Chapter 10: She's Deeply Happy

348 15 0
                                    


HAWAK  na ni Amore ang titulo ng Tinagong isla. Kinausap na niya ang kapitan ng barangay, tinulungan siya nitong sumangguni sa kinauukulan at sa DENR para maisakatuparan niya ang matagal nang pangarap na mabili at maangkin ang isla na iyon.

Mabilis ang naging negosasyon.Nabili niya ito sa murang halaga kaya napakasaya niya.Kahit mahal pa iyon, ay talagang bibilhin pa rin niya. Marami nang masasayang memories ang mayroon siya sa Tinagong isla.

Ito ang kanyang pahinga at mundo. Dito niya binubuo ang sarili sa tuwing marami siyang problema sa buhay. Saksi ang isla kung paano siya umiyak, sumigaw at tumawa mula sa mga problema niya.

Kaya ngayon subrang thankful niya dahil naisakatuparan na ang hiling niya.

Hindi na siya makapaghintay na maibalita sa Tiyo Gusting at kay Liam na sa siya na ang nagmamay-ari ng Tinagong isla.

Marami na siyang plano para roon pero saka na kapag tapos na siyang maghigante kay Regor. Sa ngayon gagawin na muna niya itong pasyalan kasama si Liam, ang  bago niyang kaibigan.

Masaya siyang umuwi ng bahay.Napapatalon-talon pa sa daan. Wala silang paki, basta ganuon siya ka  saya.

Excited siyang ibalita ang tungkol dito.
 
"Tiyo Gusting, may maganda akong balita sa inyo. Ang saya ko talaga ngayon. Sa wakas ako na ang may ari ng Tinagong isla,"masayang balita ni Amore.

Nasa labas pa lang siya ng bahay ay nagsisigaw na siya. Hindi siya ang tipo ng masayahin pero ngayon subrang saya niya.

"Amie, anong sinisigaw mo riyan? Parang baliw ka na nagsisigaw sa labas,"sabat ng tiyo niya.

Pilosopo naman talaga minsan ang matanda pero kahit ganun ito ay mahal na mahal pa rin niya. Ito nalang ang nag-iisa niyang kapamilya kaya itutodo na niya ang pagmamahal dito.

"Tiyo, nabili ko na ang isla. Sa akin na ito, finally. Di ba ang saya?"masaya niyang pahayag. Abot tenga ang mga ngiti niyang pinakawalan.

Lumabas mula sa loob ng bahay ang Tiyo Gusting niya.

"Aba. Magaling. Congrats sa iyo Amie. Eh ano na ang balak mo para roon?" excited din ito para sa magiging plano ni Amore.

"Sa ngayon ay wala muna, at least sa akin na ang isla at wala nang ibang makakakuha noon."

"Looks like you're so happy, Mahal. Nabili mo ba ang isla?"tanong ni Liam na bigla na lang sumulpot na galing kung saan.

Aktengan na naman 'to dahil nasa harapan sila ni Tiyo Gusting. Sila na talaga ang mga best actors, pwede na talaga silang bigyan ng FAMAS award. Ang galing nilang magpanggap hanggang ngayon hindi pa rin sila nahahalata ng matanda.

"Yes, you heard it clearly, I'm so happy. Parang gusto ko magpa-party dahil sa tuwa,"sagot ni Amore na pagkuway sinabayan nito ng paghawak sa beywang ni Liam.

Nagmukha silang sweet tingnan. Tama lang sa totoong mag-asawa. The best nila talagang umakteng.

"Hey. Ayaw ug saba! Party ba kamu sa birthday ko na lang kayo magpa-party para masaya. Bakit ba ang saya ninyo na nabili na ang isla, bakit may balak na ba kayong iwan ako at bumukod na? Sana hindi niyo na lang nabili iyon,"wika ni Tiyo Gusting na biglang may tonong pagtatampo.Isinip nitong iiwan na siya ng mag-asawa.

"Tiyo naman, hindi naman sa ganun, wala namang ibig sabihin ang saya naming ito, di ba Mahal? Hindi tayo aalis dito sa bahay ni Tiyo Gusting, di 'ba?"wika nito habang tinititigan si Liam ng masakit para sang-ayunan ang pahayag niya.

"Totoo iyon, Tiyo Gusting. Dito pa rin kami titira. Binili lang iyon ni Amie para sa aming kinabukasan saka maganda ang isla at maraming likas na yaman. Maliit lang pero maganda, tama lang iyon para pasyalan at para hindi na rin maangkin pa ng iba,"sang-ayon ni Liam.

AMORE'S HIDDEN IDENTITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon