang makasigurado na walang may nakasunod sa kanya. 

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon